Chapter 27

4.1K 136 2
                                    

New day. New beginning. New me.

Pumasok si Rain sa trabaho kinaumagahan, after nang nangyaring sudden encounter niya sa kaniyang step-sister kahapon. At sa nalamang relasyon nito sa kaniyang boss.

Humugot ng malalim na paghinga si Rain bago pumasok sa lobby ng pinagta-trabahohang gusali. All eyes are on her kagaya nang unang araw niya noon.

She decided to cut her long hair. Nagustuhan niya ang bago niyang hitsura ngayon. From long straight hair to medium length wavy hair. Bumagay din sa kaniya ang kulay na inilagay ng suki niyang hairdresser. It's dark brown color with caramel highlights.

"Rain?!"

Lumingon siya sa kaniyang likod ng marinig ang dalawang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.

"Hi, guys!" Masiglang bati niya kina Eva at Monique.

"Your new hair suits you, girl!" Manghang saad ni Monique sa kaniya.

"You even look younger and fresher with your new look!" Si Eva na sinipat siya ng may paghanga mula ulo hanggang paa.

"Salamat." Nahihiya niyang turan sa dalawa.

"But, why with the sudden change?" Si Eva na ikinawit ang isang kamay sa kaniyang braso.

Magkakasabay na silang naglalakad papunta sa hanay ng mga naghihintay ng elevator.

"Wala lang." Kibit-balikat niyang sagot.

"Brokenhearted kaba?" Walang kaabog-abog na tanong ni Monique.

"B-Bakit mo nasabi 'yan?" Hindi niya naiwasang mautal. Ganoon ba siya ka-transparent?

"Well, it's a trend. Or should I say ritual?" Natatawa nitong pahayag.

Naguguluhan siyang tumingin dito. Si Eva ang sumagot sa katangunan sa isip niya.

"Kasi kapag ang babae ngayon bigla-biglang nag-ayos at nagbago ng hitsura, it means she's moving on from a certain heart ache. Meaning break-up sa jowa. Ganun."

"Pero wala naman akong boyfriend to say the least para gawin ko 'to."

Napamulagat ang dalawa.

"Aren't you and sir Jonas a couple?"

"No."agad niyang tanggi sa sinabi ni Monique. "Hindi ako tanga para gawing flavor of the day lang ng isang kagaya niyang babaero."

"Sino ang tinutukoy mong babaero, Miss Santillan?"

Not again! sigaw ng isip niya ng marinig ang boses ng lalaking sinabihan niyang babaero.

"Excuse us, Rain. Sir." Agad na paalam ng dalawang babae.

Ayaw niya itong harapin. Kaya nanatili siyang nakatalikod dito. At dahil hindi naman na ito umimik pa ay kumilos na siya para pumila sa mga empleyadong sasakay sa elevator.

Naudlot ang tangka niyang paghakbang ng humarang ang binatang si Jonas sa daraanan niya.

"Babaero pala ang tingin mo sa'kin." Madilim ang mukha nitong tumitig sa kaniya.

"I didn't mention any name, Mr. Villanova." Kalmado niyang sagot sa binata.

From now on, hindi mo na ako nakikitang mataranta sa presensya mo! Sa isip niya.

"Why are you turning red, then?"

Sa sinabi ng kaharap ay wala sa loob na sinapo ng dalawang palad niya ang kanyang magkabilang pisngi.

"M-Mainit lang k-kaya ako na-namumula."

Stuttering again?!

Wala siyang nagawa nang bigla siyang hawakan sa kamay ng binata at halos pahilang iginiya sa tapat ng VIP lift ng gusali. Tinamaan siya ng hiya nang makita ang mga tinginan ng ibang empleyado na nakita ang ginawang paghila sa kaniya ng boss nila.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon