"Oh! That's true, princess." Si Jonas. Pilyo ang ngiting tumingin ito sa kaniya. "Kiss is really the best medicine."
Hindi maapuhap ni Rain ang sariling dila para magsalita. Nagulantang ang buong sistema niya sa mga pahayag ng dalawang nakatingin sa kaniya.
"Ah-. I-I-." napalunok siya. "I-. Ahm-. I am f-fine. I d-don't n-need t-that m-medicine." Nagkanda-utal-utal siya sa tensyon na nararamdaman. Idagdag pa ang nakakalokong tingin ng binata sa kaniya.
"You need it, Tita Lourain. You can't even talk properly."
Kids and their innocence!
"Sofia is right, love."sulsol ng binata sa sinabi ng bata. "You badly needed some medicine."
And before she knew it. Sakop na ng binata ang mga labi niya. Ilang segundo lang ang itinagal ng halik na iyon ng binata pero pakiramdam niya ay kakapusin na siya ng hininga dahil doon.
"Felt better now?" Tanong ng binata ng iwan nito ang kaniyang mga labi. She can feel his breath fanning on her face dahil hindi nito inilayo ang mukha sa kaniya. Hawak ng binata sa magkabilang palad nito ang kaniyang mukha. Kaya kahit gusto niyang dumistansiya rito ay hindi niya magawa. Their face are so close to each other. Na sa kahit kunting galaw lang niya ay lalapat ang labi niya sa labi ng binata.
"Y-Yeah. I'm f-fine-."
"Tito Jonas you should kiss Tita Lourain a bit longer."inosenteng saad ng batang si Sofia. "I think she needs a lot of kiss."
Mahabaging Diyos! Please save me from this kid!
"You think so, princess?"tanong ng binata na bahagyang nilingon lang ang bata.
"Yes Tito."
"Y-You c-can't do this infront of a kid, Jonas." Lakas loob niyang saway sa binata.
"You're right, love."sagot nito sa kaniya.
Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang lulubayan na siya nito. Pero daig pa niya ang nabingi nang muling magsalita ang binata.
"Sofia,"tawag nito sa bata pero sa kaniya ito nakatingin. "Go inside ang tell manang to prepare some snacks for you and your kuya Miguel." Kumindat ito sa kaniya pagkatapos.
Nilingon niya ang bata para suwayin pero agad itong tumalima sa utos ng binata.
"Ok Tito." Nagmadali na itong tinungo ang loob ng bahay.
"Now,"ang binata na pinihit paharap dito ang kaniyang mukha. He's still cupping her face with his two hands. "It's time for me to give your punishments for causing me a lot of sleepless nights."
"A-Ano'ng p-punishment?" Matapang niyang turan dito. "I am not guilty of doing anything!" She tried her best para huwag mautal.
"Really?" Sumeryoso ang mukha nito na ikinabahala niya. "Who is Jared to you?" Walang babalang tanong nito sa kaniya. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang mukha.
Pinangunotan niya ito ng noo. Hinawakan niya ang mga kamay ng binatang nakahawak sa kaniyang mukha para palisin ang mga iyon.
"Nakilala mo na siya. Bakit mo pa tinatanong?"
Nagulat siya ng bigla siya nitong halikan.
"One kiss for every question na hindi mo masagot."
"That's unfair!"aniya na sinikap alisin ang mga kamay ng binata na nakahawak sa kaniyang mukha. Pero hindi nagpatinag ang binata.
"Who is Jared to you?"ulit nito sa nagbabantang tinig.
"He is a close friend!"mariin niyang sagot.
Masama ang tinging ipinukol ng binata sa kaniya.
"Ganun ba magyakapan ang magkaibigan lang?!"
Is it just her? O talagang selos ang nakaringgan niya sa boses nito?
"Fine! He's more than just a friend!"
Lungkot na napalitan ng sakit ang nabasa niyang emosyon sa mga mata nito.
"Do you love him?"halos hindi niya marinig ang tanong nitong iyon.
"Of course I do!"bale-walang sagot niya. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Mahal niya ang kaibigan bilang nakatatandang kapatid at ganun din naman ito sa kaniya.
Agad bumitaw si Jonas sa pagkakahawak sa kaniyang mukha. At walang sabi-sabing naglakad ito palayo sa kaniya. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin.
Mag-aalas siyete na ng gabi ng sunduin sina Sofia at Miguel ng kanilang ama. Kasalukuyan silang nasa sala ng mga oras na iyon.
"Did you behave kids?" Tanong ni Sergio sa mga anak.
Gwapo ang lalaki. Mas hawig ito sa anak na babae.
"Yes, dad!" Sabay na sagot ng dalawa.
"Good." Bumaling ang lalaki sa gawi ni Jonas. "Salamat sa pagbantay sa dalawa." Tumayo na ito at nagpa-alam.
"Aren't you staying here for dinner, Kuya Serge?"si Jonas.
"Next time. Nakapag-take out na kasi ako. Nagke-crave ng spicy food ang kinakapatid mo kasi."
"Third?"nakangiting tanong nito sa lalaki.
Nangunot ang kaniyang noo. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng binata sa tanong na iyon.
"Sana." Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. Bumalik ang tingin nito kay Jonas. "Ikaw? Kelan ka magkakaroon? Nahuhuli kana sa inyong apat. Albert already have one. And Elmer have one also, though it's still on the way."
"Wala rin naman pa si Baste."
"But at least, marunong siyang dumiga. Right Lourain?"nagulat siya sa biglang pagsingit ng pangalan niya sa usapan ng dalawa.
Alanganing ngiti lang ang tangi niyang naisagot sa lalaki.
Few minutes later ay umuwi na ang mag-aama. Sakto din namang dumating ang ama ng binata na si sir Bernard. Nagulat ito ng makita siya. Pero umaliwalas ang mukha nito pagkatapos.
"Good evening, sir Bernard." Nahihiyang bati niya sa matandang lalaki.
"Good evening too, hija. And call me Tito. We're not on the office to address me that way." Nakipag-beso ito sa kaniya. "Masaya akong napasyal ka sa bahay." Nilingon nito ang anak na binata sa likuran niya. "Finally, alam mo nang dumiga."
"Sofia invited her."malamig na saad nito.
Napansin niyang simula kaninang nagwalk-out ito ay halos hindi na siya nito kinaka-usap.
"Buti pa pala ang bata."mahinang usal ng matanda.
"Sir, kelangan ko na din pong umalis." Agad niyang paalam dito.
"Aren't you going to stay here a bit for dinner, hija?"gulat nitong tanong.
"Salamat na lang po. Naghihintay po si mama sa bahay eh."
Napalingon siya sa binata ng bigla itong magsalita.
"You stay."he's not asking. He is demanding him to stay. "I already called Tita Amanda."
Nagulat siya sa ginawa ng binata. Kaya pala wala siyang natatanggap na tawag mula sa kanyang ina.
"Yon naman pala, hija."anito. "I also wanted to talk to you later."
"Tungkol po saan?"
"Malalaman mo din mamaya, hija. I don't want to spoil your appetite. So, we're going to talk after dinner."
Kinabahan siya bigla sa sinabi nito. Ano kaya ang pag-uusapan nila?
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETED
RomanceSi Jonas Villanova, a playboy bachelor na ang tingin sa mga babae ay bed partners lang. Love is out of his league sa pakikiparelasyon. Para sa kaniya sex at pera lang ang habol nila sa kaniya. Pero paano kung dumating sa buhay niya ang dalagang si R...