Chapter 18

4.1K 143 1
                                    

"Then do it."

Hindi inaasahan ni Rain na halik ang gusto ng binatang gawin para maalis ang nararamdaman nitong tensyon.

Wala na siyang nagawa ng hawakan siya nito sa magkabilang pisngi at agad halikan. She was stunned. Dahil sa matinding gulat ay hindi niya magawang ipikit ang kaniyang mga mata.

Kumpara sa unang halik na ginawa nito kahapon, mas matagal ito at parang tinatantiya siya ng binata. He is teasing her. Napahigpit ang kapit niya sa mga braso nito ng palalimin ng binata ang ginagawang paghalik sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang malambot na dila ng binata sa loob ng kaniyang bibig. Sa hindi maipaliwanag na damdaming lumulukob sa kaniya at sa pagkalito sa ginagawa ng binata, her lip-biting mannerism took over.

Isang malakas na paghiyaw mula sa binata ang pumukaw sa atensyon ni Rain.

"A-aaww!" Hiyaw ng binatang si Jonas. "What's that for, Rain?!"

"S-sorry," natataranta niyang saad dito. Hindi niya alam kung hahawakan ang binata o hindi.

"It hurts!" Tutop sa isang palad ang bibig nito.

"I-ah-I'm so-sorry. I-I didn't m-mean to do t-that."mariin siyang napakagat-labi sa magkahalong hiya at pagka-asiwa sa nangyari.

"Damn it!"

Marahas siyang napalingon sa binata dahil sa tinuran nito. "Are those for me?" Seryoso niyang tanong dito.

Nakita niyang natigilan ito. Tumigil ito sa pagdama ng sariling dila at hinarap siya. He was about to utter a word dahil nakita niyang bumuka ang mga labi ng binata. Pero hindi na nito naituloy pa ang sasabihin ng makarinig sila ng mararahang katok mula sa pinto ng opisina. Sabay silang napalingon dito.

"Excuse me, sir Jonas." Agad na bungad ng isa sa mga empleyado nito. "Dumating na po ang mga clients ninyo. Nasa conference room na po sila.

"Ok," tipid na sagot ng binata.

She took that chance para makalabas ng opisina nito. Nagmadali siyang tinungo ang papasarang pinto at lumabas. Narinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ng binata pero hindi na niya ito nilingon pa.



*****

"So, shall we?" Agad na wika ni Jonas sa mga kaharap na Chinese clients ng umagang iyon.

Hindi kasi niya nagugustuhan ang panaka-nakang pagtingin-tingin ng mga ito sa sekretarya niyang si Lourain. Lalo na ang pinaka-boss ng apat. Sa tantiya niya ay halos magkasing-edad lang sila ng lalaki. Guwapo din ito. At sa nakikita niyang paraan ng pagtingin nito sa dalagang secretary ay halatang gusto nito ang dalaga.

Nag-umpisa na siyang i-present sa mga ito ang proposal na ginawa nila. Nasa kalagitnaan na siya ng presentation nang mapuna niyang parang naguguluhan ang mga ito.

Tumigil siya saglit para tanungin ang mga ito kung nakukuha nila ang mga sinasabi nila.

At napatanga siya ng sabihin ng mga itong hindi sila masyadong nakaka-intindi ng English.

Naiinis siyang lumingon sa mga empleyado niya.

"Bakit hindi ninyo inalam ang tungkol dito?" Seryoso pero nasa boses ang intensidad sa mga sinabi.

"I'm sorry, sir." Hinging paumanhin ng mga ito.

Nilingon niya ang kaniyang sekretarya.

"Trabaho mo ito, Miss Santillan."

Wala siyang nababasang emosyon mula dito.

"It's not her fault,"

Domoble ang inis niya ng idepensa ng kliyente nila ang dalaga.

"We forgot to provide our own translator."

Nakita niyang tumayo sa kinatatayuan si Rain. Lumapit ito sa kaniya. Seryoso ang mukha nito.

"Have a sit, sir."

With wrinkled-forehead, he obeyed. Nagtatakang sinusundan ng tingin ang dalaga.

Hinarap ng dalaga ang laptop. Ibinalik nito iyon sa unang parte ng kanilang proposal. And he was stunned and amazed nang magsimulang magsalita ito ng ibang lenggwahe.

Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha ng kanilang mga kliyente.

Rain started to discuss the proposal. She was speaking as if it's her own language.

So, she speaks Chinese.

Hanggang sa matapos si Rain ay walang nagsalita o umistorbo sa ginagawa nitong presentation.

Nang tuluyang matapos ang dalaga sa ginawang presentation ay akma sana niya itong lalapitan, pero nakita niyang kumilos ang dalaga at tinungo ang pwesto ng mga kliyente sa mahabang mesa ng conference room.

Wala sa loob na kinuha niya ang lapis at mahigpit itong hinawakan sa isang kamay.

Naiinis siya dahil wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nila. Nagtatawanan at nagngingitian ang mga ito na parang sila lang ang tao sa loob ng kwartong iyon.

Wala sa loob na linuwagan niya ang suot na necktie nang makitang inakbayan ng binatang kliyente ang dalaga. At mas sumidhi pa ang inis niya ng matamis na ngitian ni Rain ang lalaki.

Tunog ng isang naputol na bagay ang nagpalingon sa mga taong naroroon sa gawi niya. He put all his frustrations sa hawak na lapis kaya iyon naputol.

Maya-maya ay lumapit ang apat na kliyente sa kaniya sa pangunguna ni Rain.

"Sir,"bungad ng dalaga. "They accepted the proposal. And they are going to sign the contract, now."

Agad siyang tumayo at walang sabi-sabing hinapit sa bewang ang nagulat na dalaga. Maang namang napatitig ang apat sa ginawa niya.

"Thank you for doing business with us. We will make sure to give you the best services that we could offer." Aniya sa mga ito.

Hindi niya hinayaang maka-alis ang dalaga sa tabi niya. Tinawag niya ang isang empleyadong naroroon at ito ang inutusang ihanda ang mga kontrata.

Nang matapos magpirmahan ay isa-isang kinamayan ni Jonas ang mga kliyente. Nang aktong kakamayan ng binatang kliyente si Rain na nakatayo malapit sa kaniya ay agad niyang inunahan ang dalaga sa pakikipag-kamay.

Napapiksi siya ng tumingin ng masama ang dalaga sa kaniya. At wala na siyang nagawa ng sinabayan ni Rain ang kanilang mga bisita sa paglabas ng conference room.








The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon