CHAPTER 1

135 5 0
                                    

CHAPTER 1

"DANA I'm breaking up with you..."

Parang tinusok tusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko dahil sa naririnig ko ngayon. Naibagsak ko pa ang dala kong box ng cookies para sa kanya. Tinitigan ko na lang ang mga piraso nito na nahulog na sa sahig at nasayang. Nasayang lang, parang iyong mga pinagsamahan namin sa loob ng mahabang panahon. Langya, nag-effort akong magprepare para lang sa annivesary namin tapos ganitolang niya tatapusin ‘to?!

Tumingala ako para huwag maiyak. I must compose myself pa rin. A real queen won't cry infront of a bastard like him. Ngumisi ako at tumitig sa kanya pero siya itong umiiwas ng tingin.

"Sinayang mo ako," sarkastiko kong sambit at tuluyang tumalikod. Magpapaliwanag pa sana siya pero agad na akong nagtatakbo palabas ng shop na kinaroroonan namin. Aanhin ko ang paliwanang niya ngayon gayong sa mga salita pa lang niyang makikipaghiwalay ay parang kinakatay na ang puso ko sa sakit? Paano pa kaya kung marinig ko ang paliwanag niyang may iba na siya?

Natutop ko na lamang ang bibig ko at tahimik na humikbi. Leche. Traydor talaga ang mga luha ko at iniiyakan pa ang taong ‘di naman ako pinahalagahan. Bago pa ako tuluyang makalayo ay hinubad ko muna ang suot kong singsing na mula pa sa kanya. Binato ko ito sa kung saan mang lupalop.

"TANGINA MO SAGE! ANG SAKIT SAKIT!" sigaw ko sa hangin at pinagbubunot ang mga halaman na nakikita ko dahil sa sobrang sama ng loob.

"SO, ayun ang nangyari?" bulalas ni Alcoriza at inabutan pa ako ng isa pang rolyo ng tissue.

"Marami pang nangyari! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nakipagbreak!" paghihimutok ko pa.

Isang linggo na ang nakakalipas mula ng maging single ulit ako. Hindi ko pa rin mapigilang maging emosyonal. Ang gagong si Sage, ni hindi man lang ako binigyan ng isang 'sorry' man lang. Ni hindi rin ako nakatanggap ng 'kumusta ka na?'. Kahit gabi-gabi akong binabangungot ng mga salitang I am breaking up with you, umaasa pa rin akong magbabago ang isip niya at babalik sa akin.

"Dana Maxwell, move on din pag may time ha? Ang dami-dami diyang lalaki. Maganda ka naman. Nagpapakatanga ka sa kanya? Aanhin mo pa ang sikat na image mo sa school?" aniya pa habang busy sa pagkalikot ng laptop niya. Bumuntong-hininga ako at saka tumingin sa salamin. Ang pangit-pangit ko na. Malaking eyebags, messy hair, pugto ang mata. Nangangayayat na rin ako. Bigla akong naging conscious sa sarili ko dahil sa sinabi niya. My God, nawawala na ang poise ko. Iba talaga ang epekto kapag galing sa isang matinding break-up.

"Riz, samahan mo ako sa mall. Kailangan kong mag-chill."  Bago pa siya makasagot ay hinatak ko na ang bruha palabas ng kwarto ko.

***

"HI, miss D!"

"Good day, Miss Dana!"

Kung dati ay sasalubungin ko sila ng ngiti, tiningnan ko lang ang mga fans ko nang naka-pokerface. Yeah, may fans club silang itinayo para sa akin. Let's claim it na lang, na sikat at nasa akin na ang lahat. Pero nakuha pa ring ipagpalit at lokohin, how dare him! Wala na akong pake sa greetings na kanina ko pa naririnig mula sa entrance ng mall.

Ang alam ko lang, ginago ako ng ex-boyfriend ko!

Back to the topic, naka-pokerface akong pumasok ng mall at dire-diretso sa isang salon.

"Grabe ka bes, ang taray mo naman sa mga fans mo! Kung ako iyon, isa-isa ko pa silang kakawayan para naman mas bumango ang image ko!" nakangiwing saad ni Alcoriza kaya napairap ako.

"Shut up your plasticity, Alcoriza. Gusto mo bang gilitan kita ng blade? At saka bakit ko pa sila bibigyan ng pilit at peke na ngiti, kung pwede ko naman silang simangutan ng bukal sa loob ko, diba?" pagbibiro ko at pumwesto sa isang vacant na upuan. Nagbasa-basa lang kami ng magazine habang nag-aantay ng turn namin.

"Ewan ko sayo. Baka dahil diyan sa ugali mo kaya ka iniiwan eh, hays! prangka niyang sambit kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano naman kung lumaki akong spoiled brat? Ang totoong magmamahal sakin, hindi ako iiwan nang basta-basta lang. at isa pa, kaya niyang ihandle ang ugali ko. I wonder why Sage dumped me, baka nga nagsawa siya sa attitude ko. Napakagat-labi ako nang maramdamang kumirot ang dibdib ko.

"By the way, Dana, first day of classes bukas. Wag kang male-late." Agad akong napalingon kay 'Riz na nanlalaki ang mata.

"Pakiulit nga?"

"May pasok bukas! Mygad! Ganyan ba ang epekto ng break-up niyo ng Sage na ‘yun?" Naitikom ko ang bibig ko at napaiwas ng tingin. May pasok bukas. What a great news, makikita ko na naman ang lalaking iyon. And I hope, hindi na ako maiyak sa harap niya dahil sobrang nakababa ng self-esteem ng isang magandang kagaya ko.

"BYE!" Pagkababa ko ng taxi ay kumaway ako kay 'Riz. I glance at my wristwatch only to find out na alas-otso na pala ng gabi.

Ugh. Masyado ata akong nawili sa loob ng mall at nakalimutan ko na ang lahat. Oops. Don't get me wrong, hindi ko pa rin nakakalimutan ang break up namin ni Sage. Ang nakalimutan ko ay ang plantsahin ang uniform ko at bumili ng mga school supplies para sa araw ng bukas. Buti na lamang at nakapaggala kami sa mall kanina at napadpad sa National Bookstore.
Agad akong naglakad papunta sa gate ng bahay ko nang may maaninag akong tao na nakasandal sa lamp post ‘di kalayuan sa akin. Again, bumibilis na naman ang heartbeat ko. Walang pagbabago, abnormal pa rin to tumibok sa kanya. Napalunok na lamang ako dahil sa kaba. Bakit pagdating sa kanya, ganito pa rin ako mag-isip at kumilos? Bakit hanggang ngayon ganito pa rin ang nararamdaman ko despite ng sakit na ipinaramdam niya noong gabing tinapos niya ang lahat?

"D-Dana..." Naiiyak akong nagpatuloy sa pagbukas ng gate kahit alam kong sinusundan ako ni Sage. Hindi ko siya dapat lingunin. Hindi niya dapat makitang ang rupok ko kapag nakikita siya.

"Please, umalis ka na lang," pagdidiin ko.

"Gusto ko lang mag-sorry kasi---"

"Enough." Napapikit ako at itinaas ang kanan kong kamay, hudyat na ayoko nang pakinggan pa ang susunod niyang sasabihin. Bago pa ako umiyak at maglupasay sa harap niya ay padabog ko nang isinara ang gate. Iniwan ko siya sa labas. Again, umiiyak na naman ako. Pakshet talaga, ano bang nangyayari sa’kin?

Kanina lang ay nagdedemand ako ng mga dahilan kung bakit niya ako iniwan, kanina lang naghihintay ako ng apology galing sa kanya pero bakit ngayong kaharap ko na siya, nawala bigla lahat iyon? Parang ang gusto ko na lang ay umiyak nang umiyak. Iiyak lahat ng hinanakit ko dahil sa ginawa niya sa akin.  Muli kong pinunasan ang luha sa gilid ng pisngi ko at dire-diretsong pumasok ng bahay.

***


CHIN up. Chest out. Walk straight. Smile.

Feeling ko nag-ka-cat walk ako habang naglalakad sa hallway ng department namin. I'm in the center. Lahat humahawi at tinatabi ang sarili nila para maggive way sa nag-iisang ako. This is how I handle my famous image in this university. By the way, I am BSTM student here.

"Iyan ba iyong ex ni Sage?"

"Sh*t. Ang kapal naman ng mukha niya ‘no?"

"I know, kaya nakipag-break si Sage dahil sa ugali niyan." Nawala ang ngisi sa labi ko nang marinig ang mga bulungan sa tabi ko. Lahat sila nagtitinginan sa akin and I hate their insulting look. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad at nang makarating ako sa tapat ng room ay...

"Miss Maxwell! You're late!"

Nagpokerface lang ako at tinaasan ng kilay ang professor ko. Dire-diretso akong naglakad at naupo malapit sa may bintana. Nagpatuloy ang matandang damuhong sa lecture niya at wala akong maintindihan. Kesyo suplay ng arina, bigas, blah blah blah. Seriously? Kailangan ko pa bang problemahin ang ekonomiya ng bansa? Ang dami ko nang problema, huwag na silang dumagdag. Tss.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at pilit na nagcoconcentrate sa klase niya. Kaso wala talaga akong interes mag-aral ngayon.

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon