Being a college student is not easy. Isipin niyo yon first day na first day may quiz na kagad, Oh mahabaging tupa!
"SEAAAAHHH"
Oh, I really forgot my bestfriend.
"What now archer?"
Tumingin lang siya sakin at niyakap ako saglit pagkatapos ay inakbayan nako para sabay na kami makapaglakad.
Well patungo lang naman ako ngayon sa campus canteen para sana bumili ng lunch dahil sa lunch break na at nastress ako dahil nga may quiz na kagad.
"Back to reality seah"
Mahinahon na sabi ni archer.
Agad naman akong napaayos ng tayo at dumiretso na sa counter para umorder ng lunch ko."1 cup of rice with menudo and 1 bottle of mineral miss"
"Right away maam."
Nagphone lang ako saglit ng biglang dumating na yung server at binigay na sakin ang order ko nagbayad naman nako kagad at hinanap nalang kung saan nakaupo si archer.
I found him sa isang vacant table at may kausap na isang lalaking hindi familiar sakin ang muka at parang ngayon ko lang nakita na kasama niya.
Agad naman napalingon si archer sakin ng malapit na ako sa table.
"Seah here!"
Dumiretso na ako ng punta at umupo nalang sa right side ni archer.
"So ayon nga sabi ko bro' dapat nag take nalang ako ng Medtech, sabi kasi ni kuya mas okay pag educ ang kinuha ko. Ayon pala jusko first day palang namin may oral presentation na kagad sa friday"
Naiiling na sabi ni archer na saglit kaagad na ikina-angat ng aking labi. Saglit lang.
"Hindi naman kasi madali ang educ at mas lalong walang madaling course degree dahil lahat naman ay mahirap"
Sabi nung lalaking kausap ni archer hindi pa rin ako tumitingin sa muka niya kundi sa damit lang niya na napansin kong branded. Nice one oxygen ang shirt mayaman. I guess?
Patuloy lang na nagmaktol si archer samin nung lalaki habang ako ay patuloy at payapang kumakain ng lunch. Malapit na akong matapos nang sa akin naman nagtanong si archer.
"Seah sabihin mo tamang landas ba ang tinatahak natin?" Maiyak-iyak na tanong ni archer.
Napailing nalang ako bago mag salita.
"Tama kung talagang passion mo ang magturo at matuto. Mahirap naman kasi ipagpilitan ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman para sayo. Lalo ka lang mahihirapan kung ipipilit mo lang ang sarili mo sa kurso na kinuha mo dapat umpisa pa lang pinagisipan mo muna mabuti kasi mahirap magsisi sa huli. Dapat bago ka nagdesisyon inisip mo muna kung mageenjoy at sasaya kaba sa gagawin mo mahirap kasi na pinili mo tas nagumpisa ka na then sususko kana. Paano ka pa mageenjoy kung sumuko ka na ka agad diba?"
Tahimik lang sina archer at yung lalaki pagkatapos kong sabihin yon kaya nagpatuloy na lang din ako sa pagkain ko.

BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
Teen FictionNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -