Maaga akong nagising nag-alarm ako ng 8am para malinis ko yung kwarto ko bali Magtatanghalian na yata hindi ko napansin. Kasalukuyan akong nagwawalis at nagpapagpag ng kama ng pumasok si kuya sa kwarto ko at nagtataka kung bakit ako naglilinis.
"Bakit ka naglilinis seah? Hindi mo sinabihan sila manang?"
Huminga muna ko kasi feeling ko anytime mababahing ako.
"Ayos lang kuya medyo binago ko lang yung pwesto ng mga gamit ko."
Umikot naman yung tingin ni kuya sa buong kwarto at nakitang malapit nakong matapos ay huminga nalang siya ng malalim.
"Sa susunod seah ay kela manang mo na ipalinis yung kwarto mo alam mo naman may hika ka bawal kang makalanghap ng alikabok."
Tumango ako kay kuya kahit na nakamask ako alam ko naman na mapapagalitan pa rin ako.
"Pagkatapos mo ay maligo kana at kumain sa baba. Bukas ay papasok ka na diba? Ayusin mo narin mga gamit mo. Diba't magbibike kayo ni RJ mamayang hapon? Magpahinga kana at huwag masyadong magpapagod bawal sayo yun."
"Opo kuya."
Tumango siya at lumabas na.
Habang ako patuloy sa ginagawa hanggang sa matapos.
Napahinga ako ng malalim at tagaktak sa pawis kahit na naka aircon, ngayon alam ko na nakakapagod pala atalaga ang ginagawa nila manang.
Nagpahinga muna ko ng 10 minuto bago maligo at kumain sa baba.
Nasa hagdan nako ng marinig ko ang nagtatawanang boses sa baba, ay may bisita?
Pababa nako ng maaninag ko sila, hays.
"SEAAAAHH SUSUNDUIN KITA BUKAS HA!"
Napailing naman ako habang si hideo ay nakaupo lang at prenteng umiinom ng juice tumango naman siya sakin akya ganon na rin ang ginawa ko.
"Seah kakain kana?"
Tanong ni kuya.
"oo kuya"
"Sige, nakahanda na sa lamesa ang lahat."
Tumungo nako sa kusina para kumain ng nakiat ko si hideo na pasunod at papunta rin ng kusina.
"hey"
"hey"
Tinignan niya yung tuhod ko at nagtaka na may benda.
"Napano yan?"
Sabay turo niya sa tuhod ko.
"Ah. Nagbike kasi ako kahapon tapos may nakabangga sakin kaya parehas kaming tumumba"
"Alam ni kuya?"
Tumango ako.
"yeah inaya ko kasi siya dito sa bahay kaya nakilala ni kuya, mabait naman siya at madaling kasama."
Nakita kong sumama ang muka niya at mukang hindi natutuwa sa naririnig.
"Hey?"
Tumango siya at nilagay ang baso sa hugasan.
Huhugasan na sana niya ng pumasok si manang at siya na ang naghugas.
"Hey hideo?"
Tumingin siya sakin, malalim. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.
"Ah, eh galit kaba?"
"Bakit naman ako magagalit?"
Ay oo nga naman bakit siya magagalit.
"Ah akala ko kasi,"
"Sige na babalik nako kela kuya kyle"
Tumango nalang ako at napakagat sa ibabang labi ko. Bakit kaya parang sumama ang muka niya ng marinig ang mga sinabi ko.
Umiling nalang ako at kumain na.
Ilang minuto lang ay natapos nako tska ako umakyat ulit sa kwarto ko.
Nagbukas ako ng facebook at nakita kong may new friend request nanaman ako,
Rhys Joseph Cruiz sent you friend request
Pinindot ko ang accept at nagulat ako ng mag message siya kagad sakin.
Rhys: Hey, Tuloy tayo mamaya? excited nakong umikot sa village.
Me: ..
Rhys: Busy?
Me: nah, chinarge ko lang phone ko bago kita replyan. Yes tuloy tayo gusto mo ngayon na?
Rhys: mainit pa, mga 3?
Me: Sure lilinisin ko lang bike ko.
Rhys: Sure Queen :))
Me: Why queen? not seah?
Rhys: Mas bagay kasi sayo hahhahaa, btw seeyah!
Me: seen
Bakit ganon sa tuwing may tumatawag sakin ng queen bumibilis ang tibok ng puso ko?
Hideo and Rhys sino ba talaga kayo?
BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
Teen FictionNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -