PROLOGUE

344 11 1
                                    

PROLOGUE

" YOU'VE got to be kidding me," natatawa niyang komento nang ilatag ko sa harapan niya ang papel na kasunduan na magiging boyfriend ko siya at ang mga plano ko para bumalik sa akin ang ex ko.

"There's no way I could be kidding you. This is a serious matter." I raised my eyebrow.

"You're a joke, Dana. This is a big prank. If you only want a 24-hour jowa challenge, please huwag ako," tanggi niya kaya napakunot ang noo ko. Anong 24-hour? I need a boyfriend who could stick with me more than 24 hours. I rolled my eyes up in the air.

"Within three months gagawin natin ang plano. In return, you'll get the fame. Basta ba dumikit ka lang sa akin, pangungumbinsi ko sa kanya at inilapag ang contract sa mesa. As expected, tinitigan lang niya ito. The hell! Wala ba syang balak basahin yung papel?!

"Pinagloloko mo ba ako? Gagamitin mo ako for your own interest? Ayos ka lang ba?" kalmado niyang tanong sabay ayos ng big eyeglasses niya. Napairap na lamang ako at napabuga ng hangin.

"Listen, we could be both beneficiaries here. Give and take lang tayo," panghihikayat ko.

"At sa tingin mo magpapagamit ako? dagdag pa niya. Napabuga ako ng hangin. More temper please? C'mon Dana, mukhang wala kang mapapala rito kundi tumunganga sa nerd na ito.

"Okey fine. I'll give you more time." Tumayo na ako at tinapik siya sa balikat.

"Take time Nerdy boy. Ill go ahead," dagdag ko pa. Nginitian ko na lang siya atsaka tumalikod na. Konti na lang. I'll be heading to my good and peaceful revenge with the help of that Nerd.


***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon