Chapter 30

4.3K 152 6
                                    

Nagdaan ang mga araw at ilang linggo na purely work ang tema sa pagitan nina Rain at Jonas. Kakausapin lang siya ng binata kung may kailangan itong ipagawa sa kaniya.

Gaya ng unang araw niya noon sa trabaho, women come and go sa opisina ng binata. Matinding selos at sama ng loob ang lagi niyang nararamdaman kapag may mga babaeng pumupunta sa opisina. At ang pinaka-consistent nga sa mga babaeng bisita ng lalaki ay ang step-sister ni Rain na si Cindy.

Few minutes bago siya mag-time out sa hapong iyon ay may dumating na bisita ang binata. A woman.

Kumpara sa mga normal na mga babaeng pumupunta doon ay iba ito sa kanila. She's the most beautiful woman she ever saw. At simple lang din ito. Kumpara sa mga babae ng kaniyang boss na kung manamit akala mo sa bar pupunta. They have the same taste sa pananamit.

I like her. sa isip niya.

She gave the woman her sincerest smile nang ngitian siya nito ng matamis. Napansin din niya ang dalawang batang kasama nito. A boy, na sa tantiya niya ay nasa walo hanggang siyam na taong gulang. And a girl, na nasa limang taong gulang. Naisip niyang anak ito ng babae dahil sa pagkakahawig ng mga ito dito.

"Hello," nakangiting bati ng batang lalaki sa kaniya. "You're beautiful!"walang kaabog-abog na saad nito sa kaniya na nagpamula sa kaniyang mga pisngi.

She heard the woman chuckled. Nahihiya siyang tumingin dito.

"He's like that kapag nakakakita ng magandang babae."

Sa sinabi ng babae ay mas lalo siyang namula.

"My kuya Miguel is right." narinig niyang wika ng batang babae. "You're beautiful just like my mom."

"T-thank you..." Ang tangi lang niyang naisagot sa mga ito. "You're beautiful as well, sweetheart. What's your name?"

"I'm Sofia Nicole Montero."nakangiting sagot ng bata.

"And I'm Sergio Miguel Montero."masiglang singit ng batang lalake na ikinatawa nila.

"You're handsome, too."

Natawa siya ng kindatan siya nito.
Maya-maya ay narinig niyang nagsalita ang babae.

"You must be Miss Santillan? Lourain Santillan, right?"

Nagulat siya na malamang kilala siya ng babae.

"Y-yes, ma'am."

"Don't call me ma'am."anito. Inilahad nito sa kaniya ang isang kamay nito. "I'm Cassandra Montero. Just call me ate Cassandra or Cassie will do. Mga anak ko sila." Magsasalita sana siya nang marinig muling nagsalita ito. "Is Jonas inside?" Turo nito sa opisina ng binata niyang boss.

"Opo ma'am."

"Cut the formality." Kunot noo pero nakangiting turan nito sa kaniya.

"Ok ma-. Ok po."agad niyang bawi sa una sana niyang sasabihin.

Natawa ito.

"Papasok na kami." Paalam nito sa kaniya.

"Bye, Tita Lourain!"anito ng batang babae. Her heart melted ng tawagin siya nitong Tita. Kumaway siya dito to say bye.

"Bye, Miss Lourain!" Ang batang lalaki.

Ilang sandali pa ang ginugol sa trabaho ni Rain nang mapagpasiyahan niyang mag-ayos na ng kaniyang gamit.

She was about to leave nang bumukas ang pinto sa opisina ng kaniyang boss. Nakita niyang lumabas doon ang mag-iina kasama ang binatang si Jonas.

Agad siyang ngumiti sa tatlo. Hindi niya pinagka-abalahang tingnan ang binata.  Dahil kahit hindi niya ito lingunin ay alam niyang nakatingin ito sa kaniya. She can feel his gaze.

Nagtaka siya ng lapitan siya ng batang si Sofia.

Paluhod siyang umupo para pumantay siya sa bata. Ginagap niya ang magkabilang palad nito.

"Tita Lourain," wika nito ba parang nag-aalangang magsalita.

"Yes sweetie,"

"Can I ask you a favor?"

Bahagya siyang nagulat. Tumingin siya sa ina ng bata na nang mga sandaling iyon ay nakangiti sa kanila.

"Anything, sweetie. Basta ba kaya ko."

"Would you mind if I will ask you to come with us, at Tito Jonas' house?"

"H-huh?"napamaang siya sa sinabi ng bata. Ok na sana kaya lang nag-alangan siya sa huling tinuran nito. Agad siyang nataranta ng makita ang lungkot sa mukha ng bata. Hinaplos niya ang maamong mukha nito at nginitian. "Don't be sad. Sasama ako, ok?"

Agad nagliwanag ang mukha nito. Muntikan pa siyang matumba ng walang babalang yakapin siya nito sa tuwa.

*****
Jonas gave a 'what?' look at Cassandra when the latter gave him a playful smile.

"They like her," bulong ng kinakapatid sa kaniya habang pinagmamasdan ang tatlong taong magkakahawak-kamay na naglalakad sa unahan nila. "Especially Sofia."

Nagulat din siya sa fondness na ibinigay ng batang babae sa kaniyang sekretarya. The siblings have opposite behavior. Kung si Miguel ay sanay sa tao, si Sofia naman ay mailap. Bihira lang itong makipag-usap sa mga tao. But when the young girl approaches Rain to ask something, nagulat talaga siya.

Kibit-balikat lang ang tangi niyang naisagot sa babae. May ibayong tuwa siyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Buong duration ng biyahe ay tahimik lang si Rain na naka-upo sa passenger's seat ng kaniyang kotse. Hindi sumama si Cassandra dahil may emergency ito sa isa sa mga projects na hawak ng babae. Kaya hiniling nitong kunin niya muna sa kanila ang mga anak nito. Pinag-bakasyon kasi ng mga ito ang mga kasam-bahay nila dahil mag-a-out of the country ang buong mag-anak bukas. Kaya walang magbabantay sa mga batang ng araw na iyon.

Kasalukuyan na silang nasa loob ng kanilang bahay. Miguel ask him to go swimming sa malaking swimming pool sa loob ng bakuran nila. While Rain and Sofia stayed sa patio area malapit sa pool.

After thirty minutes na paglalaro sa tubig ay pumanhik na sila ni Miguel sa loob ng bahay para makapagbanlaw at makapagpalit.

Nang matapos ay nag-stay si Miguel sa kaniyang kwarto para maglaro sa computer na nandodoon. Nagulat pa siya ng pumasok si Sofia doon at hilahin siya palabas.

"What is it, princess?" Takang tanong niya sa bata.

"Tita Rain needs some medicine, Tito."

Nag-alala siya bigla sa sinabi ng bata. He hurriedly went down to check for Rain.

"Is there something wrong, love?" Nag-aalala niyang tanong sa dalaga. Umupo siya agad sa tabi nito. Nadatnan niya kasi itong nakaupo sa sofa habang sapo ang ulo nitong nakayuko.

Pagtataka ang nabasa niya sa maamong mukha ng dalaga.

"You said that your head is aching, Tita Lourain. That's why I get Tito Jonas to give you medicine." napangiti siya sa kainosentehan ng bata.

"Oh, I'm fine, sweetie."ngumiti ito ng bahagya sa bata.

"Kiss her now, Tito."

Gulat silang napamaang sa sinabi ng batang babae. Nagpipigil siyang mapangiti. Habang ang katabing dalaga ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa bata.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

"Because Dad always kisses mommy on the lips when mom feels sick. And after that mom felt better already. Daddy said, kiss is the best medicine."

"Oh! That's true, princess." Aniya na tumingin sa dalagang nagimbal sa sinabi ng bata. "Kiss is really the best medicine."






The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon