Afraid;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Feeling magbalae na talaga si Mama at si Tita Hera." nakangiti kong sabi kay Lark.

Nasa sasakyan na nila kami ngayon at inutusang bumili ng pahabol na fertilizer sa Spry. Si Lark ang nagda-drive at nasa tabi nya ako.

"Sus, wag ka mag alala, magiging magbalae talaga sila, soon." ngisi nyang sabi na ikinataas ng kilay ko.

Simula nung magkaayos kami ni Lark last last week, lagi na syang bumabanat sakin. Sabi nya pa, he'll make me fall daw. Baliw no? Hindi nya alam matagal nang nangyari yan. Hakhakhak!

"Hoy nget, natahimik ka?"

Tumingin ako sa kanya at diretso lang ang tingin nya sa daan habang nag da-drive. Ang gwapo nya.

"Wala. Nga pala Lark, saan mo balak mag aral ng college?" nakatingin ako sa kanya at natahimik sya sa tanong ko.

"Uhm, ano. Hindi pa namin napapag-usapan nina Mama at Papa e. Ikaw ba? Saan?" tanong nya.

"Veronica."

Tumango tango lang sya pagkasabi ko nun.

"Ang sabi ni Mama sana daw dun ka rin mag aral para magkasama tayo sa dorm. HAHAHAHA!" kunware nagbibiro ako pero gusto ko lang talaga malaman ang reaksyon nya.

"Sige, sasabihin ko kay Mama." sagot naman nya na ikinangiti ko.

--

"Hoy baks! Okay na ba to?" sigaw ko sa kanya habang namimili kami. Kanina ko pa sya tinatanong pero tulala lang sya at mukhang malalim ang iniisip.

"A-ah oo! Okay na yan, uwi na ba tayo?"

Tinignan ko lang sya ng nakakunot ang noo at umiling nalang.

Hanggang sa pag uwi namin, tulala ang dakilang si Larkspur. Hindi ko alam kung anong iniisip nya at muntik pa kaming lumagpas sa Flora.

"Pa, Tito, okay na ba to?" turo ko sa mga pataba na nasa likod ng sasakyan.

"Ah oo, salamat sa inyo, Daf." sagot naman ni Tito Net at ngumiti nalang ako saka nila binuhat ang mga sako.

Tumingin ako kay Lark na nakasandal sa pinto ng sasakyan habang nakapamulsa. Lumapit ako sa kanya.

"Hoy Baks! Okay ka lang ba?"

Kumaway kaway pa ako sa harap nya kaya natauhan sya at tumingin sakin.

"Ha? Oo naman. May iniisip lang ako." nag-aalinlangan nyang sagot na ikinakunot ng noo ko.

"Ano?"

"Wala. Yung tungkol lang sa pataba."

Tumango tango nalang ako kahit hindi ako kumbinsido. Kahit naman bestfriend ko sya, nirerespeto ko ang pribado nyang buhay, may mga bagay talaga na hindi nya masasabi sakin.

--

"Hoy Larkspur saan ba tayo pupunta?!"

Tatlong araw na ang lumipas, at eto ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari at anong ginagawa ng lalakeng to pero mga alas kwatro ng hapon kanina, habang natutulog ako, ay ginising nya ako at nilagyan ng blindfold.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon