Chapter 10

7 2 0
                                    

Nagalit si kuya ng malaman na pumunta si mom dito ng hindi niya alam.

Ang akala ko ay si kuya ang ipinunta niya dito ayon pala ay ako. Hindi para kamustahin kundi paalalahanan na magaral dahil sayang ang pera nila at pagkamatay ni alia kung hindi.


"Seah sorry, hindi ko alam na pupunta si mom dito. Kung alam ko lang nag leave ako sa trabaho para naipagtanggol manlang kita kay mom"


Ngumiti ako sa kanya para ipakita na ayos lang kasi ganon anamn talaga wala naman na akong magagawa. Kahit sa loob-loob ko gusto ko nalang mawala.


"It's okay kuya"

"Ano ang sinabi niya sayo ha seah?"

"Kinamusta lang niya ako kuya"

"Alam kong hindi. Hindi pupunta si mom dito para lang kamustahin ka dahil alam mo mismo na hindi niya gagawin yon!"


Napayuko ako dahil tama naman siya.


"Sa amin nalang yon kuya. Wag ka mag-alala ayos lang ako."


Hindi siya kumibo at pinakiti-tigan ako ng mabuti bago siya umiling.

"No pupunta ako sa bahay ngayon rin. Mag-ayos ka at isasama kita"

"Kuya hindi na kailangan."

"NO! Mag-ayos ka na bago pa ako mapilitan na hatakin ka sa cr"


Wala na akong nagawa dahil kapag galit siya kailangan mo ng gawin ang anumang sasabihin niya.


Bumaba nako ng makita si kuyang kausap si manang at nakita ko naman na panay tango ni manang.

Kaya dumiretso nako sa kanila para naman malaman na ni kuya na nakababa nako.


"Sa susunod manang tawagan niyo ko pag nandito si mom, huwag niyo siya o si dad na hahayaang makapasok dito sa pamamahay ko ng walang pahintulot ko naintindihan niyo po ba?"

"Yes sir."


Nang makita ako ni manang ay ngumiti na ito.

"Iha nandyan ka na pala mag-iingat ka roon"


Ngumiti at tumango ako kay manang habang si kuya naman ay hinatak nako papasok sa kotse niya at agad na pinaandar ito papunta sa bahay ng mga magulang namin.


Ilang oras ang lumipas ng napansin ko na nandito na kami.


Ang lugar kung saan ako lumaki pero hindi ko naramdaman na tahanan nga ito para sa akin.


"Sir. Nandito po pala kayo pasok po kayo, wala po binilin si maam na darating po kayo."


Hindi siya pinansin ni kuya kaya binuksan nalang niya ang gate.


Bumaba na si kuya sa kotse kaya ganoon na rin ako. Pagkababa na pagkababa ko ay hinawakan na ako ni kuya sa may kamay at hinatak na papasok.


Saktong pagpasok namin ay siya namang pag baba ni dad.


"Oh nabisita kayo? Nakapag desisyon ka na ba sa sinabi ko kyle?"

"Stop acting like you don't know kung bakit kami nandito."


Napatingin ako kay kuya dahil ngayon ko lang siya nakita na sumagot kay dad.

Madilim ang muka niya, galit nga.


"At ano naman ang alam ko anak?"

Nagtatakang tanong ni dad.


"Nasan ang magaling niyong asawa?"

Napataas ang kilay ni dad dahil sa narinig niya kay kuya. Ang ayaw na ayaw niya ay ang may nasasabing hindi maganda kay mom.


"At anong klaseng bibig ang may ganang tawagin ang sarili mong ina na ganon?"

"Huwag niyong hayaan na mapahiya kayo sa harap ng mga tao dito sa loob ng pamamahay niyo. kaya ilabas niyo na ang asawa niyo bago pa magkagulo dito"

"Anong nangyayari Arturo?"


Napansin ko na ang pagbaba niya sa hagdan habang may hawak na libro sa kaniyang kanang kamay halatang galing sa pagbabasa.

Napatingin naman siya sakin kaya napayuko ako.


"At bakit naman napabisita ka ng ganitong oras anak kasama ang-"

Hindi niya na tinuloy dahil mukang diring diri na siya.

Pero napatigil kami ng bumagsak ang vase na malapit sa pwesto namin ni kuya.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon