Chapter 13

10 1 0
                                        

"Isinugod sa hospital ang dad mo. Nagalit si lola sa ginawa ni dad sa kakambal niya pero mas nagalit si lola sa ginawa ni mom at ng dad mo sa dad ko. Kaya ang ginawa ni lola pinaghiwalay si mom at dad, nagkipag divorce si dad kay mom habang ang dad mo ay ilang araw na hindi pa rin nagigising dahil sa pagkakalaglag sa hagdan."

"Ilang weeks ang nagdaan nagising ang dad mo pero maraming nagbago."

Malungkot siyang tumingin sakin.

"Ilang buwan narin buntis si mom sayo non. Nakatira si mom sa isang apartment sa bulacan habang ang dad mo ay nandito sa manila at nagpapagaling. Naging mahirap sa dad mo ang pagbabago dahil hindi na siya maaring makalakad dahil malala ang tama ng pagkakabagsak niya"

"Nalaman ni mom yon kaya pumunta siya sa manila pero hindi siya hinayaan ni lola na pumasok manlang sa hospital. Hanggang sa naging miserable ang buhay ng dad mo sobra rin ang galit ng dad ko pero umiwas nalang siya sa kapatid niya. Sa galit ni lola dahil sa mga nangyari pinadala ang dad mo sa ibang bansa para hindi sila magkita ni dad pero ang gusto talaga ni lola ay mapagaling si tito ang dad mo."

"Pumunta sila sa ibang bansa para makahanap ng magaling na doktor. At ayon nga ilang taon ang binilang para makalakad siya. Naging maayos ang buhay at nakabangon, Nakapaglakad siya pero hindi na siya bumalik ulit dito sa pilipinas"

Yumuko ako gusto ko magtanong pero natatakot ako sa mga maririnig ko.

"Hindi alam ni tito na buntis si mom sayo. Nung ipinanganak ka ay 4 na taon nako. Namatay si mom sa pagkakapanganak sayo. Kinuha ka ni lola at dinala sa bahay, ayaw ka tanggapin ni dad kaya si lola at lolo ang nagapaparamdam sayo na may magulang ka at may nagmamahal sayo. Hanggang sa lumaki na tayo, palaging sinasabi sakin ni dad na huwag akong lalapit sayo pero wala silang magawa dahil ang bond na natin mismo ang naglalapit sa atin"

"Oo galit ako kay mom dahil sa ginawa niya pero hindi ko makuhang magalit sayo kahit nalaman ko na ang katotohanan. Kapatid kita na pinsan pa. pero palagi mong tatandaan na kapatid mo ako seah at hindi ka iba pa ra sa akin."

"Kapatid kita kahit anong mang yari. Ipinangako ko sa harap ng puntod ni mom na aalagaan kita at hindi hahayaan na saktan ninuman"

Niyakap ko si kuya at tuluyan ng umiyak ng umiyak.

"Kuya"

"Hmm"

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin alam ni dad na may anak siya kay mom?"

Humigpit ang yakap ni kuya sa akin. Alam ko may alam siya.

"Ang alam ko ay sinabi ni lola bago siya mamatay kay tito na may anak siya kay mom pero hindi na sabi ni lola na ikaw yon dahil oras na niya."

"Hinanap ba niya ko?"

"Ayon ang hindi ko alam seah. Kaya nga pinoprotektahan kita sa madrasta natin nayon. Pinapakisamahan ko lang siya dahil kay dad, pero nadissapoint ako na pati si dad ganoon na rin ang ugali"

"Naiintindihan ko naman si dad kaya siya ganon sa akin kuya pati na rin si mom. Namatay si alia dahil sakin. Ako ang dahilan kuya"

"No, what happened to alia is not your fault. Niligtas ka niya kasi gusto niya at ayaw ka niyang mawala seah. Mahal ka ni alia hindi mo kasalanan na namatay siya"

"Pero kuya"

"What ever happened in the past is in the past right now. Wag mo sisishin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan"

Pumikit nalang ako at hinayaan na makatulog sa pagiyak.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon