Chapter 5

4.5K 151 2
                                    

"So, did you had a great time last night, dad?"

Pinuntahan ni Jonas ang kaniyang ama sa opisina nito ng umagang iyon.

Hindi siya sinagot ng ama. Sinulyapan lang siya nito ng bahagya at muling itinuon ang atensyon sa mga papel na hawak.

Umupo siya sa visitor's chair na nasa harap ng mesa nito.

"I bet, sa'yo ako nagmana pagdating sa pagpili ng mga babae, dad." Hindi nakatingin sa amang wika niya. "The woman you're with last night, was great."

Napansin niyang tumigil ito sa ginagawa. Tinanggal nito ang suot na salamin at kunot-noo itong hinarap siya.

"I saw you with that woman in an intimate moment." He smirked nang makitang natigilan ang ama.

"Really, huh!" Sumandal ito sa inu-upuang swivel chair. "Well, you're right. She's really a great woman." Parang nang-iinis nitong saad sa kaniya.

Honestly, hindi iyon ang inaasahan niyang marinig mula rito. Kaya napatiim-bagang siya sa mga sinabi nito.

"Pinapakialaman mo 'ko pagdating sa mga babaeng nakakasama ko. And here you are. Doing the same thing!"

Mas lalong nag-igting ang galit niya ng buong tamis siyang ngitian ng ama.

"Let me just remind you, hijo. I've been a widower six years ago. So, wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan, eh mag-enjoy din ako sa buhay."

"Kaya hindi mo na kinayang i-uwi ang sarili mo kagabi dahil nag-enjoy ka sa ginawa ninyo ng babaeng iyon?!"

Pinuntahan niya ang kaniyang ama para inisin ito. Pero nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang nagalit at ito ang parang natutuwang nakikita siya sa ganoong mood.

Nabigo siyang inisin ang ama. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay kalmado parin itong nakatingin sa kaniya. Pumiksi ito at muling inabala ang sarili sa mga papel sa ibabaw ng mesa nito.

"Kung may kailangan ka pa, spill it. Marami akong gagawin ngayon."

"Where's my secretary?" Naalala niyang itanong dito.

"Wala pa akong nahahanap."

"And how can I work without it? Wala akong alam sa schedule ko this week."

"Ginawa na ni Minerva ang bagay na 'yan. Just ask her your schedule."

Ang tinutukoy nito ay ang sarili nitong secretary. Naalarma siya ng maalala ang sinabi ng ama sa kanya noon.

"Don't you dare give me the likes of what you have, dad."

Nakuha ng ama ang ibig niyang sabihin. Ngumisi ito sa kaniya. Ang secretary kasi ng kaniyang ama ay may katandaang babae na may bilugang pangangatawan.

"Oh," nakakalokong ngisi nito sa kaniya. "Don't worry, son. Sabi mo nga, sa'kin ka nagmana pagdating sa mga babae. Kaya makakaasa kang hindi ka madedehado sa ibibigay ko. I will give you someone you really deserve." Ipinagdiin nito ang mga huling salitang sinabi nito.

Kuyom ang mga palad na tinalikuran ang ama. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng marinig itong tumawa.




*****

"S-Sir?!"

Mulagat ang mata ni Rain ng mapagbuksan niya ng pinto ang isang hindi niya inaasahang bisita ng gabing iyon.

"Good evening, hija." Nakangiting bati ni Mr. Villanova.

"G-good evening din po."

Bakas ang pagtataka sa magandang mukha ng dalaga.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon