Chapter 25

4K 133 7
                                    

Ramdam ni Rain ang mga tinginan ng mga taong dumadaan dahil sa walang humpay na pag-tulo ng luha niya. Dahil sa luhang bumabalong sa mga mata ay hindi niya namalayan ang paghinto ng isang itim na kotse sa 'di kalayuan sa kaniya.

"Brat!"

Agad siyang nabuhayan ng loob ng marinig ang boses ng kaibigang si Jared. Nang mamataan niya ang papalapit na lalaki ay agad siyang tumakbo rito at yumakap. Isinubsob niya ang luhaang mukha sa dibdib ng lalaki.

"Hey," hinawakan siya sa magkabilang pisngi at iniangat ang kaniyang luhaang mukha. "What's wrong, baby girl?" Nag-aalala nitong tanong sa kaniya.

Her bandmates often called her that way kapag naglalambing ang mga ito sa kaniya.

Sa pagitan ng paghikbi ay nagsalita siya. "I wanted to get away from here, Jared."

"Ok. Ok. Ok." Anito at marahan siyang kinintalan ng halik sa noo. Pinunasan nito ang kaniyang mukhang hilam sa luha. "Hush now, ok?" At mahigpit siya nitong niyakap na ginantihan din niya ng yakap.

Dahil nakatalikod sa gawing entrada ng gusaling iyon ay hindi nakita ni Rain ang madilim na mukha ng binatang si Jonas.

Habang lulan sila ng kotse ni Jared ay patuloy parin siya sa mahinang pag-iyak.

"Tama na iyan." Malumanay nitong turan sa kaniya.

"Nakita ko siya, Jared" nilingon niya ito ng may pait sa mga mata.

"Who?"takang tanong ng katabing lalaki.

"M-My step-sister." Mariin at puno ng galit niyang sagot.

"Sa opisina ninyo mo siya nakita?"

Tumango siya bilang sagot. Lumingon siya sa labas ng bintana ng kotse.

"She's my boss' girlfriend."halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.

Habang sinasabi iyon ay ibayong kirot sa puso ang nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung dahil sa coincidental sa sitwasyon niya o dahil sa may halong panibugho sa tono niya kaya napansin niyang marahas na lumingon sa kanya ang kaibigan.

"W-What?" Aniya nang mabasa sa mata ng kaibigan ang pagdududa.

"Did I hear some sort of jealousy on your voice, brat?" Nangingiti nitong tanong.

Isang malalim na pagbuntong-hininga lang ang sinagot niya rito.

Muling sumidhi ang galit sa puso ni Rain ng maalala ang nangyari sa kanila ng kaniyang ina, ten years ago.

"Kuya Jared," bungad ng magla-labing-anim na taong si Lourain sa may-ari ng computer shop na kinaroroonan niya.

"Oh, Rainy!" Nakangiti namang bati ng lalaki sa kaniya.

Napangiti siya sa bagong nickname na binigay nito sa kaniya. Lahat kasi yata ng palayaw na pwede nitong ibigay ay nabanggit na nito sa kaniya.

"Tapos na ba 'yong CD?"

May pina-burn kasi siyang mga kanta dito. Regalo niya iyon sa nalalapit na wedding anniversary ng kaniyang mga magulang.

"Siyempre! Ikaw pa! Eh malakas ka sa'kin, bunso."

She rolled her eyes na nangingiti. Another name from him.

Maya-maya ay iniabot na nito ang naturang CD.

"Wow! May pa-cover si kuya." Bulalas niya ng makitang pinag-abalahan ng binatang bilhan ng case ang pinagawa niyang CD.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon