"Girls, Pwede ko bang hiramin ang Fiance ko" kaya napatingin kami kay Jay, na nakangiti."Sure, kakain lang muna kami. Kanina pa kasi kami nagugutom. Mag a a-alas 7 na rin kasi ng gabie at hindi pa ako nag lu- lunch" saka sila umalis kaya hinarap ko si, Jay.
"Bakit, Dy?" tanong ko sa kanya.
"Hinihintay ka na nila Mama at Papa. Tara na?" at giniya nya ako papunta sa Pamilya nya." Ma, pa, nandito na ang, Fiance ko."
"Good Evening po mga tita, tito" saka ako nagmano sa Ina nya at Ama saka sa tita Alma nya at sa mga kapatid ng ina nya.
"Ate Kim, ang ganda nyo po lalo sa suot nyo. Pwedeng request"kaya napatingin ako kay, Rose.
"Sos, nambula pa. May request lang pala. Pwede namang sabihin ng walang bulahan" natatawa kong sambit sa kapatid ni Jay, na si Rosewell pero tawag ko sa kanya Rose.
"May date kasi ako sa makalawa ate, gusto ko ikaw magpaganda sakin. Sabi kasi ni Ate Amparo, ikaw yung nag make up sa kanya kaya gusto ko ikaw ang mag make up sakin, para mas lalo akong gumanda sa paningin nya" at halatang kinikilig pa sya kaya napatingin ako kay Jay, mukhang hindi nya alam na may date ang bunso nila.
"At sino naman ang ka date mo? Ni hindi mo pa nga pinapakilala samin? May pa pula pula pa ng pisnging nalalaman, hindi ka naman cute o kagandahan" sambit nito, na may halong pang aasar.
"Sayo lang hindi kuya, kina Mama at papa, pinakilala ko na" saka naman tumango ang mga magulang nito."Tyaka, wala ka na dun. Pinkish talaga ang pisngi ko at ano naman kung hindi ako cute o maganda, atleast my boyfriend
"Wag kang iiyak pag iniwan ka nyan huh, babatukan talaga kita ng maraming beses pag nakita kitang umiiyak dahil sa lalaki. Ang iyakin mo pa namang bata ka" at tumango lang ito na may halong paasar kay, Jay.
"O sya, puntahan mo lang ako sa Condo ko, Rose. Wala akong trabaho sa araw na yan dahil naka leave ako ng isang linggo pero tawagan mo muna ako at baka umalis ako" saka sya tumango at niyakap ako. Kumalas din agad at nag busy busyhan sa phone nya. Nakuha na nya gato nya, hindi na yan mamamansin.
"Ma, kumain na po kayo-"
"Mamaya na anak, busog pa naman ako iwan ko lang sa mga kapatid ko dyan" at tumingin ang Ina nya sa mg kapatid nya na nakaupo lang sa kabilang table. Sa dami nila, hindi sila magkasya sa isang mesa at apat na mesa ang occupy nilang lahat.
"Kami nalang kukuha ng pagkain namin ate, nakakahiya sayo"sambit ni Tito Marvin, saka tumayo at sumunod si Matt, dito.
"Alangan namang bigyan ko kayo isa isa, may kamay naman kayo" kaya natawa nalang kami ni Jay, sa kanila. Kung iba pa yan, masasabi mong nag aaway sila pero ang totoo, ganyan talaga sila mag bangayan. Nasanay na din ako pag pumupunta ako sa kanila, kaya parang baliwala na din sakin.
"Entertain nyo muna ang ibang guest, iwan nyo muna kami at mamaya maya ay kumain na kayo" sambit ni Tita Alma, kaya sinunod na namin ang sinabi nya.
"My, okay ka lang ba?" at tumango ako.
Masaya lang naman ako para samin, wala na ngang kalalagyan dahi umaapaw na ang sayang nararamdaman ko. Everything is fine at sana tuloy tuloy na ito hanggang sa ikasal kami, hanggang tumanda kami kasama ang isat isa.
"Alam mo Dy, kanina ilang beses na kitang tinadtad sa sermon sa isip ko at ilang beses ko na kayong pinatay sa isip ko, kung ano ano na ang tumatakbo sa utak ko. Mabuti nalang at hindi totoo, kung hindi nagawa ko ko na lahat ang nasa isip ko. Yung mga kasama ko, nakangiti lang pero ako hindi na maipenta ang mukha sa subrang galit ko sayo" saka lumapit samin si Maica,ang pinsan ko in my Father side.
"Congrats for the both of you, nasubaybayan ko ang pagmamahalan nyo at hanggang sa huli kayo parin pala talaga ang magkakatuluyan. Nauna na akong ikasal sa inyo at ilang taon ang lumipas ay si Lovelyn naman tas ikaw. Tang tama lang sa mga pinag iisip natin noon, mauuna ako at susunod si Lovelyn at ikaw ang panghuli dahil ikaw ang bunso" kaya napangiti na lamang ako habang naalala ang mga nakaraan naming mag pinsan.
"Oo nga, pero alam mo kong ano ang pinakamasayang part dun kang? Yun ay ang magkakasama parin tayo hanggang sa magkaroon tayo ng mga asawa, siguro noon tatlo lang tayo pero ngayon may kanya kanya na tayong pamilya. Noon, tamang support lang samin. Laging third wheel sa gala. Kung hindoh man ikaw, nandyan si Lovelyn. Oo nga pala, congrats sa Second baby nyo" saka sya ngumiti at hinipo ang tyan.
"Oo nga no, ikakasal ka pa ako naman dalawa na ang anak. Ninang at Ninong kayo huh, aasahan ko kayong dalawa" kaya natawa ako sa sinabi nya.
"Ninong at Ninang na agad, hindi pa nga lumalabas si Baby at hindi pa alam ang Gender"
"Mabuti na yung sigurdo" kaya nagtawanan na lamang kami hanggang sa lumapit si Jerwin para ayaing umuwi dahil bawal mag puyat ang buntis at baka pumangit ang anak. Yan naman lagi ang mga kasabihan ng mga matatanda, at sumunod na lamang para walang mangyaring masama.
"My, nakakainggit sila no. Ikakasal pa lang tayo, sila may baby na at hindi lang isa, dalawa pa" kaya humarap ako s kanya.
"Wag ka ngang mainggit sa kanila, dadating din tayo sa point na magkakababy rin tayo. Hindi pa sa ngayon dahil ikakasal pa tayo but soon, dadating din tayo dyan" saka ko sya hinalikan pero smack lang at inayang kumain dahil naggutom na ako, hindi ko ma carry.
"Sa lahat ng may mga partners dyan, lets have a dance in the dance floor" saka tumugtog ang sweet song. Sayang at kakain pa lang kami. Kinuha ni Jay, ang platong hawak ko saka nilapag sa mesa at hinila ako sa gitna para sumayaw.
"Dy, nagugutom na ako" saka nya ako niyakap kaya niyakap ko na lang din sya.
"Mamaya na, sayaw muna tayo. After this song, kain na tayo. Gutom rin naman ako, pero gusto lang kitang makasayawa kahit saglit" saka kami nagsimulang gumalaw.
"Dy, linggo bukas. Masasamahan mo ba ako sa Mall?" tanong ko sa kanya, sana naman masamahan nya ako. Kasama ko pa naman ang makukulit kung kapatid.
"Hindi ako sure My, bakit? Ano bang gagawin mo sa Mall?"
"Ibibili ko ng laruan ang mga kapatid ko, bonding na rin naming tatlo pero masa maganda oag kasama ka, may mag aawat sa kanila" saka nya hinalikan ang noo ko.
"Bonding nyo yan kaya kayo na lang at susunduin ko na lang kayo pag uwi. Mag taxi nalang kayo papunta ng mall, iwan mo nalang ang sasakyan mo sa condo, para masundo ko kayo" hindi na ako nagsalita at pinakiramdaman ang kanta." My, anong gusto mong Wedding? Sa simbahan ba? O sa Beach?"
"Sa simbahan syempre, mas Sacred kaya dahil sa harap ng dyos mismo, ayaw ko ng kahit saan dahil sa dyos ko e a-alay ang bulaklak. Bakit, gusto mo bang sa ibang lugar?" takang tanong ko sa kanya.
" Hindi naman, tinatanong lang kita" saka lumipat ang kanta kaya huminto na kami sa pagsayaw para kumain dahil nagugutom na ako.
Ilang oras din kaming naghintay sa kanya sa condo at sayang yung food na nandun pero makakain naman namin yung bukas pag gising namin yun nga lang hindi mauubos kahit makakain kami. Ang dami nun, sana nga kang may pumunta para pumasyal pero mukhang walang pupunta dahil magpapahinga sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/226581282-288-k634895.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Aking Kwento (Complete)
RomanceJay and Kim was 8 years in relationship. Jay propose to Kim but a women name Amanda, came and said that Jay, is the father of the baby. Is he realy the father? Would Kim, accept the baby kahit hindi nya ito anak? O hahayaan nyang mawala sa piling ny...