You belong with me;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

Cookies and cream.

Cookies and cream ang nasa cone ni Lark habang naglalakad sya papunta sakin.

Gusto kong umiyak. Magwala. Gusto kong itapon ang ice cream na yun. Gusto kong isigaw sa kanya na mahal ko sya. Gusto kong maging selfish at agawin ang bestfriend ko. Gusto kong ako ang piliin nya.

Pero hindi ko nagawa.

Tumalikod nalang ako at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata ko.

Coincidence ba ang lahat? O talagang binigyan na ako ng sign sa kung ano ang dapat kong gawin?

"Nget!" rinig kong sigaw nga.

Pero nauna na akong lumabas na para bang hindi ko sya narinig na tinawag ako. Naglakad ako papunta sa sasakyan nya na nakapark at pumasok dun.

Ano ka ba, Daf! Hiningi mo yung sign na yun kaya umayos ka!

Bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan saka ko kinain yung ice cream na hawak ko.

Potek. Kung hindi ka lang masarap baka nadamay ka na sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Baka nai-ngudngod na kita sa semento kanina pa.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat katabi ko. Hindi na ako nag abala pang tignan kung sino yun. Alam ko naman kasi sa amoy nya palang na nanuot agad sa ilong ko.

"Ang bilis mo namang lumabas, nget. Tinawag pa kita kanina ah?" sabi nya habang ramdam kong nakatingin sakin.

Nilingon ko sya at kinakain nya na yung ice cream nya.

"Hindi kita narinig. Malamig na kasi dun kaya nagmadali ako. Feeling ko anytime magfi-freeze na yung utak ko."

Sana nga pati puso ko mag freeze na rin. Para hindi na ako makaramdam pa ng sakit.

"Dito muna tayo ah? Para namang kaya kong mag drive habang hawak to." saad nya habang nakangisi at pinakita yung hawak nyang cone.

Nag nod nalang ako at kumain na kaming dalawa. Hindi nagsasalita at sobrang tahimik. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

Apat na scoops lang yata nung ice cream yung nasa kanya kaya mabilisan nya yung naubos.

"Mag play tayo ng music!" nakangiting sabi nya saka pinindot yung player sa sasakyan nya saka sya nag drive.

Bumuntong hininga nalang ako ng marinig ang music na nagplay galing dun.

Potek nananadya ah!

-Playing You belong with me by Taylor Swift

You're on the phone
With your girlfriend she's upset
She's goin' off about something that you said
Cause she doesn't get your humor like I do

"Nget! Anong bulaklak ang gwapo?"

"Ano?"

"Edi Larkspur! HAHAHAHA!"

"Ulol!"

I'm in the room
It's a typical Tuesday night
I'm listening to the kind of music she doesn't like
And she'll never, know your story like I do

"Bilis! Baka mahuli tayo!"

"Aba't sinong mabagal tumakbo sating dalawa, Daffodil?"

"Ikaw! Sasabat ka pa?"

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon