"Sir," wika niya sa binata. Nilapitan niya si Jonas para iabot dito ang folder na hawak. "Heto po 'yong revised version ng contract na pinagawa niyo sa legal department para sa contract signing ninyo ngayon with Mr. Cervantes."
Nang maibigay ni Lourain kay Jonas ang mga kakailanganin nitong dokumento para sa contract signing ay agad na siyang nagpa-alam sa tatlong lalaki sa loob ng opisinang iyon.
With a few steps, naramdaman niya ang pagbangga niya sa anak ng kliyente nila na isa sa bisita ng kaniyang boss.
Alam niyang sinadya ng lalaki na banggain siya. Halos hindi siya makahinga sa pagpipigil ng galit ng maramdaman niyang hinipo ng binatang Cervantes ang isang bahagi ng kanyang pang-upo.
Gusto niyang sampalin ito kanina pero nagpigil siyang gawin iyon. Dahil alam niyang siya din ang mapapagalitan sa huli dahil kliyente nila ang mga ito.
She held her anger dahilan para panginigan siya ng katawan. Ganoon siya kapag nagpipigil ng matinding galit. Gusto niyang makalabas na sa opisina pero hindi siya makakilos. Until she felt someone grab her waist and pull her over. It was her boss, Jonas, who is holding her now. Nabawasan ng kaunti ang galit at panginginig niya dahil sa pagkakahapit ng binata sa kaniya. She felt much secure sa yakap nito. Marahas siyang napalingon dito ng bigla niyang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang ulo.
Pero wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.
"Go to your table, now." Malumanay nitong wika sa kaniya.
She never heard him talk with that kind of voice since they met. Kaya nabigla siya ng marinig ito sa ganoong tono.
Did he hear him right? He talks as if he was concern. Pero hindi siya naniniwala doon. Baka nakaringgan niya lang ito.
Did he saw what happened a while ago? Kaya ito lumapit at inilayo ng bahagya sa bisita nilang lalaki?
Ayaw na niyang mag-isip. Kumalas siya sa pagkakahawak sa kaniya ng binata.
"E-excuse me, sir. Maiwan ko na kayo."
She immediately walked out without looking at her boss.
Inabala ni Rain ang kaniyang sarili para maibsan ang galit at inis na nararamdaman dahil sa ginawang kabastosan ng kliyente nila.
Nakatuon ang kaniyang atensyon sa monitor ng computer nang biglang may magsalita sa harap niya.
"Busy, hija?"
Nagliwanag ang ang kanina ay hindi maipintang mukha ng dalaga ng makita ang kung sino ang nagsalitang iyon.
"S-Sir Bernard," napatayo siya sa saya ng makita ang matandang Villanova. "G-Good afternoon po."bati niya dito.
"Good afternoon too, hija." Nakangiting tugon ng matanda. "Are you busy?"
Umiling siya. "No sir. Nirereview ko lang po iyong mga documents at mga papeles na kailangan ng anak ninyo bukas para sa proposal na ibibigay sa mga darating na kliyente niya bukas."
"Oh, I see." Pinasadahan nito ng tingin ang table niya.
"Have a seat, sir." Alok niya ng upuan sa kaharap. Pero umiling ito. "May kailangan po ba kayo sa anak ninyo? May ka-meeting po siya ngayon sa loob ng opisina niya, eh."
"No. Hindi siya ang ipinunta ko dito."
"Ganoon po ba?"
"Would you mind spending few minutes for me, hija? May sasabihin sana ako sa'yo."
"Ano po iyon, sir?"
"I'll tell you about it in my office."
Nagdadalawang isip siya kung pauunlakan ang matanda. Tinignan niya ang suot na relo. Tutal kakaumpisa palng ng meeting ni Jonas ay pumayag ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETED
RomanceSi Jonas Villanova, a playboy bachelor na ang tingin sa mga babae ay bed partners lang. Love is out of his league sa pakikiparelasyon. Para sa kaniya sex at pera lang ang habol nila sa kaniya. Pero paano kung dumating sa buhay niya ang dalagang si R...