CHAPTER 15
MAYBE this time,
It'll be lovin' they'll find,
Maybe now they can be more than just friends.Sa isang iglap ay nagkatitigan kami at hindi ko mapigilang mapangiti. May naalala akong memories when I was a seven-year old kid.
She's back in his life
And it feel so right,
Maybe this timeHanggang sa umiwas ako ng tingin. Nakatitig pa rin siya sa akin. Iyong mga tingin niya, parang nakakatunaw. I can't help but to glance back at him. Pakiramdam ko familiar talaga ang mga mata niya sa akin. Hindi ko maalala kung saan at kailan ko natitigan.
Love won't end
Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito. Pakiramdam ko nakalimutan ko lahat ng problema ko. Sa isang iglap ay napangiti ako habang siya naman ay tipid na ngumiti rin. Sa isang iglap ay narinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. That song reminds me of someone from the past. And it's not Sage. Or anyone else.
***
"HOY mga bakla, hindi ako makakapunta diyan ngayon, busy ang kagandahan ko sa pagkerengkeng sa salon!" rinig kong sigaw ni Archdave mula sa kabilang linya.
"Sows, bruhang Archdave, malaman-laman ko lang na nagtatago ka lang pala kay Nieca, sasapakin talaga kita!" biro ni Alcoriza. Rinig na rinig ko ang tili ni Archdave dahil inis na inis sa pang-aasar ni Alcoriza. Tss. Kapag talagang ang dalawang ito, nagkatuluyan, ipapatanggal ko ang mga kalyo ni Archdave sa paa. Jusmii.
Pero in my time machine, nakikinita ko talagang magkakatuluyang ang bruhang si Nieca at Archdave. Yah, right. Sana naman magpakalalaki na ang bakla! Sayang ang alindog, eh. Kumbaga, ang palay na ang lumalapit sa manok. At saka alam kong may pag-asa pa naman siya para matransform sa isang magiting na prinsipe. Si Raze nga na mukhang squidward dati, nagawan ng paraan, siya pa kaya na may taglay na ring kagwapuhan? Ayaw lang tanggapin, eh. Aish!
"Dana, mauna na ako. May nag-aantay pa sa akin na recipe na dapat kong lutuin, eh," sambit ni Alcoriza pagkababa ng phone niya. Ang babaeng ito talaga, kinakareer ang pagiging chef wannabe. Tumango na lang ako at humilata sa sofa. I'm feeling alone na naman. Ipinasak ko na lang ang headset ko at pinakinggan ang Maybe This Time song na dinownload ko pa kasi na-LSS lang ako. Sana nga ni-record ko na lang ang boses ni Raze kung ganoon.
Ugh. Ano bang mga sinasabi ko?
Boring talaga.Tumayo ako at nag-inat-inat. Isinuot ko ang rubber shoes ko, varsity jacket at isang cap saka lumabas ng bahay. It's Saturday. I glance at my wristwatch, 5:30 na ng hapon pero feel ko pa rin mamasyal. Sa park na lang ako gogora tutal may kalayuan ang mall rito at mas accessible ang paglalakad papuntang park.
PAGDATING ko sa park ay medyo madilim na. Wala ring katao-tao. Hindi naman ako natatakot dahil nakabukas na ang mga lamp post na nasa paligid. Humihingal na tumigil ako sa pagtakbo. Inilibot ko ang paningin sa buong park at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa bench. Nagbabasa ito ng libro.
"R-Raze?!
***
-RIZA-
"THANKS," sambit ko at inabot ang mga binili kong mga grocery products. Mag-isa lang ako sa apartment na tinutuluyan ko kaya no choice, out of stock na rin kasi ang refrigerator. Pakanta-kanta akong lumabas ng convenience store kahit gabi na. Walking distance lang naman ang apartment ko rito so no need to worry. Napadaan ako sa telephone booth kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok roon.
Idinial ko ang number ni Ate Irish. Kukumustahin ko lang si Raze, ang tagal na rin naming hindi nakakapag-study nang magkasama para sa darating na final exam. Narinig ko ang pag-ring sa kabilang linya at mayamaya ay ang pagsagot ni Ate Irish.
"Helloooo! Irish speakinggg!" Nailayo ko agad ang telepono sa tenga ko. Grabe, ang tinis ng boses niya.
"Hello, ate Irish, andiyan ba si Raze?" tanong ko habang nililibot ang tingin. At pinasadahan ng titig ang mga sasakyan at mga taong naglalakaran sa sidewalk.
"Awwts, sorry. Wala dito si kapatid. Siguro kasama ngayon si Danny somewhere out there pa."
"O-okay. Tatawag na lang ako ulit. Salamat."
"Okay. Ipapaalam ko na lang sa kanya na tumawag ka! Byeee!" Naibaba ko agad ang telepono. Bumuntong-hininga at saka lumabas na ng booth.
***
-DANA-
"DITO ako tumatambay every Saturday night. May fresh air kasi. It keeps me calm. Sort of," paliwanag ni Raze at sinarado ang librong dala ni niya. Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ang cap sa ulo.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Uhh...n-naligaw lang?" alinlangan kong sagot.
Sa isang iglap ay namayani ang awkward atmosphere sa pagitan namin. I hate this feeling. I hate disturbing thoughts. Lalo na at siya pa ang kasama ko.
"Ang gaganda ng bituin no?" sambit niya at tumingala sa langit dahilan para mapaangat rin ang tingin ko sa madilim nang kalangitan pero tadtad ng mga bituin.
"H-ha? Yeah. Lalo na iyong Northstar." Napangiti ako nang may maalala na namang memories from the past.
"Sabi nila, ang north star ang magsisilbing simbolo sa taong mahal mo." Nakatingala pa rin siya sa langit.
"R-Raze?"
"Hmm?"
"Kung ganoon, sinong Northstar mo?" usisa ko pa. Nakita ko siyang umiling kaya ngumiwi ako. Abno ba ang isang ‘to?
"Really? Are you serious? Kahit crush man lang or first love?" Umiling ulit siya kaya napabuntong-hininga ako.
"Ikaw, sinong Northstar mo?" tanong niya pabalik. Ang daya nito. Hindi naman nag-open up sa akin, tapos ang lakas tanungin sino ang akin? Tumingala muna ako bago magsalita.
"Someone from the past," I muttered as I am trying to remember his blurry face. Narinig ko ang mahina niyang halakhak.
"Ex mo? Si Sage ba?" Ngumiti ako ng tipid at umiling-iling.
"Hindi iyon si Sage."
***
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...