Halos takbuhin ni Rain ang bumukas na pinto ng elevator para makasakay doon nang bigla siyang mapamaang sa kinatatayuan dahil doon din sumakay sina Jonas at Cindy.
Pumikit siya para kalmahin ang sarili. This two is unbearable! She's expecting them to ride sa VIP lift. Ano pa bang magagawa niya? She's already trapped on that 4 sided moving room kasama ang dalawang taong hindi na nahiyang maglampungan sa harap niya.
Matinding inis ang nararamdaman niya sa binata dahil parang balewala dito ang nangyari sa pagitan nila kaninang umaga. Mariin niyang naikuyom ang mga palad sa inis.
Hinayaan niyang maunang lumabas ang dalawa nang makarating sa ground floor ang naturang lift. Hindi rin siya nagpatiunang maglakad. She's a masochist! Nasasaktan na nga siya tinitignan pa niya ang mga ito.
Halos magkakasabay silang tatlo sa paglabas dahil sa lapit ng distansiya niya sa mga ito. Alam niyang sinasadya ng binatang bagalan ang ginagawang paglakad.
Napansin niyang huminto ang mga ito. Actually, it was Jonas who stopped. At kasabay ng paghinto ng mga ito ay narinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan ng isang lalaki.
"Rainy!"
Biglang lumiwanag ang kaniyang mukha ng makita ang kaibigan niyang si Jared na papalapit sa kaniya.
She hurriedly run towards him and hugged him immediately. Hindi nakita ni Rain ang pagdilim ng mukha ng binatang si Jonas.
"Thank you for saving me, Jared" Bulong agad niya sa kaibigan ng halikan niya ito sa pisngi.
Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin ng palihim itong tumingin sa kaniyang likod. She cupped his friend's face para huwag mahalata ng dalawang tao sa kaniyang likod ang pagtingin sa mga ito ng kaibigan.
"Don't look at them!" Bulong ulit niya rito.
Hinagilap ni Jared ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa mukha nito at ipinulupot iyon sa sariling katawan as if she's hugging him. At ito naman ang humawak sa kaniyang magkabilang pisngi.
"Mahal ang talent fee ko, Rain." Nakangiting bulong din nito sa kaniya. Pinisil niya ang magkabilang tagiliran nito dahilan para mapatawa ito.
Sa hitsura nilang iyon ay aakalain ng sino mang makakakita sa kanilang magkaibigan na para silang magkasintahan na naglalambingan.
And if only, Rain will look back, he could see Jonas' mad face.
"Their coming,"agad na bulong ng kaibigan sa kaniya na nagpakaba sa kaniya. "Relax! I'll handle this. Just act natural."anito at kinintalan siya nito ng halik sa noo.
Pumihit ang kaibigan niyang si Jared paharap sa sasakyan nitong nakaparada malapit sa tapat nila. Nasa 'di kalayuang likuran din ng kotse ng kaibigan ang sasakyan ng binatang si Jonas.
Nangunot ang noo niya ng makitang kumaway ang kaibigan sa gawi ng kotse nito. Natutop niya ang kaniyang mga labi ng makita ang kambal na batang lalaki na lumabas sa backseat ng naturang sasakyan.
"Mommy, Rain!" Sigaw ng dalawa habang patakbo silang lumapit sa kaniya. Lumuhod siya at sinalubong ng yakap ang kambal. Ito ay sina Lucas at Matteo. Ang kambal na anak ni Jared. Nagulat siyang makita ang mga bata dahil ang alam niya ay nasa America ang mga ito.
Mommy ang tawag ng dalawang bata sa kaniya dahil siya ang tumayong ina ng mga ito ng halos apat na taon. Pagkapanganak kasi ng asawa ni Jared ay saktong napetisyonan ito ng mga magulang ng babae papuntang America.
"Surprised?" Nakangiting tanong ni Jared sa kaniya.
She was about to answer nang marinig ang maarteng boses ni Cindy sa likod niya.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETED
RomanceSi Jonas Villanova, a playboy bachelor na ang tingin sa mga babae ay bed partners lang. Love is out of his league sa pakikiparelasyon. Para sa kaniya sex at pera lang ang habol nila sa kaniya. Pero paano kung dumating sa buhay niya ang dalagang si R...