Chapter 33

4.3K 159 12
                                    

Hindi inaasahan ni Rain na a-attend sa naturang event na iyon ang mga kaibigan ni Jonas kasama ang respective partners ng mga ito. Baste with Maxene. Elmer with his wife, Madison. And Albert with Meghan. Halatang may problema ang huling pareha dahil hindi ito kasing sweet ng dalawang nauna.

Kasalukuyan silang magkakasama sa i-isang table. Semi-formal ang attire nila. Simple lang ang napili niyang suot sa gabing iyon. A three-fourths sleeve, floral lace hollow out , knee-length dress in an apricot color.

"Looking great, Rain!"masiglang turan ni Albert sa kaniya.

"Salamat." Kiming sagot niya rito.

Hindi pa niya nakikita ang mag-amang Villanova. Tumanggi kasi siya nang sabihin ng binatang si Jonas na susunduin siya nito.

Napapitlag siya ng marinig ang boses ng binatang si Jonas sa kaniyang likuran.

"I hope you're not harassing her again."

Umupo ang binata sa bakanteng silya sa tabi niya. Iniusod nito ang upuan palapit sa kaniya at ikinawit ang isang braso sa backrest ng kina-uupuan niyang silya.

"That's a big accusation you have there, pare." Si Baste

"Friendly lang kami. Diba, Rain?" Si Albert.

"Kids, that's enough." Si Elmer na ikinatawa ng mga kasama ang sinabi.

"You're gorgeous," bulong ni Jonas sa tenga niya bago siya nito kintalan ng halik sa pisngi.

"Get a room, you two." Kantiyaw ni Baste sa kanila ng makita ang ginawang paghalik sa kaniya ng kaibigan.

"Babe, stop teasing them." Si Maxene. Ang girlfriend ni Baste.

"Yeah, right guys." Segunda ni Madison. "Rain is turning red now."

"Oh," aniya na hinawakan ang magkabilang pisngi.

Nagtawanan ang mga ito dahil sa ginawa niya.

Napalingon siya kay Jonas ng tumayo ito at ilahad ang kamay sa kaniya.

"I need to talk to a client. You come with me."

"Pare naman."palatak ni Elmer. "Pati ba naman dito business parin ang nasa isip mo?"

"Just leave Rain with us."si Baste.

"No way!"natatawang sagot nito sa kaibigan. "I won't leave her alone with the three of you."

"Let her enjoy, pare." Si Albert na masuyong hinahaplos sa braso ang kasamang si Meghan.

"We'll be back. I just want her to meet someone."

Maya-maya ay kaharap na nila ang isang Chinese investor. Kumpara sa isang naging kliyente nila noon, marunong at nakakaintindi ang isang ito ng English.

"You should guard her, Jonas. Your girlfriend is an eye-candy."

Namula siya ng napagkamalan siyang girlfriend nito.

"You bet I will, Mr. Wong."si Jonas na ipinulupot ang isang braso sa kaniyang bewang.

Agad nagpaalam ang matandang Chinese nang mamataan ang isang kakilala nito.

Tumalikod na sila para bumalik sa kanilang mesa ng matulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang boses ng kaniyang step-sister na si Cindy.

"Jonas, honey."anito sa binata. Agad nitong ikinawit ang mga kamay sa braso ng binata. Hindi na ito nakahuma pa ng hilahin ito ng babae palayo sa kaniya. Dahil nakatalikod parin ay hindi nakita ni Lourain ang dalawang taong kasama ng babae.

She slowly turned around. And there she saw the face of a man na katulad niya ay nagulat nang makita siya.

"L-Lourain." Mahinang wika ng kaniyang ama.

Nakita niya ang bahagyang pagkunot noo ng binatang si Jonas.

"Oh,"maarteng turan ng may katandaang babae na katabi ng kaniyang ama. "So, it's you."

"You know her?"narinig niyang tanong ng binata na pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa gawi ng tatlong taong ayaw niyang makita.

Bago pa makasagot ang mga ito ay dumating ang ama ng binata. Si sir Bernard.

"Good evening, hija." Bati nito sa kaniya na hindi pinansin ang tatlo sa harap nila. Tinawag nito si Jonas para ipakilala sa mga investors na bagong dating. Pero alam niyang sinadya iyon ng matandang Villanova para makaharap niya ang kanyang ama.

Isang hakbang paatras ang ginawa niya ng makitang akmang lalapit ang ama sa kaniya.

"Ano'ng ginagawa mo dito, anak?"banaag sa boses nito ang lungkot.

She smirked ng tawagin siya nitong anak.

How dare you!

She can't handle to see their faces. Akma na siyang tatalikod sana nang
marinig magsalita ang ina ni Cindy.

"Are you here to catch some big fish, hija?"nanunuya nitong saad sa kaniya.

"Shut up, Patricia!" Singhal ng kaniyang ama sa katabi nitong babae.

Naikuyom niya ang mga palad sa sinabing iyon ng babae. Hindi siya kakikitaan ng emosyon sa sandaling iyon. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Pero hindi umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Until she heard her step-sister talked.

"Be careful dear sister,"aniya na lumapit sa kaniya at pabulong itong nagsalita sa tapat ng kaniyang tenga. "Baka matulad ka sa ina mo."

Sa pagbanggit ni Cindy sa kaniyang ina ay doon na humulagpos ang galit na tinitimpi niya.

Natahimik lahat ng mga naroroon nang isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha ng gulat na si Cindy. She felt great sa binigay na sampal sa kapatid. At dahil nasiyahan siya ay agad niyang hinila ito sa buhok. Dahil sa gulat ay hindi ito nakabwelo sa kaniya. Kinaladkad niya ito palapit sa gilid ng swimming pool at malakas na itinulak ito room.

Tili at sigaw ng babae ang maririnig sa buong venue ng event na iyon. Everyone was in total shocked sa kaniyang ginawa. Pero wala na siyang pakialam doon. Sampung taon niyang kinimkim ang galit sa dibdib niya. She wanted to end her misery right at that moment.

Nakita niya ang akmang pagsugod sa kaniya ng ina ng babae pero bago pa man siya nito mahawakan ay magkabilang malalakas na sampal sa pisngi nito ang ibinigay niya. At tulad ng ginawa niya sa anak nito ay malakas din niyang itinulak ang matandang babae sa pool. Marahas na pag-singhap ng mga taong nandodoon ang narinig niya. Namataan niya ang nakamaang na service crew na may dalang bucket ng ice. Kinuha niya iyon. Itinapon ang lamang yelo at sumalok ng tubig sa pool. At walang ka-abog-abog niyang ibinuhos iyon sa gulat niyang ama. She throws the bucket. Turned around. Inayos ang damit. Huminga ng malalim at naglakad palayo.

Nakasalubong niya sa may gilid na bahagi ng pool ang mag-amang Villanova. Jonas was stunned while sir Bernard widely smiled sa nasaksihan and immediately gave her a glass of wine na hawak nito sa isang kamay. Kinuha niya iyon at inisang lagok ang kalahating laman ng baso. Bumalatay ang pait na lasa ng alak sa maamo niyang mukha.

"Thank you, sir." Aniya at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.








The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon