Nakatulog ka agad ako mula nung umiyak ako sa balikat ni archer.
Mula din noon hindi na nila ako nakausao kahit si kuya man.My sister, my sister. How.. how could they lied to me?
Yung mga taong pinagkakatiwalaan ko.. My heart breaks a lot. Hindi ko na alam pero makirot sobrang sakit na bumabalik nanaman yung mga aalala na kinakalimutan ko nang pilit.
Yung galit na binabato nila sakin. Tinanggap ko sa kaalaman na namatay ang kapatid ko ng dahil sakin pero heto at buhay siya kasama ang totoo kong ama. Habang ang ama niya ay sinisisi ako sa pagkawala niya.
Bakit sakin to nangyayari?
"Seah please, talk to me. Ilang araw mo na akong hindi kinakausap kahit tignan manlang. Please seah, kuya is begging you"
Tumingin ako sa kanya. Hindi niya pa alam na alam ko na ang hirap magpanggap pero hindi ko alam kung paano nila nagawang magpanggap sa harap ko, ang sakit.
Umalis ako sa harapan niya at pumasok sa kwarto. Kumatok nanaman siya ulit hanggang sa mapagod siya. Ganiyan lang kami araw-araw hanggang sa lumipas na ang ilang buwan.
"Queenery!"
Agad akong napalingon kay Rhea dahil siya lang naman ang tumatawag sakin non sa school.
"Rhea ano nanaman?"
Umirap siya at natawa pa rin. Sa halos ilang buwan ko na umiwas kela archer, hideo at kuya ay ang pagkakaroon ko naman ng mga sariling panibagong mga kaibigan.
Niintindihan ko sila kung bakit nila itinago to sa akin. Pero bakit ang tagal naman? Malaki nako. Karapatan ko din ang malaman iyon.
Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko kahit na naiintindihan ko sila. Pero pinili ko nalang ang umiwas dahil ayokong makapagsalita ng mga bagay na makakapag palala sa lahat.
2 buwan mula noong umiwas ako ay ang paglipat ko naman ng condo. Si rhea ang tumulong sa akin maghanao ng condo na malapit sa school yung walking distance lang kaya naging close din kami kasi halos kami na ang magkasama, damay pa tabi lang ang mga unit namin.
"Luka ka queenery! Sabi ko secret lang natin na crush ko si Aljon!"
Natawa nalang ako kasi mukang gusto niya na akong sabunutan.
"I didn't say anything rhea. I don't even share it to anyone"
Napakunot naman ang noo niya at nagisip.
"So sino naman aber? Eh ikaw lang naman pinagsabihan ko?"
Hmmm. Naalala ko sa papel niya sinabi yon. Opo opo, nagsusulatan kami ng chika habang nagtuturo ag prof namin sa klase.
"Ah baka may nakabasa noong usapan natin sa papel?"
Hinampas naman niya ko.
"Bakit ba naman kasi hindi mo pinunit?"
Inirapan ko siya.
"Malamang ikaw may hawak diba? Ikaw din nagtapon."
"De bali na nga!"
Natawa nalang kaming dalawa at sabay na pumasok sa room na same ang class namin ngayon.
"Nga pala sis."
"Oh?"
"Kinakamusta ka sakin ni archer"
Ngumiti lang ako sa kanya.
Kaya ngumiti din siya sakin ibig sabihin alam niya na gagawin.
Sa loob ng ilang buwan ko na magisa. Natutunan ko ang maging independent, mabuhay magisa, magtiwala sa sarili at kayanin ang lahat. Bonus nalang dahil dumating si rhea.
"Eh sis."
"Oh?"
Sarap sabunutan.
"How about hideo? He keep asking me your number."
Napatingin ako sa kanya at napahigpit ang hawak ko sa mga libro ko.
"Bakit daw?"
Nagkibit balikat siya at nagtuloy sa upuan niya.
Sa likuran ang upuan ko at naupo nako. Inaayos ko ang mga gamit ko ng biglang may tumabi sa akin, paglingon ko ay nagulat ako.
"Seah"
"Archer"
Ngumiti siya sa akin pero ang mga mata niya iba sa ngiting ipinapakita niya.
"Are you fine?"
Tumango ako.
"Still mad?"
Umiling ako.
Tumango siya at tumahimik na sa tabi. Dati rati kapag magkasama kami iniinis niya na ako pero ngayon ibang iba na kami para kaming may malaking division sa gitna.
Maybe mas ayos na to'
Mabilis nag pa dismissed ang mga prof dahil may meeting de abance ang mga nais umupo sa panibagong termino sa paaralan.
Palabas nako at papunta na sana sa gymnasium ng may humatak sa akin papuntang locker room.
Kinabahan kagad ako kaya mabilis kong hinawakan ang electric ground ko sa bag. Pero mabilis naman ako nahawakan sa pulsuhan nung humatak sa akin.
"Ako to seah"
Agad bumilis ang tibok ng puso ko ang boses na yon.

BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
Novela JuvenilNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -