Chapter 4

39 12 3
                                    

Chapter 4

Hindi ko naalis ang titig ko sa mga letrang nakita ko sa panyo niya. CDC. Ibig sabihin lamang nito ang D do’n ay David? Tama kaya ako?

Mas lalo lamang akong nacurious sa natunghayan ko. Gusto kong mas dalasan ang punta sa park baka sakaling magtagpo ang mga landas namin. Hindi ko ‘din alam kung bakit ganito ang inaakto ng sarili pero gusto ko talagang malaman ang pagkatao niya.

Sino ka ba kasi David?

Napabuntong hininga na lang ako at nagayos na upang gumayak dahil maaga ang pasok ko ngayon. I didn't have a good slept last night dahil sa mga iniisip ko. Naguguluhan ‘din ako dahil bakit parang ang taas ng interes ko sa tao na 'yon.

Pagbaba ko nagpasalamat na lamang ako dahil tapos na atang mag away ang magulang ko. Sobrang unusual kasi non kapag 'di ko na sila naabutang mag away. Masyado na kong sanay sa treatment nilang dalawa.

"Good Morning Mom, Dad,” I greet then kissed their cheeks.

"Morning Honey,”

"Morning sweety,”

Tahimik akong umupo at naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa amin habang kumakain. It's a favor on me dahil nakakarindi kapag puro business na lamang ang pinaguusapan nila at ‘di man lang tinanong kung anong pinagkakaabalahan ko ngayon.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil ayoko na din namang umasa na tatanungin pa nila ko about sa sarili ko. Masyado ko na silang kilala para mag expect.

"I'm going to school na po, bye Mom, bye Dad!" sabi ko sa dalawang tahimik lang na nakakapagtaka talaga.

Tumayo na ako at nagmadaling umalis do’n. Habang papunta ay di ko mapigilang lumingon sa park ng madaanan ko ito. Hindi ko maiwasang ‘di mapangiti ng makita ang mga batang nagtatakbuhan dito.

Nilibot ko ang aking paningin at nagbabaka sakali ngunit hanggang sa lumagpas ang kotse ay di ko nakita maski anino niya dito. Napabuntong hininga na lamang ako dahil parang ang laki niyang problema para sa akin upang makuha niya ang interes ko.

Pagpasok ko sa classroom namin ay si agad Riane ang unang bumati sa akin. Kelan ba nahuli ang babaeng ito sa klase. She always hate being late. It makes her unproffesional daw eka. Dami ‘ding alam ng babae na 'to e!

"Girrrrrrrl, may transferee daw sa kabilang department! Gwapo daw sabi nung mga narinig ko!" naeexcite nitong sabi sakin na may pasalubong pa.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtatanong kung bakit niya sinasabi sa akin yon dahil una sa lahat wala naman ako pakielam. Hindi ko pa nga nahahanap yung lalaki sa park tas magbabalita siya ng ganito saken.

"Sa may legal manangement department ba? Ano namang meron do’n? Ano gagawin ko sa lalaking 'yon?" naiinis na tanong ko dito.

"Hello girrl! Fafa yon, duh. Baka eto na porebs ko ehe!" kinikilig na may pahawing buhok pang ani nito.

"Mukhang sikat agad yung transferee ah? Tignan mo naman yung mga kaklase natin kung makausisa do’n akala mo jowa!" naiiritang ani ko pa dito.

"Aba, malamang girl! Masyado perpekto yung lalaki sa pagkakakwento nila kaya nakakaexcite malaman kung sino 'yun!"

"Pero ‘di ba, kakasimula lang ng second sem natin? Buti pinayagan siyang lumipat dito?"  napapaisip na tanong ko dito.

"Actually girl, naisip ko ‘din yan kanina. Ba't kako tumanggap pa ang school, kaso bali balita na anak mayaman at sila daw ang nagbibigay scholarship sa school na ito. Wala namang karapatang humindi ang school dahil malaki ang utang na loob dito. You know, mabilis lang talaga ang tsismis!" mahabang lintaya niya.

Escaping LiesWhere stories live. Discover now