CHAPTER 6

49 6 0
                                    

CHAPTER 6

"PWEDE ba, pauwiin mo na lang ako?!" sigaw niya pabalik.

"Hoy! Umayos ka ha? Ikaw na nga itong tinutulungang baguhin ang kalurkey mong itsura?! You know what, you're getting into my nerves!" nagmamataray kong bulyaw at agad inilabas ang fancy fan ko. Nakaka- highblood ang nerd na 'to. Kung hindi nga lang ito parte ng plano ni Dana, hindi ako mag-vovolunteer nako!

"Bakit ko ba ‘to susuotin? Teka nga! Kakilala mo ba si Dana? Pakisabi tigilan na niya ako! Hindi ko pipirmahan ang kontrata niya!"  Natigil ako sa pagpaypay at napatingin sa kanya.

"You mean? Hindi mo pa napipirmahan?!" bulalas ko at the top of my lungs.

"Hindi. Wala akong balak." asar na sabi niya. I exclaim in shocks and frustration. Pero hindi nagbago ang isip ko. Itutuloy pa rin ang transformation ng beast na to!

"No way! Pirmahan mo man ‘yun o hindi, the story must go on. The transformation of a Nerdy beast!" saad ko at nag-cat walk palapit sa estante ng mga cool na rubber shoes. He groan in frustrations pero tinalikuran ko lang siya at naghanap pa ng male accessories.

***

"ARCHDAVE,  makinig ka. Ayoko nga kasi---"

"Oopsy oopsy oops! Gagamitin mong lahat ‘yan kung ayaw mong gahasain kita!" Napalingon siya sa akin na gulat na gulat. Yeah, fellas, atlast tapos na ang madugo at brutal na pagshopping. Bahala na siyang gumamit ng mga iyon. Na-demo ko na sa kanya, so keribels lang.  Feel na feel ko ang pagod ngayon. Shocks!

"Raze the Nerdy, come here. Starbucks muna---waaah!" Hindi ko na naituloy ang pag-aya ko kay Nerd nang makarinig ako ng sigaw.

"Oh my! Archdave my bebeloves! Come here! Hooo! Uwaaaah!"

***

-RAZE-

NATATARANTANG iniabot sa akin ni Archdave ang mga shopping bags at namumutla pa.

"M-mauna na ako. Don't forget to use that stuffs ha? Babush!" Naguguluhan man ay wala na akong magawa nang isalaksak lahat sa akin ang mga bitbit niya. Ano naman ang gagawin ko dito?! Hindi nga ako gumagamit ng mga ito, eh!

Mayamaya ay may narinig akong tili ng babae. At kasunod noon ay tumakbo na papalayo si Archdave.  Anyare doon? Napakamot ako sa kilay ko. Aish! Bahala na nga. Uuwi na ako sa bahay. Nagtext naman si Riza na cancel ang mga quizzes namin. At isa pa, pagod ako.

"Huwaw. Nagshopping ka kapatid?" bungad ng kapatid kong si Ate Irish nang ilapag ko ang mga bag sa sofa.
"Bigay lang ‘yan. Ng isang kaibigan." Kaibigan? Ni hindi ko pa nga gaanong kakilala, eh. Nagutom ako bigla kaya dire-diretso akong pumasok sa kusina. Nalaman ko kasi na nagpadala si Riza ng mga cupcakes rito sa bahay.

Pagbukas ko ng ref, nakita ko lang ang nakabukas na box. Wala nang laman.

"Ateeee?!"

"Yes kapatiiidd?"

"Bakit mo kinain ‘yung cupcakesss?!"

"Sorrrry!"

Napapokerface na lamang ako at isinara ang ref.

***

-DANA-

HINDI ako mapakali. Pabalik-balik akong naglalakad sa apat na sulok ng kwarto. Damn it! Kung ayaw ng nerd na ‘yun na makipagtulungan sa akin, pwede namang iba na lang. So, sino naman?

"Aha!" Napapitik ang daliri ko nang maalala ko ang bruhang si Archdave pero agad akong nanlumo nang mapagtantong ‘di kami talo. Babae siya at dyosa ako. Argh! Sinapo ko ang noo ko habang hinihilot hilot ang sintido ko. I guess I have no choice but my Plan C.

Sana gumana this time. Binuksan ko ang closet ko at agad napangisi dahil sa mga idea na naglalaro sa fabulous kong utak.

***

SMILE. Flip hair. Ikot. Pout. Wacky.  Simple.  Just plain simple.
Narinig ko ang boses nina Alcoriza at Archdave mula sa labas ng kwarto ko. Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na akong humarap sa kanila. As expected, here comes their nutty reactions. Para silang nakakita ng multo. Dali-daling nagtatakbo ang baklang si Archdave at kinalkal ang closet ko. Pagkatapos ay tiningnan ako ng what-have-you-done look.

"D-Dana?"

"What?" nakangiti kong tanong.

"Anyare sayo bakla?"

"Y-you changed a lot," nakangangang puna nila. Tumingin ulit ako sa salamin. Nakalugay ang buhok, suot ang cheap na blue dress at pares ng doll shoes. Too different from the old Dana who dress up elegantly. No wonder,  na ganyan ang mga itsura nila.

"What an unbelievable transformation!" manghang-mangha na puna ni Alcoriza at pinasadahan ako ng tingin from head to toe.

"Bakla don't tell me, nag-change outfit and personality ka para lang sa nerd na yun?!" bulalas ni Archdave habang nakahawak sa dibdib niya na parang daratnan ng heart attack.

"Arch this...is a part of my plan. Say hello to the new me," mataray kong saad at naglakad palabas ng kwarto. Goodbye for now fancy Dana Maxwell. Time out for the elegant clothes and shoes.

  ***

"WHOA? Anyare sa kanya? Di’ba siya iyong fancy Dana?"

"Oo, eh. Baka epekto ng break up nila ni Sage?"

"She looks like a f*ckin' nerd!"

My eyebrows automatically fleek on both sides hearing them talking about my new style. Seriously? Bulungan ba iyan? Rinig na rinig ko, eh. Parang gustong-gusto kong dukutin ang mga mata nila at itali ito sa mahahaba nilang dila. And as a part of my plan, I have my self control. Smile lang.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Paulit-ulit akong napapasulyap sa bintana ng room ni Raze. Hinihintay ko na naman siya. Gross. Parang lumalabas na ako ‘yung lalaking ma- effort. Di bale, para rin ito sa akin. Kitang-kita ko kung paano siya mag-excell sa discussion nila. Sh*t. Bakit ang talino niya? No wonder he's a mere Geek.

Nag-ring ang bell at agad nagtayuan ang mga estudyante. Inihanda ko na ang sarili ko. Kabog sa dibdib sabay turo sa taas. Mala- Stephen Curry style. Paglabas pa lang niya ay humarang na ako sa daan. Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase niya. Pero wala akong pakialam. Maganda pa rin ako at pakapalan na lang ng mukha.

"Anong...D-Dana?" gulat na tanong niya at pinasadahan pa niya ako ng tingin. Creepy. Nakakailang siyang tumingin pero ngumisi lang ako.

"Wala lang. So, bagay na tayo?" bulalas ko dahilan para maayos ang salamin niya habang nanlalaki ang mata. Napatingin naman ako sa paligid nang makarinig ako ng tilian at kantyawan. Shit! Napasubo ata ako. Walang ano-ano'y bigla na lang niya akong hinatak palayo sa mga kaklase niya.

"Sinabi ko na, ayoko sa deal mo! Malabo ba yun?!" bulyaw niya sa akin kaya naitikom ko ang bibig ko.

"Raze maliit na favor lang naman!" sagot ko at nagcross arm pa. Ang hirap naman niya pakiusapan. Nasisira tuloy ang make-up ko dahil kanina pa ako pinagpapawisan.

"Tumigil ka na. Bakit ba ayaw mong tanggapin na ayaw na sayo ng ex mo?" Galit na siya. Halata sa tono ng boses niya.

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon