Chapter 15

4.2K 146 0
                                    

"Rain!"

Napaigtad sa gulat si Rain ng biglang may malakas na nagsalita sa likod niya. Lumingon siya and there she saw one of her bandmates. Si Calvin. Ang keyboardist ng banda nila.

Kasalukuyan siyang nasa bar kung saan sila tumutugtog ang kaniyang banda.

"Ba't kaba nanggugulat!" Angil niya dito.

"Hija, kanina pa kita tinatawag!" reklamong sagot naman ng lalaki.

"Wala akong narinig."

"Paano mo ako maririnig, eh mas malalim pa yata sa balon iyang iniisip mo."

Lumapit ito sa kaniya. Patalikod itong naupo sa katabi niyang bar stool para makaharap sa kaniya. Itinikod nito ang magkabilang siko sa counter table.

"Hindi ah." paismid niyang turan.

"Itanong mo pa kay Ray." wika ng lalaki tukoy sa bar tender na nag-aayos ng mga inumin sa bar.

"Hindi naman 'di ba Ray?" aniya na parang batang naglalambing sa ina.

"Kinaka-usap nga din kita kanina, pero deadma lang ako sa'yo." natatawa nitong sagot.

"See?"

Totoong may iniisip siya kanina. Pero ganoon ba talaga kalutang ang isip niya at hindi niya narinig ang mga ito kanina?

Ang namagitang eksena sa kanila ng kaniyang boss na si Jonas ang iniisip niya kanina. Naguguluhan siya sa mga ikinikilos nito. Sa hindi maipaliwanag na disgusto nito sa kaniya mula pa noong unang araw na makaharap niya ito. Pero nabigyang linaw na iyon ng ama ng binata nang minsang makausap niya ito.

Ang akala daw kasi ng binata ay may relasyon siya sa ama nito. And one worst scenario is that, gold digger ang tingin nito sa kaniya. Noong una ay wala siyang pakialam. Pero habang tumatagal na nakikita niya ang galit sa binata ay unti-unti siyang nakakaramdam ng panibugho.

Masakit para sa kaniya ang ganoong bintang ng binata. Kaya nang sabihin sa kaniya nito kanina ng harap-harapan ang maling-akala nito ay hindi na niya nakontrol pa ang kaniyang sarili at ubod lakas niya itong nasampal sa pisngi.

Hindi niya alam kung bakit, pero may parte sa puso niya ang pinupukaw ng binata. Sa kabila ng masamang tingin nito sa kaniya ay umaasa parin siyang makita nito ang totoong siya. Pero ayaw niyang buksan sa binata ang isang pahina ng buhay niya na maaaring makapag-pabago sa maling-pananaw nito sa kaniyang pagkatao.

She had seen enough pity mula sa mga taong nakakaalam sa mga pinagdaanan niya. And for her to add one more, is not a good idea.

May isang bagay pang gumugulo sa isip at puso niya sa mga sandaling iyon. His boss's kiss. She'd never been kissed before. And that unexpected kiss she had from her boss, brings chaos to her senses.

Hanggang sa pagkakataong iyon, ay parang nakadikit parin ss kaniyang mga labi ang labi ng binata. And the mere thought of it, ay ibayong init ang dumadaloy sa buo niyang katawan.

What is wrong with me?!

"Let's get ready, Rain."untag sa kaniya ng kaibigang si Calvin. At bumaba na ito sa kinau-upuang stool.

Pumihit siya paharap sa stage kung saan ay nakita niya ang apat pa niyang lalaking kaibigan na nagsisimula ng mag-ayos sa mga instrumentong hawak ng mga ito.

Madalas ay wala siyang instrumentong hawak kapag nagpeperform sila. But she can play the three instruments na gamit nila sa banda- drums, keyboard and guitar. Lahat sila sa banda marunong kumanta. Kaya paminsan-minsan ay nagsasalitan sila sa pagkanta at pagtugtug ng mga instrumentong nakatalaga sa bawat miyembro.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon