(Daisy's POV)
"WAHHHHH! ANEEEEE!"
Kunot noo akong lumingon sa pinanggalingan ng sigaw na yun at nakita ko si Tita Hera na papasok sa pinto ng bahay namin.
Nasa sala ako ngayon at nanunuod ng TV. Si Mama nasa kusina kasama si Lily. Si Rose bumalik na sa Veronica nung isang araw. Si Lav at Ate Daf naman tulog pa.
"Bakit, Ra?" tanong ni Mama kay Tita pagkalabas nya ng pinto ng kusina. Nagpupunas pa sya ng kamay nya sa apron na suot nya. Kasunod nya si Lily na nakangiting dumiretso sa gawi ko at tumabi sakin.
"May sasabihin ako! Isang nakakagimbal na balita!" naglakad sila papunta sa kusina sabay pa ng paghikbi nya. Umiiyak ba talaga si Tita? Weh?
"Ano kaya sasabihin ni Tita na nakakagimbal DAW na balita?" tanong ni Lily na nakikinig din pala sa kanila.
"Ewan. Baka-"
"HOLYYY COWWWW!"
Sabay kaming tumingin sa pinto pagpasok ng isang babaeng naka pajama. Parang bagong gising pero gulat na gulat ang itsura nya.
"Ghorl anyare kay Tita Hera? Ano daw yung masamang balita?" tanong ni Lily kay Dahlia.
Umupo si Dahlia sa tabi ni Lily at pinatong ang paa nya sa coffee table. Yung reaksyon nya parang hindi talaga ma----
"Ikakasal na si Kuya."
Mahina lang yung pagkakasabi ni Dahlia pero rinig na rinig ko yun. Hindi ako pwedeng magkamali!
"IKAKASAL NA SI KUYA LARK AT SI ATE DAF?! BAKIT HINDI MAN LANG NYA SINABI SAKEN?!" padabog akong tumayo. Rinig ko pa ang pagsigaw ni Dahlia sakin at nadaanan ko pa si Mama at Tita Hera na nag-iiyakan sa kusina.
Dumiretso ako paakyat ng hagdan at naglakad papunta sa kwarto ng kapatid kong sinekreto ang engagement nila!
Ano yun? Secret engagement and secret wedding? Ano sila celebrity?
Wala nang katok katok pumasok na agad ako. At ang ganda ng tulog ng kapatid ko! Naka salampak sa malambot nyang kama at nakabukaka ang kamay at paa na para bang lumilipad.
"ATEEEEEE!" sigaw ko.
Agad syang nagulantang at magkanda hulog hulog pa sa kama sa taranta.
"Saan yung sunog? Tumawag ka ng bumbero! Ambulansya! Sunoggg! Sunogggg!" sabay tayo at palingon-lingon sa paligid na parang baliw.
Tumaas ang kilay ko sa inakto nya at humagalpak ng tawa.
"DAISY PRIMROSE!" sigaw nya saka nahiga ulit sa kama.
Ako naman umupo sa gilid nya at binatukan sya.
"Arayyy! Ano ba?" sigaw nya pero hindi parin nag iba ng posisyon.
Mas lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang kanang kamay nya sa palapulsuhan. Tinignan ko ang ring finger nya pero walang singsing dun. Tumihaya ako sa kama nya at inabot ang kaliwang kamay nya. Tinignan ko rin yung daliri nya pero wala.
Nasan yung singsing?
"Ano ba, Si! Ke aga aga e!" sabay upo at kamot ng ulo na nagpapahiwatig na naiinis na sya.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...