CHAPTER 10
SHE gasped in pain. Nasapo niya ang kaliwa niyang pisngi na namumula na.
"Kulang pa? Pantayin na natin para masaya," sambit ko at itinaas ang palad ko pero nahagip niya ito para pigilan. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang kamay niya na lumanding sa mukha ko. Napangisi ako at pinahid ang dugo sa labi ko.
"Dana please, enough na!" pigil sa’kin nina Archdave at Alcoriza pero iwinakli ko ang mga kamay nila. Ako naman ang sumampal sa kanya. Mas malakas. Mas malutong. My hand is destined to land on her fugly face right away.
"How dare you?!" bulyaw niya sa akin at susugod pa sana para sabunutan ako. Pero hinila siya pabalik nina Nieca at Janelle, ang mga alipores niya.
"Shut up Neva. Ayoko nang maguidance pa ulit!" rinig kong bulong ni Janelle
"This isn't yet the end, Dana," sarkastiko siyang ngumiti at naglakad papalayo. Itinapon niya sa harap ko ang isang stolen photo. Sa sobrang inis ko ay pinunit ko ito. Tinulungan ako nina 'Riz na alisin ang mga litrato sa bulletin. Pagkatapos ay naglakad na ako palayo.
***
"OUCH, dahan-dahan naman! Masakit, eh!" reklamo ko nang dampian ni Alcoriza ng bulak ang gilid ng labi ko. Putspa. Ang sakit ng mukha ko. In all fairness, ang lakas manampal ng gagang iyon, ah. Andito kami sa football field at kasalukuyang ginagamot ang sugat ko.
"Grabe talaga bes! Pang-telenovelaang scene kanina! Pwede nang pang-Two Wives!" tili ni Archdave na pumapalakpak pa.
"Akala ko maga-guidance na naman tayo." Napabuntong-hininga si 'Riz. I just give them an evil grin. Sorry, I just can't control myself. Let's be real. Anger is my fuel. Lalo na kapag alam ko napapasobra na sila. Maldita sila pero may mas imamaldita ako. Hindi ako nagpapatalo.
"Wow, nagsalita ang suki ng guidance office," sabat ni Arch kaya muli, nasapak na naman siya ni Riz.
"Wait, have you seen Raze around?" tanong ko para magtaka sila."Oh sh*t. Don't tell me, kayo na?" nanlalaki ang matang tanong ni Alcoriza. Ngumiwi na lang ako. Hindi pa siya pumapayag. At palagay ko naman, hindi talaga siya papayag sa alok ko. Baka it's a good choice na tigilan ko na ang nerd na iyon. Gash, sinisira lang niya ang aura at image ko. Maybe tomorrow, I'll talk to him.
***
HINDI ko alam kung anong nakain ko kagabi at halos magpuyat ako sa pagbabasa ng mga libro. At ngayon naman, maaga akong pumasok. Nagpapasikat sa nerd na iyon? Of course not! Wala pang katao tao sa hallway nang dumaan ako. Pagpasok ko pa lang ng room, agad kong binuklat ang libro ko.
Title: How To Get Back Your Ex-boyfriend.
Di'ba? Nagpuyat ako para lang basahin ‘to. In fairness, ang dami ko kaagad nakuhang tips. Palagay ko, I don't need Raze anymore.
"Uwaaaaahh!!"
"Transferee ba ‘yan?! Bakit ang gwapo?!"
"Shet, ang panty ko bes, pakipulot!"
Ugh, their nutty voices. They annoyed the hell out of me. Mayamaya pa ay mabibilis na yabag ang narinig ko sa labas ng room. Aba, may artista atang dumating. Di ko na napigilan ang sarili ko at ako na mismo ang tumayo saka sumilip sa pinto. Mula sa malayo ay naningkit ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki.Naka-checkered ng polo, skinny jeans and white rubber shoes. May suot siya piercings sa kaliwang tenga that made him cool. Napakurap kurap ako ng paulit-ulit. Mas lumakas pa ang tilian.
"H-hi. Hanap mo ba ako?" pakeme na bati ni Neva at tinulak tulak pa siya ng mga alipores niyang sina Nieca at Janelle.
"I'm sorry? I'm looking for Dana Maxwell of tourism 2A," giit niya at agad akong tiningnan.
"Owww!" Halata sa mga mukha nila ang gulat at pagkadismaya. Ngumiti siya sa akin at sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng pusok ko. Oh sh*t. What was that?
"Hey!" I snapped back to reality nang makita kong nasa harapan ko na si Raze at napakalapit ng mukha niya sa akin. Halos maduling ako kakatitig sa kanya. As in, sobrang tangos ng ilong nya. I can smell his minty breath nang huminga siya. Ang cool din ng scent ng perfume niya.
Inilibot ko ang paningin ko, hindi ko maiwasang mapanganga nang makita ko ang mga naiinggit nilang mukha. Na parang gusto na akong sugurin para mapasakanila ang ngayo'y tila isang prinsipeng nilalang sa harapan ko. Bago pa ako makapagreact ay hinila na niya ako palabas.
***"OKAY ba yun?" pangungumusta ni Raze sa acting niya kanina at inilagay muli ang nerdy glasses niya. Bakit ang gwapo niya kahit nakasuot siya ng salamin? Oh well, nasa lahi nila siguro. Maganda naman kasi ang ate niya. Etong lalaking ‘to, tamad lang siguro mag-ayos o kaya kulang sa paligo.
"Uhuh? Teka paano nagbago ang isip mo?---" Magtatanong pa sana ako nang bigla niya akong hilahin pasandal sa pader. Ang pwesto namin? Ako iyong nakasandal sa pader habang nakatakip ang palad niya sa bibig ko.
"Patay! Nakalimutan ko si Riza!" nakangiwi niyang sambit. WTF! Who's Riza? Girlfriend niya?
"Hmmm!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko.
"Ssshhh!" giit niya. Nanlaki ang mata ko nang dumaan ang isang nerd na babae at muntik nang pumunta sa direksyon namin. Sa sobrang taranta ko ay gumalaw ako dahilan para matumba ako pahiga. Napatili ako nang mapagtanto kong nakapatong siya sa akin.
Sobrang lapit na naman ng mukha niya. Shete. Nate-tempt ako. Umalis ka na. Please lang. Bulong ng malalandi kong brains cells.
"Raze?" Nanlaki ang mata ko nang may tumawag mula sa likod. Sinilip ko kung sino iyon. Isang babaeng may nerdy glass din. Dali-dali kong itinulak si Raze palayo at patayong pinagpagan ang damit ko. Si Raze naman ay pakapa-kapa pa kung saan tumilapon ang salamin niya.
"R-Riza," alinlangang ngumiti si Raze na ipinagtaka naman noong dalagang may salamin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. Hell, baka kung anong isipin niya sa nakita niya kanina!
"M-Miss Dana." Ngumiti na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. So awkward here.
***
SINUBO ko ang isang scoop ng ice cream bago tiningnan sina Riza at Raze. Pagkatapos kasi ng mga nangyari, dumiretso kaming tatlo rito sa Depot Ice cream Parlor na malapit lang sa university namin.
"Dana, si Riza nga pala, friend ko," tipid na pakilala niya. Nagngitian na lamang kami. Hindi ko kasi alam ang mga sasabihin ko matapos ang nangyari kanina. Nakakahiya talaga!
"So, uhmm...nakwento na sa akin ni Raze iyong about sa deal nyo," pasimula niya kaya tumango-tango ako. So, nagbago na nga talaga ang isip niya at pumapayag na siya sa deal namin. This is a good news. Mayamaya ay nag-ring naman ang phone ni Raze kaya na-interrupt ang usapan namin.
"Hello? Ate?"
"Razeeee umuwi ka na ditoooo! Emergency! Emergency! Uwaaaaaahhhh!"
Narinig ko ang napakatinis na boses ng ate Irish niya mula sa kabilang linya. Hindi na niya sinagot at agad itong pinatay.
"Kailangan ko nang umuwi." Tumayo na siya matapos magpaalam.
"Riza, sasabay ka na ba?" dagdag pa nito. Kaagad namang tumango si Riza kaya sabay silang lumabas ng parlor. Iniwan akong mag-isa. Nice.
***
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...