Chapter 23

3 0 0
                                        

"Anong sinasabi mo hideo?"

Huminga siya ng malalim.

"This isn't the first time that we met seah. We already know each other"

"How come that I didn't remember you? Ikaw pa nga nung una kitang nakita hindi mo rin naman ako kilala?"

Umiling siya.

"Ginawa ko lang yun to confirm something. And my guess is right"

"What?"

Huminga siya ng malalim.

"Ask kuya kyle. Yung mga gusto mong malaman, I don't know why you don't remember me. Pero alam ko na si kuya kyle ang makakasagot non and I guess archer too"

"Hideo"

"Just trust me. I really like you seah, I have so many questions in my mind but you first."

Wala akong masabi.

"Hideo-"

"Alam kong buhay pa si aria. Kaunti nalang mapagdudugtong dugtong ko na rin ang lahat."

"Hideo ano ba yang sinasabi mo? Patay na si aria! Patay na ang kapatid ko!"

Tumayo ako at ambang aalis na peor pinigilan niya ko.

"Nung gabing magkasama kayo ni rj. I saw her"

What?!

"Nakita ko siyang nakatingin sa inyo. Nakita mo rin ako diba?"

"I-"

"Masakit makita na may kasama kang iba habang ako eto patingin lang sa malayo"

"Hide-"

"Malalaman mo ang lahat kung handa kana seah."

Sumakay na siya sa bike pagkabitaw niya sa akin.

"Tara na"

Pinagmasdan ko siya. Pero imposbile na buhay pa ang kapatid ko. I saw her, nakita ko siyang nasagasaan. Nakita ko siyang unti unting pumupikit. Nakita ko siyang unti unting nawalan ng buhay sa harapan ko. Kaya paano?

"Paano hideo?"

Tumingin siya sa akin at maikling ngumiti.

"Kapag handa kana tska ka magtanong sa mga taong may alam. Lahat sila may alam. Ikaw nalang ang hindi"

"Pero naikwento na sa akin ni kuya ang sa totoo kong ama."

"Pero hindi pa ang buong kwento"

Sumakay nako sa bike at malalim na iniisip ang sinabi niya sa akin.

Bakit ako?

Bakit ako naguguluhan?

Parang parang ang gulo na.

Nang maihatid ako ni hideo ay pumasok nako sa kwarto. Pa diretso na sana ako ng marinig kong naguusap si kuya at archer.

"Alam ba ni seah kuya?"

Umiling si kuya.

Nagtago ako sa gilid ng book shelf sa lugar na medyo madilim at hindi pansin.

"Ayokong malaman ni seah archer"

"Bakit kuya? Deserve niya ang malaman."

"Para sa kaniya ito."

"Paano kung may nalalaman si hideo at siya na ang magsabi kay seah?"

"Hideo."

Natatawang nailing si kuya. Sarcasm!

"Hindi magsasabi yon. Hindi"

Nagkibit balikat lang si archer.

"I saw aria kuya kyle"

"Oh where?"

Napahawak ako sa bibig sa mga naririnig ko. Did they fool me?

Maluha luha akong napailing at nakinig sa usapan ni kuya at ni archer.

"Nakita ko siyang nakatingin kay rj at seah noong nasa park sila. I saw hideo too. At alam kong may alam na rin siya, hindi imposible na magpaimbestiga siya"

"Aria is rj's ex girlfriend. Alam din ni rj na patay na si aria"

Kaya ba familiar yung babae kasi she looks like my sister?

How could they do that to me? Why did they lied.

"Kuya kyle. Nagpaimbestiga ako at nalaman ko na si tito quin ang daddy ni seah ang nag aalaga kay aria ngayon"

"What?!"

Tumango si archer.

"Lumipad pa states si aria kuya kyle at nakita siya ni tito quin. Alam to ng daddy mo at ng step mom mo. They plan it too well"

"No. Mali to, masasaktan si seah."

Huminga ng malalim si archer.

"Kuya sa ginagawa natin malaking kasalanan na to. Dahil itinago natin to sa kanya. Masasaktan at masasaktan pa rin siya"

"How come na alam nila dad?"

"They investigate deeper"

"Itinago ko si aria sa Pangasinan. Paano siya natagpuan nila dad?"

"Because of you"

Umiling si kuya at yumuko.

Habang ako ay unti unting bumabagsak pa upo. Pinipigilan ko ang umiyak ng malakas dahil baka malaman nila na nakikinig ako.

"Dapat ng malaman ni seah kuya kyle. I hate to lied on her, she's my besfriend."

"I know. Let me think about it first"

Tumango si archer habang si kuya ay umakyat na pataas.

I saw archer huminga siya ng malalim bago tumingin sa gawi ko.

"I hope you'll forgive me once na malaman mo to. Pero sana nakatulong ako at nabigyan ko ng kasagutan ang ilang tanong sa isipan mo. I'm sorry kung nagtago ako sayo, hindi ako ang dapat magsabi dahil wala akong karapatan. Sorry seah"

Lumabas ako ng dahan dahan at umiyak ng nakayuko habang tahimik na nakayakap sa mga tuhod ko.

"I'm sorry seah"

Niyakap niya ko hanggang sa makatulog ako.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon