Chapter 16

4.1K 149 1
                                    

Hindi nagpa-unlak si Jonas sa imbita ni Albert na magtungo sa isang exclusive bar sa Makati ng gabing iyon. Hindi sa ayaw niyang uminom kundi dahil may iba siyang nakatalagang lakad nang gabing iyon.

Sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Lourain, nagpag-isip-isip niya ang pagkakamali niya. He became a total jerk for getting mad sa isang taong hindi niya naman lubos na kilala. And when he saw the anger towards his secretary's beautiful face, that was the moment he realized, he messed up! And he needs to do something to fix all the trouble he'd caused.

And to get things right, nagpasiya siyang puntahan ang dalaga sa bahay nito nang gabing iyon.

Daig pa niya ang isang teenager na kinakabahang umakyat ng ligaw sa isang dalaga. Nakailang baba-taas siya ng kamay bago nagpasiyang kumatok. Nag-aalangan kasi siya na baka makaistorbo siya dito dahil medyo alanganing oras na din ng sandaling iyon. It's already past ten in the evening!

"Sandali lang po!"

Nangunot ang noo niya ng boses ng isang matandang babae ang narinig niya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan ng maisip na baka ina ito ng dalaga.

"G-Good evening p-po, ma'am," nahihiyang bati niya ng bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ng isang may katandaang babae. Medyo nakahinga siya ng maluwag ng makita ang maaliwalas na mukha ng ginang.

"Magandang gabi din naman, hijo."

"Pasensya na po sa pagparito ko ng ganitong oras, ma'am."

"Ano ang sadya mo, hijo. Pasensya kana kasi hindi ka pamilyar sa'kin."

"S-si Lourain po sana ang sadya ko, ma'am. Lourain Santillan po."

"Manliligaw kaba ng anak ko, hijo?"

He loves the idea na napagkamalan siyang manliligaw ng dalaga. And the thought na parang nagliwanag ang mukha ng kaharap nang sabihin nito iyon, ay parang nakadagdag iyon sa kompiyansa niyang magiging maayos na sila ng dalaga.

"H-Hindi po, ma'am. Ahm, boss niya po ako." Agad siyang nagpakilala dito. "Ako po si Jonas Villanova."

Kumunot ang noo ng ginang. Nakita niya ang pagkataranta at pag-aalala sa kilos ng matandang babae.

"Villanova?anak kaba ni sir Bernard Villanova, hijo.?" Tumango siya bilang sagot. "Bakit po, sir? May nangyari po ba sa anak ko?"

Nagtaka siya sa sinabi nito. Wala ba ang dalaga sa bahay nila ngayon?

"You mean wala po si Lourain dito sa bahay ninyo ngayon?"

"Wala siya, hijo." Nag-aalala paring wika nito.

He felt worried and nervous also. Naisip niyang hindi pa umuuwi ang dalaga simula kaninang umuwi ito galing opisina.

Where is she then?!

Maya-maya ay pinatuloy siya nito.

"Halika na muna sa loob, hijo. At may tatawagan ako."

Nagtataka man ay tumalima parin siya. Pagkapasok ay tumambad sa kaniya ang may kaliitang espasyo ng bahay. Pero kapansin-pansin ang pagiging organisado at malinis ng buong kabahayan.

Nakita niya ang ginang na nag-dial sa isang cellphone. Sandali lang ay may kausap na ito at hindi nagtagal ay ibinaba na nito ang cellphone.

"Pasensya kana sa pagkataranta ko. Kasi lagi akong nag-aalala sa kaniya sa tuwing papasok at uuwi siya galing sa bar kung saan siya nagpe-perform."

Perform?! Bar?! Is she...

Bigla siyang natigilan sa mga sinabi ng kaharap. Tama ba ang unang hinala niya sa dalaga?

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon