Chapter 3

4.7K 146 0
                                    



"Buhay pa pala 'yang CD mo na 'yan, pare."

Hindi pinansin ni Jonas ang kaibigang si Baste sa sinabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang CD na napulot niya nang may makabanggaan siyang babae, ten years ago. Mga old songs ang laman ng CD na iyon pero hindi ang mga original singers ang nasa CD. Kung tama ang hinala niya, ang may ari ng boses na kumakanta sa CD ay ang babae mismong nakabanggaan niya.

He loves the songs listed on that CD. At maganda ang boses ng babae. Relaxing iyon. Kaya simula noon ay lagi na niyang pinapatugtog sa kaniyang sasakyan ang naturang CD. Actually, nagpagawa siya ng kopya para hindi madaling masira iyon.

"Hey!" untag sa kaniya ng kaibigan. "Are you with me, dude?"

Marahas siyang napabuntong-hininga. "May iniisip lang, pare."

"Sino? 'Yong babaeng may-ari ng CD?"

Nilingon niya ang kaibigan. Sa totoo lang, may bahagi ng isip niyang gustong malaman at makita kung sino ang may-ari ng CD na iyon. The truth was, kinabukasan pagkatapos ng insidente nilang iyon ng babaeng may-ari ng CD ay buong araw siyang tumambay sa restaurant sa pagbabaka-sakaling babalik iyon doon para hanapin ang CD. Pero walang nagpunta doon na kahit sinong naghanap sa naturang CD.

Pero hindi naman talaga iyon ang iniisip niya sa kasalukuyang iyon. Kundi iyong away nila ng Daddy niya kanina.

"Me and Dad argued a while ago."

Natawa si Baste. "What's new with that?"

"You're right. Pero ang masama, pinagbantaan niya akong tatanggalin sa puwesto as Company President kung hindi ako susunod sa gusto niya. And you know how I hate when someone put a rope around my neck. Ayoko sa lahat, iyong minamanduhan ako!"

"What do you mean na tatanggalin ka sa pwesto kapag hindi ka sumunod?" nagtatakang tanong ng kaibigan.

"Nalaman niya ang pagtanggal ko sa secretary ko." Napaigtad siya sa gulat ng biglang bumunghawit ng tawa ang katabing kaibigan. "It's not funny!"

"Pare, hinay-hinay ka naman kasi." Tumatawa parin nitong saad.

"Kasalanan ko ba kung hindi nila ako kayang i-resist?" Nakangisi nitong turan.

"Eh 'di kumuha ka ulit ng bago, pare. Problema ba 'yon?"

"Iyan nga ang problema ko ngayon. Hindi ako makakuha ng bago dahil sa pagbabantang ginawa ni dad."

Kunot-noong bumaling sa kaniya ang kaibigan. "You mean, hindi kana puwedeng kumuha ng secretary? Paano mga schedules mo? So, ngayon multitasking kana?" Muli itong tumawa ng malakas.

"I can still have my secretary. Ang problema ko, si dad mismo ang maghahanap para sa'kin. And one more that scares me, pare, iyong isang banta niya sa kukunin niyang empleyado."

Tumigil sa pagtawa ang kaibigan niya at bumaling ito sa kaniya. "Which is?"

"Ang sabi niya, hindi na daw ako makakapalag sa empleyadong kukunin niya para sa'kin."

Mas domoble pa ang tawa ng kasama sa sinabi niyang iyon.

"Now, Im looking forward to see your next secretary, pare."

"Alam mo hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging driver mo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Alam mo namang may tali na iyong isa. At ang isa naman, may pinagkakaabalahan na din. Ikaw lang ang free. Kaya wala kang choice."

"Nasaan ba kasi iyong kotse mo?"

"Nasa talyer nina Max."

Nakita niya ang kakaibang pagkislap ng mga mata ng kaibigan ng banggitin nito ang pangalan ng dalagang may-ari ng talyer. Ngayon niya lang naisip na parati itong nagsasabing nasiraan ng kotse. May-iba sa kilos ng kaibigan niyang 'to. Natamaan na yata ito ng pana ni kupido.




*****

Palabas na ng bar si Rain ng gabing iyon dahil tapos na din ang oras nila sa pagtugtog. Gusto niyang umuwi din ng maaga para makapagpahinga din siya ng kaunti. May nahanap na kasi siya na pang-umagang trabaho. Kaya hindi siya puwedeng malate kinabukasan. Malaking pasasalamat din niya at pumayag ang may-ari ng bar pati na din ang mga kabanda niya na agahan ang schedule nila sa pagtugtog para makauwi siya ng maaga.

Akma na siyang papara ng jeep ng makita ang isang may katandaang lalaki na nakatukod ang isang kamay sa isang nakaparadang kotse. Sa hitsura nito ay para itong nakainum. Medyo naa-out-balance kasi ito. Kinutoban siya ng hindi maganda nang may tatlong binatilyong lumapit dito at parang gusto itong pagnakawan. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad siyang lumapit sa mga ito.

"Excuse me!" Malakas niyang tawag sa mga binatilyo.

Nagulat ang mga ito sa pagtawag niya pero agad ding nagngitian ng makita siya. Base sa hitsura ng mga ito ay parang bangag din sa pagsinghot ng rugby ang mga iyon.

"Uy, pare chix," turan ng isa sa mga binatilyo na nakahawak sa matandang lalaki.

"Anong ginagawa ninyo?" Nakita niyang may dinukot ang isang lalaki sa harapang bulsa ng pantalon ng matandang lalaki. Sa hinuha niya ay susi iyon ng kotse nito.

"Put that back!" utos niya sa lalaki.

"Huwag kang makialam dito labs." Wika ng isa. Akma itong aakbayan siya pero mabilis niya itong hinuli sa punong braso at pinilipit ang kamay patalikod dito. Nagulat ang dalawang lalaking kanina ay busy sa pagkapa sa mga bulsa sa suot na pantalon at americana ng matandang lalaki.

"Ibabalik ninyo ang mga iyan," tukoy niya sa wallet at susi na hawak ng dalawa pang lalaki. "O uuwi kayong may bali sa katawan?"

Pero parang hindi natinag ang dalawa at akma siyang susunggaban ng isa pero bago pa ito makalapit sa kaniya ay binigyan na niya ito ng ubod lakas na tadyak sa sikmura habang hawak parin niya sa kamay ang isang lalaki. Dahilan upang mapahandusay ito sa sementadong sahig. Nakita niyang pasugod din ang isa pero inunahan na din niya ito. Buong lakas niyang hinila ang hawak na lalaki at ihinarang sa gagawing pagdakma sa kaniya ng isa pang lalaki. Pagkatapos ay binitawan niya ito at inundayan ng suntok ang isa.

Hindi na muling nangahas ang tatlo. Binitawan nila ang mga bagay na kinuha sa matandang lalaki na noon ay nakasalampak na ng upo pasandig sa kotse nito. Agad niyang pinulot ang mga gamit nito at kinuha ang susi. Tinignan niya kung pag-aari nito ang kotse kasabay ng pagpindot niya sa unlock button na nasa susi. Tumunog at umilaw ang kotse.

"Sir," tawag niya sa matanda. "Kaya ba ninyong magmaneho pauwi?"

Really, Rain? Iyan talaga ang tanong mo? Obvious naman ang sagot diba?

"I don't think I can, hija." Sagot naman nito sa lasing na boses.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Naisip niyang delikado kung sa iba niya ito ipahatid. Wala ng kasiguraduhan ang mga tao ngayon. Kaya naghihirap man ang kalooban ay nagpasiya siyang siya na ang maghatid sa matanda kung saan man ito nakatira.

"Sir," muli niyang kausap dito. "Saan po ba kayo nakatira?" Tumalima naman ang matandang lalaki. Nagpasalamat siya at maayos nitong nasabi ang address nito. At isang usal pa ng pasasalamat ang ginawa niya ng malamang medyo malapit lang ang private subdivision na tinukoy nito. At hindi lang basta-bastang subdivision iyon. Kundi panay mayayaman ang nakatira roon.

Tinulungan niya itong makatayo. Medyo nahirapan siya dahil may kabigatan din pala ito. Binuksan niya ang passengers side ng kotse nito at ini-upo ang lasing na matanda doon. Pagkatapos ay agad siyang lumigid at tinungo ang driver's side ng kotse.

Sa 'di kalayuan sa kanila ay may isang kotseng huminto.Tiim-bagang silang tinitignan ng lalaking sakay niyon.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon