Chapter 4

16 1 0
                                    

After ng class ko syempre diretso uwi ayon ang sabi ng kapatid ko e.

"Maam seah wala pa po si sir kyle pero nagsabi po siya na kumain na kayo"

Tumingin ako kay manang at tumango.

"Thankyou po. Magbibihis lang ako."

Tumango si manang at dumiretso na sa kusina para maghain ng makakain.

Dumiretso na ako sa kwarto at agad na binaba ang mga gamit ko sa study table pati ang bag ko.

Kumuha ako ng damit na pamalit at nagpalit na para makakain na sa baba.

After kong magpalit ay napansin ko na may nag friend request sakin sa Facebook. Hideo Viniel Saavedra

Hindi ko muna inaccept dahil tinawag na ako ni manang para kumain. Iniwan ko muna yung cellphone ko sa kama at bumaba na.

Kumain lang ako ng dinner at pagtapos ay naabutan ko si kuya na papasok palang ng bahay kasama ang isang hindi ko kilalang babae. Baka girlfriend, bihira lang naman magkaroon si kuya non.

"Seah"

Lumapit ako kay kuya at tumingin sa kasama niya.

"Seah meet Hidie Saavedra my bestfriend. You meet her once before sa party doon sa bahay."

Lumapit sakin yung babae at nakipag shake hands.

"I am Hira Dienna Saavedra Hidie for short"

Ngiting saad niya. I give her a quick smile.

"Queenery Haseah Evidente, Seah nalang po"

Ngumiti siya sakin so ngumiti na rin ako.

"Nice to formally meet you seah"

"Nice to meet you too din po ate hidie"

Biglang humarap si kuya kay ate hidie at tinuro ang sofa at sinabing maupo muna. Kumaway naman sakin si ate bago umupo kaya tumango ako at umakyat na ako sa kwarto.

"Seah"

Napalingon ako kay kuya bago ko buksan ang kwarto ko.

"Why?"

"Did you already meet and see hideo in your school?"

"Who's hideo?"

"Oh. Nothing. Go and do your thing"

"Okay"

Napailing nalang ako kaya imbis na gumawa ng school works ay humiga nalang ako at nagphone.

Nang naalala ko na may nag add sakin ay binuksan ko kagad ang fb notif ko at pinagmasdan ang pangalan.

Hideo Viniel Saavedra

Hideo?!

Ah so siya yung sinasabi ni kuya sakin kanina.

May ano?

Inaccept ko siya at napansin ko agad na may new message ako sa messenger.

Oh nagchat kagad?

-
Hideo: Hi?

rereplyan ko ba to? Weird.

Ako: who are you?

Hideo:(...)

Antagal naman magreply!

Hideo: I am Hideo Viniel Saavedra

Ako: I know! Obviously!

Hideo: hahaha i'm trying to be funny but you're too serious.

Ako: Pake mo?

Hideo: may pake ako.

Ako: So?

Hideo: Nothing. See you around Queen. :")
(SEEN)

Who is he? Why? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Is this bad? Pero parang may gusto akong malaman kasi parang narinig ko ng may tumawag sa akin na ganon. Weird?

I just continue thinking who's that person who called me by my name pero wala talaga kaya pumikit nalang ako at tinanong ko sa sarili ko. Who are you hideo?

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon