"Ma, alis na po ako." Paalam ni Lourain sa ina nitong nanonood ng telebisyon sa kanilang maliit na sala sa loob ng apartment na inuupahan nila.
"Mag-iingat ka anak." wika ng ina nito sa kaniya.
"Sige ma," paalam ulit nito. Huminto siya sa akmang pagtalikod ng mabanaag ang lungkot sa mga mata ng ina na nakatingin sa kaniya. "What's with those eyes again, Ma?"
"Kung wala lang sana akong sakit anak, sana hindi mo na kailangang kumayod ng husto para akin." Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng ginang.
"Ma," niyakap ang ina at kinintalan ng halik sa ulo. "Alam mo namang sa lahat ng trabahong pinasukan ko, dito ako masaya. Dito ko napapalaya ang sarili ko."
"Alam ko anak. Kaya lang hindi mo maaalis sa'kin ang palaging mag-alala sa tuwing papasok at uuwi ka galing sa mga gig ninyo."
Si Rain o Lourain Santillan ay bokalista ng isang banda. Bata pa lang siya ay hilig na talaga niya ang pagkanta. Dito niya malayang nailalabas lahat ng emosyon niya.
Nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang ay kinailangan ni Rain na tustusan ang pag-aaral niya. Lalo at may sakit ang kaniyang ina. Kursong secretarial lang ang kinuha niya sa college dahil mas inuna niya ang kalusugan ng ina.
Sixteen years old siya ng malaman niyang may ibang pamilya ang kaniyang ama. Ang masakit nito, sila ng mama niya ang legal pero mas pinili ng kaniyang ama ang babae nito kaysa sa kanila. May anak din ito sa babae niya, which is older than her for three years. Ganoon na katagal silang niloloko ng kaniyang ama. From then on, namuhay silang mag-ina na malayo sa kinagisnan nilang marangyang buhay. They settled on a small apartment at kinailangang magbanat siya ng buto at early age para sa kanilang mag-ina.
Kung tutuusin ay may habol sila sa pera ng kaniyang ama dahil sila ang tunay na pamilya nito. Pero ayaw ni Rain na magmukhang kawawa. Them, being despised by her own father was already too much for her. At simula noon, nangako siyang hinding-hindi tatanggap ng tulong sa kahit na kanino. She needed to be tough. She needed to be strong. She needed to be independent.
"Ma, matagal ko na 'tong ginagawa." Wika nito sa ina. "Ngayon pa ba kayo mag-aalala ng ganiyan?"
"Kung pumapayag ka lang sana na humingi ng tulo-."
"Enough Ma!" Mariin niyang putol sa sasabihin ng ina. "Hindi tayo hihingi ng kahit na anong tulong sa kaniya!"
Sa bawat pagkakataong nababanggit o naiisip man lang ang kaniyang ama ay ibayong galit ang agad bumabalot sa puso niya.
"Sige na anak," alo ng ina niya ng makita nito ang galit sa kaniyang mga mata. She will never shed tears sa kaniyang ama. Tama na ang isang beses na iniyakan niya ito noon. "Pasensya kana. Naawa na kasi ako sa'yo, anak. Hindi mo dapat dinadanas ang ganitong buhay. Kung sana wala akong sakit. Sana ay natutulungan kita sa paghahanap buhay para sa atin."
Paluhod siyang umupo sa harap ng ina at ginagap ang mga kamay nito. "Huwag mo sanang isipin, Ma, na pabigat ka sa'kin. Kasi sa'yo lang ako kumukuha ng lakas ko. Ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko at lahat kaya kong harapin para sa'yo. Ginagawa ko lahat ng ito para sa'yo, Ma." Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ina.
Ang ina niya lang ang kayamanang mayroon siya. Sobrang mahal na mahal niya ito at hindi niya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kaniya kapag nawala ito. At iyan ang kinakatakutan niyang mangyari. At ni sa panaginip ay ayaw niya itong isipin.
"Sige na. Umalis kana at baka mahuli ka sa gig ninyo." Taboy ng kaniyang ina sa kaniya.
*****
"Kumusta na si Tita Amanda, brat?" Tanong ni Jared sa kaniya.
Si Jared ay ang lead guitarist ng banda nila. Matanda ito ng limang taon sa kaniya. Guwapo ito. Pero sa kabila ng mabubuting katangian ng lalaki ay hindi niya alam kong bakit hindi siya makaramdam ng kahit na anong spark dito. Maraming beses ng napapagkamalan silang magkasintahan ng lalaki. Pero gaya niya ay walang malisya ang relasyong meron sila. Hanggang sa makapag-asawa ito ay hindi nagbago ang treatment nila sa isa't isa. Matalik niyang kaibigan ang napangasawa ng lalaki. May dalawa na itong anak. Their twins, actually. Pero naninirahan sa America ang pamilya ni Jared. Hindi pa kasi tapos ma-approve ang petition niya kaya nasa Pilipinas pa ito hanggang ngayon.
Mahal niya ito bilang isang nakatatandang kapatid at ganoon din ito sa kaniya bilang isang nakababatang kapatid. Lahat sila sa banda ay kapatid ang turingan sa isa't isa. Siya ang bunso sa grupo kaya pakiramdam niya ay may mga guwardiya siya kapag ganoong may mga tugtog sila sa labas ng Metro Manila.
"She's doing fine." Sagot niya rito.
Nagpa-pack-up na sila ng oras na iyon. Regular silang tumutugtog sa isang kilalang bar sa Makati. Tatlong beses sa isang linggo ang schedule nila.
Sa umaga ay nagtatrabaho siya sa kung ano mang mapasukan niya. Pero hindi nagtatagal sa mga iyon dahil lagi siyang napapahamak. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niyang nabiyayaan siya ng magandang mukha at katawan. Dahil sa tuwing makakahanap siya ng pang-umagang trabaho ay puros harassment sa kaniyang boss o di kaya ay sa katrabaho niya ang nararanasan niya.
Iyan din ang pinaka-unang dahilan niya kung bakit siya nag-aral ng martial arts. Kaya kung hindi pasa ang aabutin ng mga manyakis na lalaki ay pilay silang uuwi dahil sa kaniya.
"May nahanap kana bang work?" Si Marlon, ang drummer nila. Tulad ni Jared ay puros may mga hitsura ang kaniyang bandmates. Siguro ay isa rin ito sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik sila ng mga tao. Maliban sa lahat sila sa banda ay magagaling kumanta, hindi rin matatawaran ang kagandahan at kaguwapuhan nila.
May mga recording company na din ang malimit mag-offer sa kanila ng recording contract. Pero lahat iyon ay inayawan nila. Sapat na sa kanila ang kinikita nila sa bar at iba pang gig nila. At hindi rin naman kailangan ng mga kabanda niya ang extra income. Dahil may mga may-kaya rin ang mga ito. Habang siya, ayaw niya ng masiyadong nae-expose. Tama nang kilala sila sa bar na tinutugtugan nila.
"Wala pa nga eh. Pero alam ko may mahahanap din in God's perfect time."
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETED
RomanceSi Jonas Villanova, a playboy bachelor na ang tingin sa mga babae ay bed partners lang. Love is out of his league sa pakikiparelasyon. Para sa kaniya sex at pera lang ang habol nila sa kaniya. Pero paano kung dumating sa buhay niya ang dalagang si R...