Chapter 22

4.3K 142 2
                                    

Gaya ng bilin ni Jonas kay Rain, ay inantay ng huli ang binata pagkatapos niyang makapag-time-out.

Kasalukuyan siyang nasa lobby ng naturang building sa mga oras na iyon. Gusto sana niyang umuwi na agad dahil sa pagod at antok na nararamdaman.

Dahil nakatalikod siya sa kinaroroonan ng elevator ay hindi niya nakita ang paglabas ng binata mula sa VIP lift.

Napapitlag siya ng biglang may gumagap sa palad niya at halos hilahin siya palabas ng naturang building na iyon.

"Let's go." Wika sa kaniya ni Jonas ng hindi siya nito nililingon.

"Saan ba tayo pupunta, sir?" Tanong niya rito. Hindi na siya nag-abalang magreklamo sa pagkakahawak ng binata sa kamay niya. Wala na din siyang pakialam sa mga matang nakatutok sa kanila ng binata. She's too tired to talk already.

"We need to celebrate."

"Celebrate?!" Natigilan niyang tanong dito. "Celebrate about what?"

Imbes na sagutin ang kaniyang tanong ay agad siya nitong pinasakay sa kotse nito. Natigilan siya ng makita ang sasakyan nito. It's a mythos black Audi R8 V10.

Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng binata.

"A-ahm, s-sabihin mo na lang k-kung saan tayo p-pupunta. D-doon na lang t-tayo m-magkita."

Baka magasgasan pa niya ang sasakyan. For sure, kulang ang isang buwang sahod niya kapag nagkataon.

Kinabahan siya nang makita ang pagdilim ng mukha ni Jonas.

Binuksan nito ang passenger's seat. "Get in."

"M-mag k-ko-commute na lang a-ako."

Hindi naman tongue twister iyong mga binibigkas niya, pero bakit ba siya na-uutal?

"I said, get in!"

Mabilis pa kay 'The Flash' na tumalima siya at sumakay sa sasakyan nito. Maya-maya ay umupo na din ito sa driver's seat. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi parin nito pina-paandar ang kotse. Agad siyang napa-usod sa pagkaka-upo nang sa saktong paglingon niya ay ang saktong pagdukwang naman ng binata sa gawi niya upang abutin ang seatbelt sa kina-uupuan niya. Ito narin ang naglagay nito para sa kaniya.

"For safety purposes." Wika nito sa tapat ng mukha niya.

Naamoy pa niya ang mabangong hininga nito sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Napalunok siya ng wala sa oras. At nanlaki ang mata niya ng walang sabi-sabi nitong kinintalan siya ng halik sa labi. She blinked few times after. Nagiging mannerism na niya yata iyon every time na hahalikan siya ng binata. Narinig niya itong mahinang tumawa kaya nilingon niya ito.

"When will you learn to close your eyes kapag hinahalikan kita?"

Amusement ang nababasa niya sa mga mata nito habang maluwang na nakangiti ito sa kaniya.

"B-bakit, n-nakakita ka naba ng n-nagugulat na n-nakapikit?"

Why am I stuttering?

And to her surprised. Bigla itong bumunghawit ng tawa. Ewan niya pero masarap sa kanyang pandinig ang tawa nito.

"You never fails to amaze me, love!"

"S-stop calling me t-that!"

"Calling you what?" Nanunudyong wika nito.

Bumuntung hininga siya para palisin ang kaba at tensyong nararamdaman.

"Nevermind." Itinuon niya ang tingin sa labas ng bintana sa tabi niya. "Hindi paba tayo aalis?" Nasa labas parin ang tingin niya habang sinasabi iyon. Baka kaoag tumingin siya dito, mautal na naman siya.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon