(Daffodil's POV)
Dalawang araw na simula nung nagpunta kami sa Spry. Hanggang ngayon, tandang tanda ko pa rin yung sinabi ni Lark dun habang kumakain kami.
May ibig sabihin ba yun? O ako lang ang nag-iisip na may mas malalim na ibig sabihin yun?
"Ate, okay na ba to?"
Winaksi ko na muna yung nangyaring yun at bumaling ako kay Lavender na nakaupo sa damuhan ngayon at gumagawa ng maliliit na bouquets.
Nandito kami sa dulo na parte ng Flora. Naghahanda ng surpresa para kay Mama dahil birthday nya ngayon.
"Oo okay na yan, Lav. Isabit mo na yan dun. Yung iba naman ipatong mo sa plorera sa gitna ng mesa."
"Ate saang banda ko ba isasabit tong placard?"
Lumapit ako kay Lily at Rose para tignan ang placard na ginawa nila.
Napangiti pa ako kasi ganito yung nakasulat.
'Happy Birthday, Mama. Mahal na mahal na mahal x1000 ka po namin. Mwah!'"Akin na ako na magsasabit."
Inabot nila sakin ang placard at pumatong ako sa kahoy na upuan. Medyo umaalog alog pa yun dahil hindi balanse yung lebel ng lupa pero kaya ko naman i-balance ang sarili ko.
Itatali ko na sana yung placards sa kahoy ng biglang sumigaw si Daisy.
"Ateeee! Ahhhhhh!"
Agad ko syang nilingon kaya nawala ang balance ko sa sarili ko at biglang umalog alog ang upuan kaya nabitawan ko yung placards at handa na sanang mahulog pero naramdaman ko ang mga bisig na sumalo sakin.
Pagtingin ko, si Lark deretso lang ang tingin sakin. Mukhang galit.
"U-uh ibaba mo na ko."
Alam kong narinig nya yung sinabi ko pero hindi sya gumagalaw at nakatingin lang sakin.
"Ayieeeee!"
"Team Dark! Team Dark! Team Dark!"
"Ay may spark!"
"Kasalan na! Anakan na!"
Ibinaba nya rin ako matapos nyang marinig ang mga sinabi ng mga walanghiya kong kapatid.
"Mag-ingat ka nga. Pano kung hindi ako dumating para saluhin ka?" kunot noo nyang tanong.
"Edi, sasaluhin ako ng lupa?" awkward akong ngumiti sa kanya.
Nanlaki ang mata ko ng yumuko sya para makalapit sakin.
"Akala mo ba papayag akong saluhin ka ng iba?"
Hindi ako makahinga sa sobrang lapit nya. Kumakalabog na ang dibdib ko sa sinabi nya.
shit.
Hindi to pwede, Daf! Hindi!
Sinundan ko lang sya ng tingin at hindi na nagsalita ng pinulot nya yung tali ng placards at sya ang tumuntong dun sa upuan. Tinali nya yun ng walang kahirap-hirap at bumaba tsaka itinali yung kabila.
"Hoy, Ate! Hahahahaha!"
"Ba't hindi ka na humihinga, Ate? Okay ka pa ba?"
"Hala, Kuya Lark anong ginawa mo sa Ate ko. HAHAHAHA!"
Tinapunan ko ng tingin ang apat kong kapatid na nasa harapan ko at tumatawa. Tinutusok tusok pa ni Lavender ang bewang ko.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...