Habang naglillinis ako ng bike hindi ko maiwasan ang isipin kung bakit kapag tinatawag akong queen ay bumibilis ang tibok ng puso ko, tila kilala nito yung nagsasabi non.
Pero imposible naman kasi dahil hindi anman ako palalabas at ngayon ko lang nakita at nakilala sila hideo at RJ.
Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na sobrang bula na pala ng bike ko. Kinuha ko ang host at binanlawan na to ng makit ko si hideo at archer na papalabas.
"SEAH BUKAS HA!"
Napailing nalang ako sa sigaw ni archer feeling ko gusto ko na siyang itakwil bilang bestfriend.
Agad naman siyang binatukan ni kuya pagkalabas ng bahay.
"Alam mo ikaw archer napakaingay mo! ang lapit lang ni seah sumisigaw kapa."
Napakamot nalang tuloy ng ulo si archer at natawa.
"Baka kasi hindi niya amrinig at maalala kuya hahahaha"
Umiling nalang si hideo at kuya sa sinabi ni archer habang ako ay pinagpatuloy nalang ang pagbabanlaw ng bike ko.
"Nga pala seah"
Tumingin ako kay kuya saglit at tinanguan siya,
"Maya maya ay mag bibike na kayo ni Rj diba? Dito mo na siya pakainin gusto ko kasi siya makausap ulit."
Napatingin naman ako sa kaniya, iniisip kung totoo ba.
"About business lang at gusto ko makilala mga kinakaibigan mo"
Tumango ako,
"I'll just ask him first po muna"
"Alright, just call me if it's okay to him"
"Okay."
Pinupunasan ko na ang bike ko ng mapansin ko na nakatitig nanaman sa akin si hideo.
Akmang titignan ko na siya ng nag-aya ng umuwi si archer.
"Bro tara na"
"Sabihin mo kay hidie, hideo na jtuloy kami bukas ng hapon susunduin ko nalang kamo siya"
"Okay kuya kyle."
Hindi nako lumingon dahil alam ko naman na nakatingin pa rin siya sakin.
"Bye"
Alam kong sakin niya sinabi yon pero nagpatuloy nalang ako sa pagpupunas.

BINABASA MO ANG
A Sky Full of Stars
Teen FictionNo matter what happens Even when the sky's falling down I promise you That I'll never let you go. - Started: June 26, 2020 Ended: -