Chapter 11

12 1 0
                                    

Nagulat kaming lahat sa pagkakabasag ng vase na malapit sa amin ni kuya.

Ayon pala ay tinabig ito ni kuya ng walang expression sa kanyang muka.


"Kyle Arkin Evidente! Ano ba ang problema mo?"

Sigaw ni dad na rinig hanggang labas ng kanilang pamamahay.


"Dati palang ay nagtitimpi na akong huwag kayong patulan dahil asawa kayo ni dad."


Napatingin ako kay kuya nakakatakot. Gusto ko siyang pigilan at hatakin nalang pauwi pero alam kong imposible yon.


"Ano ba ang sinasabi mo anak? May sinabi ba itong walang kwenta mong kapatid at sinisiraan ako sayo para magalit ka ng ganyan?" tanong ni mom.


Napayuko ako dahil masakit ang sinasabi niya para sa akin. Wala pala talaga akong kwenta para sa kanya, Ina ko ba talaga siya?


"Kyle ano ba ang probelma mo sa mommy mo?!"

Galit na tanong ni dad kay kuya na parang walang epekto sa kanya ang galit ni dad.


Tumingin si kuya kay mommy na galit bago nagsalita.

"Anong karapatan mo ang umapak sa pamamahay ko ng walang pahintulot ko? At anong karapatan mo ang takutin ang mga empleyado ko sa pamamahay ko na tatanggalin sila sa trabaho kapag hindi ka nila hinayaan na pumasok?"


Tumingin si dad kay mom na nagtataka


"Pumunta ka don andrea?"

Umiwas ng tingin si mom kay dad.


"Pumunta ako don dahil gusto kong makita ang kalagayan ni seah kahit wala siyang kwenta para sakin ay bilang ina niya kinamusta ko siya"

"Pero may usapan tayo andrea ni kyle"

"Alam ko pero hindi ko maiwasan"

Bigalang tumawa ng mapakla si kuya at nandidiring tumingin kay mom.

Hindi ko maiwasan magtaka kung anong usapan yon at kung bakit ayaw ni kuya tumuntong sila dad sa bahay niya?


"Kung ganito pala ay hindi ko tatanggapin ang alok mo dad. Nirerespeto ko kayo pero sa ipinakita ng magaling niyong asawa ay nasira na ang respeto ko para sa inyo."


"Kyle pagusapan natin to."


Umiling si kuya at alam ko na sa sobrang galit na talaga niya ay wala ng makakapag pabago don.


"Nirespeto ko kayo dad. Pero ang asawa niyo na walang respeto sa na pag-usapan natin at sa kapatid ko ay hindi ko palalagpasin"


"Kyle! bakit mo ba pinagtatanggol ang bata na iyan, wala siyang kwenta!"


Nagulat kaming lahat ng sinira ni kuya ang family frame namin sa sala


"Kyle!"


"Ikaw ang walang kwenta! Wag mo akong matawag tawag na anak dahil una hindi mo ako anak at hindi kita ina!"


"Kyle arkinl! TUMIGIL KA"


"KAYO ANG TUMIGIL ANO ANG KARAPATAN NIYONG GAGUHIN ANG KAPATID KO HA? ANONG KARAPATAN NIYO NA SAKTAN SIYA! WALA KAYONG KARAPATAN DAHIL HINDI NIYO SIYA ANAK! OO ANAK MO AKO DAD PERO SANA MANLANG ITURING MO DIN SI SEAH NA ANAK MO NA DIN PARA KAY MOM!"


Naguguluhan na naluluha ako sa mga naririnig.


"Paano ko siya ituturing na anak kung bunga siya ng pagtataksil sakin at satin kyle?"

Huminahon at naluluhang sabi ni dad.


Kaya pala. Kaya pala ganyan sila sakin dahil hindi sila ang tunay kong magulang.


"Kaya po ba ganyan ang turing niyo sa akin ni mom, dad?"


Napatingin siya sa akin. Umiwas din ng tingin. Si mom ay tumalikod na pero nanandon pa rin.


"Dad oo nagkamali si mom pero hindi kasalanan ni seah yon. Wala na si mom wala na ang mommy namin magkaiba man kami ng ama pero kapatid ko pa rin siya."


"Pero alam mo na hindi ko siya kayang tanggapin kyle! anak siya ng mommy mo sa ibang lalaki, lalaking pinagkatiwalaan ko pero niloko ako patalikod!"


"Dad kung ano man ang nagyari noon hindi kasalanan ni seah yon!"


"Kasalanan pa rin niya dahil siya ang bunga!"


"DAD!"


"DAHIL SA KANYA NAMATAY ANG KAPATID MO KYLE ANG PANGALAWANG ANAK KO, HINAYAAN KO NA NGA SIYANG MANIRAHAN DITO NOON AT PAG ARALIN PERO BAKIT GANTO ANG SUKLI MO SA AKIN SEAH! DAHIL SAYO NAWALA ANG KAISA ISA KONG PRINSESA!"


"Seah tara na umalis na tayo dito. Kung ganyan sila sayo wag na tayong babalik rito"


Hinatak na niya ko pero bago yon.


"Tandaan mo to dad, hindi kasalanan ni seah ang lahat. Dahil alam mo sa sarili mo na ginawa ni alia yun dahil gusto niya. Ngayon pinag-sisisihan ko kung bakit kayo ang naging ama ko at nagkaroon ako ng ina-inahan na pumalit sa mommy ko na walang kwenta."


Tumalikod na kami at sumakay na sa kotse.


Tahimik ang biyahe hanggang sa makauwi na kami.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon