Away;

1 0 0
                                    

(Daf's POV)

"Anyare sa mata mo Ate? Magang maga ah?"  tinignan ko ng masama si Daisy pagkasabi nya nun habang pababa ako ng hagdan.

Kagabi, madaling araw na ako nakatulog. Masakit isipin na aalis sya at matagal na panahong hindi ko sya makikita.

"Oo nga, Daf. Umiyak ka ba?" tanong din ni Papa.

"Hindi Pa. Kinagat lang ng ano... uhm, langgam." sabay upo sa upuan na katapat ni Mama.

"Ang pangalan ba ng langgam ay Larkspur?" nakangising sabat naman ni Mama habang hindi nakatingin sakin at nagsasandok ng kanin.

"Ma,"

Sumandok nalang ako at hindi na binigyang pansin ang mga hirit ng mga kapatid ko.

"Nga pala, bukas aalis kami ni Tito Net nyo. Pupunta kaming Sorrel." biglang sabi ni Papa.

I stopped moving with the spoon centimeters away from my mouth. Saka ko sila tinignan na nakatingin lang din sakin na para bang hinihintay ang magiging sagot ko.

Bakit ba ganyan na naman ang usapan?  Bakit sa lugar na naman na yan?

"Bakit pa? Anong meron dun?" rinig kong tanong ni Rose.

"Diba taga doon sina Zinnia?" tanong din ni Lily.

"Malapit na kasi ang pasukan. Magda-dalawang linggo nalang kaya pupunta kami doon para dumalo sa isang conference about sa delivery ng bulaklak kada may okasyon. Ang layo nga e." paliwanag ni Papa habang kumakain lang ako at nananahimik. Tumango tango naman ang mga kapatid ko na para bang naintindihan na nila.

"Nga pala. Nakita ko ang flyer na nakadikit sa labasan ng Flora. Enrollment na daw sa Rende bukas. Daf, samahan mo ang mga kapatid mong mag enroll ha?"

Tumango lang ako at ngumiti kay Mama. Hindi naman na agad sila nagtanong pa at mukhang ramdam nilang wala ako sa mood.

Pagkatapos kong kumain, lumabas ako at umupo sa ilalim ng puno sa harap ng bahay namin. Tinatangay ng hangin ang buhok ko kaya napapikit ako.

Maya maya, naramdaman ko ang pag upo ng isang tao sa tabi ko.

"Nasabi sakin ni Hera na sa Sorrel mag-aaral si Larkspur."

Lumingon agad ako sa kanan ko kung saan narinig ko ang sinabi ni Mama. Nakatingin lang rin sya sakin.

"A-ah opo. Nasabi nya na sakin kahapon."

Iniiwas ko ang paningin ko kay Mama. Kilalang kilala nya na ako at malalaman nya agad ang nararamdaman ko.

"Kaya ka ba malungkot?"

Napabuntong hininga ako pero hindi ko pinahalata.

"P-Po? Ba't naman ako malulungkot, Ma? Opportunity yun e."

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Simula bata kayo, magkaibigan na kayo ni Larkspur. Tuwing umiiyak ka, pinapatahan ka nya. Kung anong meron sya, binibigyan ka nya. Tuwing may sakit ka, pinapasaya ka nya. Tuwing nadadapa ka, tinutulungan ka nyang tumayo. Ngayon, nandyan pa rin sya para sayo. At naisip ko noon pa man, hindi na ako magugulat kung isang araw, may nararamdaman ka na para sa kanya."

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon