Chapter 11

4.1K 133 4
                                    


Wala na sa harap niya ang sekretarya niyang si Lourain Santillan. Naglalaro sa isip ni Jonas ngayon ang anyo ng dalaga habang kina-kausap niya ito kanina.

May bahagi sa sistema niya ang bahagyang nakaramdam ng awa para dito. Hindi kasi niya ito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita at dipensahan ang sarili. Lalo na nang ipakahulugan niya na may relasyon ito sa kaniyang ama kaya ito nasa kompanya nila at nagtatrabaho.

Don't you ever dare to feel pity on that woman, Jonas! sulsol ng isang bahagi ng utak niya.

Muling bumangon ang galit sa dibdib ng binata nang bumalik sa alaala niya ang eksenang nakita niya sa pagitan ng ama at ng dalaga noon sa harap ng isang exclusive bar.

Nang ipakahulugan niya kanina ang hinala niyang may relasyon ito sa kaniyang ama, ay nakita niya ang bahagyang paniningkit ng mga mata nito at ang pagdaloy ng galit sa mukha ng dalaga. Binigyan niya ito ng pagkakataon upang magsalita at pasinungalingan ang kaniyang sinabi. Pero hindi nagsalita ang dalaga. Patuloy lang ito sa pagdinig sa mga akusasyon niya.

He was impressed sa pagtitimping iyon ng dalaga. He was expecting her na sagutin siya gaya ng ginawa nito kahapon sa kaniya. May bahagi rin sa utak niya ang gustong malaman mula sa dalaga mismo kung ano ang talagang relasyon nito sa kaniyang ama.

What if you are wrong about her? wika ng isang tinig sa isip niya.

Paano nga talaga kung hindi siya katulad ng iniisip niya? Magbabago ba ang pagtingin niya dito? Would he pursue her?

Napatuwid siya ng tayo mula sa pagkakasandig sa harap ng kaniyang mesa. Aminado siya, he is really attracted to her, physically! Malakas ang dating nito sa kaniya. Patunay ang nangyari sa kaniya kagabi. He had taken her in his dreams! For crying out loud!

Bullshit! sigaw ng isip niya. He is starting to get hot all of a sudden! At bago pa mauwi sa kung saan ang pag-iisip niya ay inabala na niya ang sarili sa trabahong naghihintay sa kaniya sa ibabaw ng kaniyang mesa.





*****


Gustong maiyak ni Rain sa mga sandaling iyon dahil sa magkahalong galit at kahihiyang natamo mula sa binata niyang boss. And she felt helpless ng mga oras na iyon kanina. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong makapagsalita at dipensahan ang sarili.

But when he does, she chose not to speak anymore. It's useless, anyway. He already accused and judged her for something she didn't do. And something she isn't.

May parte sa puso niya ang nasaktan dahil sa maling paratang ng binata sa kaniya. Kung tutuusin ay wala dapat siyang pakialam kung ano ang tingin nito sa kaniya. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na may nanghusga sa kaniyang pagkatao. At nagtaka siya kung bakit nakaramdam siya ng ibayong kirot sa puso dahil dito.

Fix your self, Rain. bulong ng kaniyang isip. You can survive this. You're a fighter!

Nang makalma ang sarili ay agad siyang lumabas ng comfort room. With her head up high ay nagtungo na siya sa kaniyang mesa at nag-umpisang abalahin ang sarili sa trabaho.

Hanggang sa mag-lunch break ay hindi pa siya pinatawag ng binata sa opisina nito. Pabor iyon sa kaniya dahil hindi pa siya ganoon kahanda para harapin ito.

Inayos niya ang kaniyang mesa at naghanda ng umalis para mananghalian ng may biglang dumating na isang  babae. Sexy ito sa suot na bodycon dress. Na halos kita na ang kuyukot sa iksi. Sa palagay niya ay bahagya lang itong umabot sa limang pulgada. Dahil kahit nakasuot ito ng may kataasang heels ay mas matangkad parin siya kumpara dito. Hindi man ito gaano kaganda ay malakas naman ang appeal nito.

Is this the kind of woman that he likes? tanong niya sa isip na nagpangiti sa kaniya.

Nag-isang linya ang kilay niya sa pagkaka-kunot ng kaniyang noo ng hindi siya nito pansinin ng batiin niya ito at alamin kung ano ang sadya.

"Excuse me, Miss," magalang niyang wika rito. She even gave a smile to her pero tinaasan lang siya ng kilay nito.

Aba't, reklamo ng isip niya. Ihampas ko kaya 'tong folder sa'yo?!

"Do you have any appointment with my boss, ma'am?" Kalmado niyang tanong. She compose herself and act professional sa kabila ng inis na nararamdaman.

"Don't you know me?" Maarte nitong turan. At humalukipkip ito na mas nagpalabas sa punong dibdib nito dahil nabiyayaan ito ng 'hindi mapalad' na hinaharap. Totoong hindi ito mapalad, meaning kulang ang isang palad para takpan ang isang buong dibdib nito.

Magtatanong ba ako kung kilala kita?!

Nakangiti parin siyang sumagot dito.

"I'm very sorry, ma'am. I am new here. So my answer is no. Hindi ko po kayo kilala."

Inirapan lang siya nito. At parang nababagot pang kausapin siya.

"I am you're boss's girlfriend. And he is expecting me to come over."  sagot nito sa kaniya na muntikan niyang ika-tawa.

She gave the woman a wide sweet smile.

"Oh, I'm very sorry, ma'am." Aniya sa babae. "I'll open the door for you."

Agad niyang tinungo ang pinto ng opisina ng kaniyang boss. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto upang makapasok ang babae.

Nang maisara ang pinto ay agad niyang natutop ang bibig sa pagpipigil na matawa. Baka kasi marinig siya ng dalawa sa loob.

Nagulat pa siya ng pagpihit niya ay tumambad sa kaniya ang seryosong mukha ng dalawang babae at isang bakla na kanina pa yata siya pinagmamasdan ng mga ito. Nag-alala siya na baka magsumbong ang mga ito sa binata nilang boss. Pero ilang sandali pa ay nagsitawanan na din ang mga ito.

Lumapit sa kaniya ang isa sa mga babae na may suot na salamin sa mata at ikinawit sa kanyang braso ang mga kamay nito. Maya-maya pa ay sabay-sabay na silang naglalakad papunta sa elevator.

"Hay, naku girl," si Eva, ang babaeng naka-glasses. "Masanay kana sa ibat-ibang babaeng makikita mo na bisita ng guwapong boss natin."

"Hindi rin natin masisisi ang mga impaktitang mga babaeng iyon." sabi naman ng baklang kasama nila na Marvin ang pangalan. "Ang yummy kaya ni sir Jonas."

"You mean, may iba pa siyang girlfriend?" Hindi nakatiis niyang tanong.

Si Monique ang sumagot. Isa sa babaeng kasama nila.

"Walang girlfriend si sir Jonas, girl. Iyong babae kanina? Flavor of the day niya lang iyon."

Napamaang siya sa sinabi nito.

"Flavor of the day?!" Napalakas ang boses na tanong nito sa kasama. Kaya napatingin ang ibang empleyadong naghihintay sa harap ng elevator.

"Ssshhhh!" Sabay-sabay na turan ng tatlong kasama niya.



The Elusive Bachelor 1: Jonas Villanova (Broken Hearts) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon