Chapter 10

4.2K 127 1
                                    

Magaang ang pakiramdam ni Jonas ng pumasok sa opisina. He's excited to say the least. Dahil excited, maaga siyang pumasok ngayon.

"Good morning, sir Jonas!" Masiglang bati ng guard sa entrance ng lobby.

"Good morning din manong Greg!"

Nakipaghigh-five pa siya sa naturang empleyado.

Nang nasa tapat na siya ng elevator ay dumating ang ilang grupo ng mga babaeng empleyado nila. Nagulat pa ang mga ito ng bigla niya silang batiin na hindi niya normal na ginagawa.

"Good morning, ladies!" Maluwang ang ngiting bati niya sa mga ito.

"Good morning, Mr. Villanova." sabay-sabay na bati ng mga babaeng empleyado niya.

Unti-unting napawi ang ngiti niya ng mamataan ang isang babae at tatlong lalaki na nagtatawanan habang papasok sa lobby ng pag-aari niyang gusali.

Biglang naging pormal ang mukha niya ng makalapit sila sa kinaroroonan niya.

"Good morning sir," pormal na bati ng mga lalaking empleyado niya sa kaniya.

Tango lang ang isinagot niya sa mga ito.

"Good morning, Mr. Villanova." pormal lang din na bati sa kaniya ng kaniyang sekretarya.

"Morning," walang emosyon niyang sagot sa dalaga.

Naiinis siya dahil hindi man lang siya nginitian nito samantalang nakikipagtawanan ito kanina sa mga kasama nitong lalaki.

Halos sabay na bumukas ang VIP elevator at ang public elevator ng gusali. Exclusive lang para sa kanilang nasa matataas na katungkulan ang VIP elevator na iyon. Pumasok siya doon at mariing pinindot ang open button sa pag-aakalang sasabay sa kaniya ang kaniyang sekretarya. Nagulat pa siya ng sa katabing elevator ito didiretso kaya agad niya itong tinawag.

"Miss Santillan!" Tawag niya dito. Lumingon ang dalaga sa kaniya. "Get in here!" Mariin niyang utos na nagpakunot sa noo ng dalaga. "What?!"

"Am I entitled to that, sir?"

"I said, get in!" Tumaas ng bahagya ang boses nito na nagpalingon sa ibang empleyadong sasakay sa katabing elevator nila.

Seryoso ang mukha ng dalaga ng pumasok ito sa naturang elevator. Agad niyang pinindot ang close button.

Bahagya siyang nagulat ng harapin siya ng dalaga.

"Do you really need to do that, sir?" Kalmado pero namumula ang mukha nito sa inis.

"Do what?!" Singhal din niya dito.

"Iyong pagbulyaw mo."

"Hindi kita binulyawan." nakataas ang mga kilay niyang sagot sa dalaga.

"And what's that tone then?"

"And where's your manners, Miss Santillan?"

Napangiti siya ng bahagya ng makitang natigilan ang dalaga.

Sinipat nito ang suot na relo.

"I still have five minutes to talk to you without honorific."

"Such attitude, huh?!"

Pero imbes na sumagot ang dalaga ay seryoso ang mukhang humarap sa pinto ng kinalululanan nilang elevator.

Napangiti siya ng bahagya sa pagsuko ng dalaga. Pero naisipan niya parin itong inisin.

"Ganyan dapat," wika niya na nagpalingon sa dalaga. "Matuto kang ilugar ang sarili mo, Miss Santillan."

"I know kung ano ako dito, Mr. Villanova. Kaya nagtataka ako kung bakit mo ako pinasakay dito sa elevator na exclusive lang para sa inyo na mga executives."

The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon