Chapter 20

4.2K 141 1
                                    

Namali si Jonas sa pagtantiya kay Rain. Hindi niya inaasahang papalag ito sa mga kalokohan niya sa harap ng mga kaibigan nito kanina. But he loves the challenge. At ito ang tipo ng challenge na handa niyang isugal lahat, makamit lang niya ang inaasam niyang tagumpay. Now that he knew Lourain is not the kind of woman he thought she was before, mas umigting ang pag-asam niyang suyuin ito.

Nangingiti siya habang tinitignan ang hindi maipintang mukha ng dalaga habang lulan sila at ng iba pang empleyado sa elevator ng gusali nila. Hindi niya kinuha ang VIP lift dahil alam niyang sa public lift sasakay sina Rain.

Nang makalabas sila ng lift ay napuna niyang umiwas ng direksyon ang dalaga. Agad niya itong hinawakan sa braso.

"Where are you going?" Seryoso niyang tanong dito.

"I need to go to the toilet, sir!" Mahinang singhal nito sa kaniya.

"Ok." Aniya pero hindi niya binitawan ang braso nito.

Nagtaka siya nang hindi pa tumitinag ang dalaga kaya nagtatakang lumingon siya dito. At bumungad sa mata niya ang blangkong mukha nito at iminuwestra ang braso nitong hawak niya.

"Oh, sorry love!" Binitawan na niya ito pero agad niya ulit itong hinila pabalik.

"What?!" May kataasang boses na wika ng dalaga.

Sumeryoso siya bigla. "Come to my office immediately after. May importante akong sasabihin sa'yo.

Hindi sumagot ang dalaga. Nang bitawan niya ang dalaga ay agad na nitong tinungo ang comfort room.

Saktong pagpasok ng dalaga sa pinto papuntang CR, ay siyang pagbukas naman ng VIP lift. Nagulat pa siya ng lumabas mula doon ang tatlong lalaking hindi niya inaasahang makita sa araw na iyon.

"Long time no see, pare." Agad na bati ng kaibigan niyang si Baste. Nagfist-bump ito sa kaniya kagaya ng dalawa pang sina Elmer at Albert.

"Gago," birong saad niya dito. "Parang hindi tayo nagkita sa restaurant kagabi ah."

"Alam mo namang sa isang litrato lang 'yan laging nakatunganga kapag kasama tayo." Natatawang saad naman ni Albert.

Napansin niya ang kakaibang ikinikilos ng kaibigang si Elmer. Alam niyang tahimik ito pero alam nitong makipagbiruan sa kanila kapag nagkakasama silang apat na magkakaibigan.

"Pare," pukaw niya sa kaibigan. "Untouchable parin ba?" Makahulugang wika niya.

Ngumiti ito, pero halatang pilit. "Untouchable? That doesn't belong to my own vocabulary."

"That's our man, pare!"

Napuno ng tawanan nila ang buong hallway sa palapag ng building kung saan sila naroroon ngayon.

"By the way," nagtaka siya sa biglaang pagdating ng mga ito sa kompanya nila. "Why the sudden visit?"

Makahulugang nagtinginan ang tatlong nasa harapan niya at nagsi-kindatan sa isa't isa.

"Oh no!" umiiling na naibulalas niya. "Don't give me that look mga pare!"

Kilala niya ang mga tinginan at tanguang iyon ng mga kaibigan. They're up to something. And he doesn't know what is it.

"What look?" Si Baste na inakbayan siya at iginiya papunta sa opisina niya.

"I know you're into something."

"Wala," Albert positioned himself behind him para itulak dahil napansin nilang atubili siyang tumalima sa kaniyang kinatatayuan. While Elmer walked ahead of them and went straight to his office at hinayaang bukas ang pinto niyon para makapasok sila.

Nasa visitors lounge sa loob ng kaniyang opisina ang tatlo niyang kaibigan. Habang siya ay nagtanggal ng kaniyang suot na suit at isinabit iyon sa backrest ng kaniyang swivel chair nang makarinig siya ng mararahang pagkatok sa may pinto at bumungad ang magandang mukha ng kaniyang sekretarya pagkabukas niyon.




*****
Mabigat man ang kalooban ni Rain na puntahan sa loob ng opisina nito ang kaniyang boss ay wala siyang magagawa. Isa lang siyang hamak na secretary at ang lalaking iyon ang minalas niyang maging boss.

Kinakabahan siyang pumasok doon dahil baka may bigla ulit siyang makitang hindi kaaya-aya sa kaniyang inosenteng mga mata. At nakahinga siya ng malalim ng makita ang boss niyang mag-isa sa loob.

Mag-isa nga ba? Dahil halos mapatalon siya sa gulat ng may biglang malalakas na boses ang tumawag sa pangalan niya. At halos lumuwa ang mga mata niya sa panlalaki ng mapagsino kung saan galing ang mga boses na iyon.

"Rain!!!" Malakas na sabay-sabay na tawag sa kaniya ng tatlong lalaking hindi niya inaasahang makita sa araw at lugar na iyon.

"Sebastian?!" Gulat niyang turan sa unang lalaking lumapit sa kaniya at nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin at halikan sa pisngi. Na sinundan ng dalawa pang lalaki. "Elmer?! Albert?!"

"You knew each other?!"

Iisang isip silang apat na nilingon ang lalaking nagsalita. Na kagaya niya ay gulat din ang nakarehistro sa mukha.

"Oh, well yes my dear friend," si Albert na inakbayan siya at hinapit palapit sa kaniya.

Nakita pa niya ang panlalaki ng mata ni Jonas sa ginawang paghapit ni Albert sa kaniya.

At mas nadagdagan ang panlalaki ulit ng mata ng kaniyang boss nang tularan ni Baste ang ginawa ni Albert na pag-akbay at paghapit sa kaniya. "We know her from head to toe."

At kung gaano siya kagulat sa kapangahasan ng dalawang binata sa magkabilang gilid niya ay halos mapugto naman ang hininga niya sa ginawa ni Elmer. He embraced her from behind with his one arm na ang palad nito ay nasa tapat ng sikmura niya. "We know her, unlike the way you know her."saad nito sa kaniyang likuran.

Funny, but she never felt harassed sa ginawa ng mga ito. Dahil kung iba ang gumawa niyon sa kaniya ay kanina pa siya nagwala. But to this three men beside her, she felt like she's being teased only by her friends.

Sa mabilis na kilos, ay nakita na lang niya ang sariling hawak siya sa kamay ni Jonas at iginiya palayo sa tatlong lalaking nasa harap nila. And to add more to her surprise, he blocked her sight sa tatlong lalaki.

"What are you doing to her?!" Bulyaw ng binata sa tatlo na nagpaigtad sa kaniya.

Napuno ng halakhakan ang buong silid na iyon mula sa tatlong lalaking bisita ng binata.

"If you could only see your face now, pare." Tumatawa paring wika ni Albert.

"I've never seen you like that before." saad naman ni Baste.

"That's because he never felt jealous before!" The ever frank and straight-forward Elmer answered.

"I am not jealous, you jerk!"

Naguguluhan siya sa daloy ng usapan ng apat na lalaking ito.

"Then, what's with the face?" Hindi man tumatawa ay nakangiti namang turan ni Elmer sa binata.

"Because you are harassing my secretary!"

Sa narinig mula sa binata ay napansin niyang biglang natigil sa pagtawa sina Albert at Baste, habang nakita naman niyang nangunot ang noo ni Elmer. Nagtinginan sa isa't isa ang tatlong bisita.
At halos sabay-sabay na nagtanong sa binata sa gulat na tono.

"She's your secretary?!"

"W-well, yes," alanganing sagot ng binata. "For now." Makahulugang dugtong nito na nagpalingon sa kaniya sa gawi ng binata. At hindi niya alam kung naramdaman niya ang ginawa niyang paglingon dito kaya napatingin din ito sa kaniya.

"I don't know what to say, pare." Si Albert

"Indeed." Tipid na turan naman ni Elmer.

"Two in one, huh!" Makahulugang saad ni Baste.








The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon