Chapter 15

9 1 0
                                        

Napagod ako kakapidal kaya umupo muna ko dito sa may bench malapit sa casa de plaza.

Halos palabas na kasi ng village namin ang park. Pero may guard pa rin naman na nagbabantay sa post nila kaya sure na ligtas dito.

Minamasahe ko ang magkabila kong binti ng napansin ko na may pares ng makinis na binti ang nasa tapat ko.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko ng magulat ako ng makita siya.

"Oh so true nga ikaw nga yan"

Agad niyang pinagkrus ang braso niya at mataray akong tinignan.

Tumahimik lang ako dahil wala akong balak makipag away.

"So kamusta naman ang babaeng pumatay sa bestfriend ko?"

Well siya lang naman ang bestfriend ni alia. Kahit siya ay ako ang sinisisi sa pagkamatay ni alia.

Halos mapahinga ako ng malalim kasi imbis na pahinga sakit sa ulo naman ang nangyari.

"You kn-"

Magsasalita na sana ko ng magulat akong lumapit samin si hideo.

"Ashley akala ko ba pupunta ka lang sa friend mo?"

Tinignan niya ako at nagulat naman siya ng makita ako.

"Seah?"

Agad tumingin yung ashley sakin ng masama at tinaasaan ng kilay si hideo

"Magakakilala kayo?"

Tumango si hideo habang ako ay umiwas ng tingin.

"Kapatid siya ng bestfriend ni ate hidie na si kuya kyle. Alam ko rin na kapatid siya ni alia. Pero hindi ko alam na magkaibigan pala kayo"

Agad nandiri ang muka ni ashley ng marinig niya ang sinabi ni hideo

"Mandiri ka nga hideo! Hinding hindi ko magiging kaibigan ang mamatay tao na yan."

Inirapan niya ako at tumalikod na paalis na sana siya ng nagsalita ako.

"Hindi ko pinatay si alia ni hindi ko nga hinawakan tapos mamatay tao na ko agad non?"

Bigla siyang humarap sakin na galit ang muka.

"Hindi mo siya pinatay physically pero kasalanan mo kung bakit siya nawala samin. Pinatay mo siya."

Umiling ako habang si hideo ay napabunting hininga at hinawakan na si ashley sa braso pero agad naman tinanggal ni ashley yon.

"Tandaan mo to"

Habang dinuro duro ako sa dibdib ko.

Napakuyom ang mga kamay ko hanggat maari ay nagpipigil ako ng galit.

Napansin naman ni hideo yon kaya hinatak niya na si ashley hindi naman nakapalag dahil mas malakas si hideo.

"Kahit kailan ay hindi ka namin ni ako ikaw mapapatawad. Kasalanan mo kung bakit namatay si alia. Kasalanan mo. Half sister ka lang naman niya pero bakit pinili niyang iligtas kapa! Bakit! Bakit siya pa ang namatay at bakit hindi ikaw? Ang bait bait ni alia sayo kahit na hindi mo siya pinapansin ni kinakausap man. Pero tignan mo pinili niyang mamatay para sayo! Wala ka namang kwenta kaya bakit hindi ikaw?"

Umiyak siya sa bisig ni hideo. Hinila naman siya nito paalis sa pwesto ko. Napansin ko na nakatingin na sa akin ang mga tao sa park at nagbubulungan.

Yumuko nalang ako at sumakay na sa bike ko para makauwi na.

Umiiyak ako habang nagbibike hindi maiwasan mawala sa isip ko na ako ang may kasalanan kung bakit namatay si alia.

Kasalanan ko.

Patuloy ako sa pagpidal kahit medyo nanlalabo na ang paningin ko. Malapit nako ng hindi ko napansin na may papasalubong din sa akin na nakabike.

Kaya ayon nagkabanggaan kami at parehong napabagsak sa lupa.

Kaagad kong naramdaman ang sakit sa braso at tuhod ko. Maiyak iyak akong umusad para makaalis sa pagkakadagan sakin ng bike ko.

Lumingon ako sa nakabangga ko at nakita ko siyang itinatayo ang bike niya habang iika ikang nagpunta sakin.

"Ayos ka lang ba? Pasensya na hindi kita napansin"

Suminghot singhot pako dahil sa kakaiyak. Ang malas ko naman!

Inabutan niya ako ng panyo hindi ko siya maaninaw dahil sa mga pesteng luha ko.

Pagkapunas ko ay tinignan ko siya para humingi ng tawad kasi kasalanan ko rin naman at upang magpasalamat narin.

"Salama-"

Napatigil ako.

Shutanginers!

Ang Gwapo!

"Miss ayos ka lang? Pasensya na hindi ko sinasadya kung gusto mo ay sumama ka sakina ko na ang gagamot sa sugat mo"

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil sa epekto ng kagwapuhan niya.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon