Chapter 14

7 1 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba.

Naghilamos muna ko at nag ayos, pababa na sana ako ng narinig ko ang paguusap ng kung sino.

"Hindi pwedeng malaman ni seah na nagbalik na ang ama niya kyle."

"Pero manang karapatan ni seah na malaman yon dahil ama niya yon. Wala na nga siyang ina pati ba naman ay ama ipagkakait pa natin sa kanya?"

Umiling iling si manang bago mag salita.

"Pero hindi natin sigurado kung tatanggapin ba siya ni quin, alam mo naman na kaya umalis ang tito mo dahil sinabi ng ama mo na wala na siyang babalikan rito at ang ama ng dinadala ng mommy mo noon ay anak ng daddy mo."

"Kaya kong patunayan kay tito quin na hindi anak ni daddy si seah kundi siya mismo. I have a birth certificate also mom's letter. May DNA test din ako na ipinakuha na nag labas ng resulta na negative ang kay dad at seah."

Nagulat ako, DNA Test? Paano nagawa ni kuya yon?

Hindi ako bumaba muna kaya nanatili akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Pero maniniwala kaya ang tito quin mo? Alam mo naman sobra ang dinanas niya dito noon, nagalit siya sa mom mo dahil sa mga sinabi ng dad mo na alam naman natin na hindi totoo sa tingin mo ba ay maniniwala na kagad ang tito mo kung sakaling ikaw ang magsabi?"

"Eh sino ang magsasabi manang may proof naman po ako."

Halos sabunutan na ni kuya ang kanyang sarili dahil sa frustration.

"Hayaan mo at lalabas din ang totoo sa ngayon ay hayaan muna natin ang Tadhana ang kumilos. May tamang pagkakataon ang lahat ng bagay at mangyayari lang yon sa tamang oras"

"Tama ka manang. Pero kung sakaling magkita sila manang wala na akong magagawa pa kundi ilabas at sabihin na ang totoo. Iyon nalang ang tanging kahilingan sakin ni mom na gusto kong tuparin, ginawa ko na ang sinabi niyang maging kapatid at ama kay seah ngayon sana naman totoong ama na niya ang pumuno ng lahat ng yon."

"Iho, malaki na si seah. Lahat ng desisyon niya ay siya na ang may karapatan doon. Kung magkikita man sila at lumabas na ang totoo, nawa ay maging maayos na ang lahat. At sa huling pagkakataon ay tanggapin na rin si seah ng taos puso ng mga taong mahal niya katulad ng pagtanggap mo sa kaniya."

Ngumiti ako dahil sa mga narinig ko. Tama si manang desisyon ko na ang nakasalalay sa mga nangyayari.

Kung magkikita man kami ng totoo kong ama at kung tatanggapin ko ba siya sa buhay ko ay desisyon ko na.

Kung hindi man niya ako tanggapin ay wala akong magagawa kahit matagal ko ng gustong maramadaman na mahalin ng sarili kong ama.

Bumaba nako dahil masyado nakong nagtatagal sa pakikinig sa kanila.

Naabutan ko si kuyang tulala habang si manang ay napapailing nalang dahil sa itsura ni kuya.

"Kuya"

Napatayo si kuya dahil sakin.

"Kanina ka pa dyan?"

Umiling ako at dahil don tila nakahinga siya ng maluwag at umupo muli.

"Pwede ba akong lumabas na kuya?"

"At saan ka naman pupunta aber?"

Nagtaas ang isa niyang kilay habang ang mga braso niya ay nagkrus na. Si manang ay patuloy lang sa pag iling at pag punas ng lamesa.

"Dyan lang sa park gusto ko kasing magpahangin. Magbibike naman ako kuya at doon lang naman"

Nagisip muna siya bago tumango.

"Okay, pero umuwi ka rin ng maaga dito at huwag na magpapagabi."

"Thankyou kuya!"

Niyakap ko siya at kaagad ng tumakbo sa kwarto ko para magpalit ng suot.

Handa nako kaya lumabas nako para kuhanin ang bike ko na matagal ko ng hindi nagagamit.

Cool- pinaayos pala ni kuya to. Nice!

Masaya akong nagbibike paikot dito sa park sa may village namin ng makita ko si hideo na nakaupo sa isang bench at may kasamang babae.

Lah may girlfriend? Kung sabagay gwapo.

Nagbike lang ako at nag ikot ikot.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon