Chapter 1

5.9K 148 0
                                    

10 years later...

"When will you stop playing around, John Nasher!" Sigaw ng ama ni Jonas sa kaniya. Alam niyang galit na ito kapag binigkas ng buo ang pangalan niya.

Parang hindi tinablan ang binata sa ginawang pagsigaw ng ama sa kaniya. He even put his feet on top of his office table at pinagsalikop sa likod ng ulo ang mga palad. Isinandal niya ang katawan sa kinau-upuang swivel chair.

Hindi na bago ang ganitong eksena sa mag-ama. Sanay na din ang mga empleyado nila sa ganoong tagpo.

"Wala akong ginagawang masama, dad." Patay-malisya niyang sagot sa ama.

Pinamaywangan siya nito sa sinabi niyang iyon.

"Tell me, young man." Mababa na ang boses nito pero nasa anyo parin nito ang galit. "Naka-ilang secretary ka na for this month?"

"Three? Four?" Maang niyang sagot na mas lalong nagpagalit sa matandang lalaki.

"It's five, you dimwit!" Mariing singhal nito sa kaniya.

"Then five it is."

Tumaas-baba ang dibdib ng matandang lalaki sa patay-malisyang reaksyon ng anak.

"Kailan ka ba titigil sa mga pinaggaga-gawa mo sa mga secretaries mo?"

Kibit-balikat lang ang isinagot niya sa ama.

Tama ang kaniyang ama. He had five secretaries already for that month. He mixes business and pleasure. He literally does. And when he talks about pleasure, it means sex and women. After some sort of pleasure sa mga babaeng iyon ay tinatanggal na niya ang mga iyon sa trabaho dahil nagiging aggressive na din sila. He hates commitment kaya sa edad niyang thirty-one ay binata parin ito at available.

Sino ba namang babae ang hindi tatayuan ng hasang sa kaniya? He's one heck of a good looking man. Plus the fact that he is the heir of Villanova Corporation. In case na mawala ang daddy niya, he will get fifty percent of the shares from his and his father's shares combined.

He might be playful pero nag-iiba siya ng mood kapag business ang pinag-uusapan. And that's one thing na pinagkakasunduan lang nilang mag-ama.

"I will be the one to choose for your next secretary. At sisiguraduhin ko sa'yong hindi ka makakapalag sa ibibigay ko sa'yo."

Napatayo siya sa sinabing iyon ng ama.

"You can't do that, dad!" Tumaas na ang boses niya. "Don't you dare do that!"

"At anong gusto mong mangyari, huh?! Hayaan kita sa pakikipaglaro sa mga kinukuha mong empleyado?!"

"Para namang hindi mo ito ginagawa dati."

"Alam mong hindi totoo 'yan!"

"Oh, come on, old man. Hanggang ngayon ba pasisinungalingan mo parin 'yong eksenang nakita ko sa mismong opisina mo ten years ago?"

"It is not what you think!" Mariing saad nito sa kaniya.

"So, ano 'yon?" Muling sumidhi ang galit niya para dito ng maalala ang eksenang iyon ng kaniyang ama at ng secretary nito sa hindi angkop na gawain. "Product tasting lang, ganun?!"

"Ano'ng ibig mong sabihin ngayon? That you are doing the same thing as you are mistakenly thought I did before, ganun ba?"

Lumabi siya sa sinabing iyon ng ama. "Oh, no dad. We're not the same. Because I am not a married man like you."

"The hell I care with your concern." Tatalikod na sana ito ng muli itong humarap sa kaniya. "Gagawin ko parin ang sinabi ko kanina, Jonas. Either you will accept it or you will get down on your position. You choose!"

Naiwang nagpupuyos sa galit ang binata. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinapakialaman siya sa ginagawa niya. Hell no! Ayaw niyang minamanduhan siya ng kahit na sino. Kahit ama pa niya iyon.

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon