"Seah?"
Natauhan lang ako ng tinawag niya ulit ako.
"Ayos ka lang ba?"
Tinignan niya ko pero umiwas ako ng tingin at napahawak ako sa dibdib ko. Pinapakiramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, Normal pa kaya to?
"Are you okay? umuwi na tayo?"
Umiling ako ng mabilis
"No. ahm, I'm fine just that-"
"What?"
"Nothing"
Huming siya ng malalim at tinanong ulit ako.
"Are you sure"
"Yep"
Ngumiti ako pinakiramdaman muli ang tibok ng puso ko, bumagal naman ito kaya napahinga ako ng malalim at ngumiti.
Tumahimik kami ng ilang minuto ng makarinig kami ng musika.
Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang talaSa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Napangiti ako, ito yung palagi kong pinapakinggan sa playlist ko.
Ang sabi ko noon sa sarili ko dito sa mismong park na to. Dito ko dadalhin at aaminin sa taong gusto ko na gusto at mahal ko siya, ang corny man pero par sakin ang sweet non. Gusto ko rin na kung may sasagutin man akong manliligaw ko dito rin mismo sa lugar nato habang may bandang umaawit ng tugma sa aming nararamdaman.
"Seah"
"Hmm?"
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay
Hinawakan niya ang kamay ko at itinayo ako. Inilagay niya ito sa magkabilang balikat niya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko. Hindi ako nakagalaw ng ilang minuto sa gulat pero nakabawi rin ng magsimula na kaming gumalaw.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Nakita ko na halos lahat ng tao ay katulad rin ng ginagawa namin, napangiti ako dahil sa ikalawang pagkakataon ay nasaksihan ko muli ang pangyayari na ito. Pero sa pagkakataon na ito ay kasama na ako sa kanila.
Tumingin ako kay Rj nakangiti siya habang gumagalaw kami pakanan at pakaliwa.

BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
Roman pour AdolescentsNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -