Nasa biyahe pa rin kami nanatiling tahimik at walang kibo sa isa't isa.
Ang mga narinig ko sa bahay ay parang ngayon pa lang pumoproseso sa utak ko, hindi ko matanggap na anak ako sa pagkakamali at pagtataksil.
Hindi ko matanggap pero bakit ganon? Anong kasalanan ko? Ako ba ang nagkamali.
Naiintindihan ko sila dahil nasaktan, naloko at nawalan sila pero bakit ako ang lahat na sumasalo ng hinanakit nila?
Why me?
"Seah i'm sorry"
Tahimik akong nakatingin sa labas habang pinagmamasdan ang bawat nadaraanan namin.
Alam kong walang kasalanan si kuya at ginawa lang niya yun para hindi ako masaktan.
Pero nasaktan na ko ngayon
"Sa bahay ako magpapaliwanag"
Nanatili akong tahimik hanggang sa makauwi na kami.
"Seah, we need to talk please. Let me explain first"
Huminga ako ng malalim at tumango. Umakyat si kuya sa kwarto niya kaya sumunod na rin ako.
Nang pagpasok ko ay nakita ko siyang may kinuhang box sa drawer malaki at mukang luma.
Umupo siya sa kama kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
"Lahat ng narinig mo ay totoo seah, ikwekwento ko lahat pero sana maintindihan mo kaya ko to ginawa"
Nanatili pa rin akong tahimik at nakikinig sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago mag kwento.
Unti unti niyang binuksan ang box at nakita ko ang isang babaeng kamukang kamuka ni kuya.
"She was our mother. Our true and biological mother"
Tumingin siya sa mga mata ko at bumalik ang tingin sa picture.
May kinuha siyang picture sa likod ng isang photo album picture to ni dad na nakangiti habang nakaupo sa bench at naka-akbay sa balikat ng sinasabi ni kuya na mom namin.
"This guy is not my father"
Napatingin ako kay kuya, hindi siya ang dad ni kuya? Huh eh magkamuka? Gusto ko man magtanong pero gusto ko na marinig lang ang kwneto niya.
"Tignan mo masaya silang dalawa. Close. Kamuka ni dad"
Napayuko siya.
"Siya si tito Quin. Quin Harry Evidente your father. He's my father's twin"
Hindi ko maiwasan magulat napatingin si kuya sakin at malungkot na ngumiti.
"Ang sinabi ni dad kanina na pinagkatiwalaan niya pero tinira siya patalikod ay ang kakambal niya na sarili mong ama seah. Ang totoo niyan ay mas unang nagkakilala si mom at ang dad mo kesa sa dad ko. Hindi ko alam ang buong kwento pero ang sabi lang ni lola sakin bago siya namatay ay nainlove si dad at ang dad mo kay mom. Naging mag asawa si mom at ang dad ko dahil sila ang inarrange nila lola na maging mag-asawa pero ang totoo ay mahal ni mom ang dad mo kesa sa dad ko. After nilang magpakasal ay nagbunga ang pagsasama nila which is ako. Yeah, nahulog si mom sa dad ko pero mas mahal niya ang dad mo. 3 years old ako ng may nangyari kay mom at sa dad mo na ikinagalit ng dad ko. Sino ba naman magaakala na magagawa nila yon?"
Napasinghot siya.
"Nagalit si dad kaya ang ginawa niya naitulak niya ang dad mo sa hagdan habang si mom ay nasampal niya. Kinasuklaman niya at pinalayas sa pamamahay niya"
Tumatango tangi siya habang patuloy na nagkwekwento.
Pero ako eto nasasaktan sa mga naririnig dahil ganon pala kalaki ang kasalanan ng magulang ko kaya ayaw ako tanggapin ng lahat ng tao.
Dahil isa akong pagkakamali.

BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
JugendliteraturNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -