CHAPTER 18
-IRISH-
TINALASAN ko ang pandinig ko at nilawakan ang paningin habang nasa taas ng puno na malapit lang sa bahay namin. Sukbit ang backpack ni Dora at ang mapa niya. Kyaaah! It's so cutie cute cute. Grrr. Natuklasan kong kapitbahay lang pala namin ang tukmol na gago! sisiguraduhin kong mapapaslang ko ito ng lubusan.
Hustisya para kay Toshino kooo. Krrr."Ren, mauna na kami!" paalam noong isang tropa niya.
Aha! Ren pala ang pangalan ng ungas. Agad ko itong sinulat sa pad paper kong dala sabay ayos ng salamin ko. Waaaaahh! Mala-Nancy Drew ang style. So funnehh. Pero sa pagkakaalam ko, wala namang backpack si Nancy, eh? Napakamot na lang ako sa ulo.
Ayos. Mag-isa na lang ang Ren na 'to. Magagawa ko na ang plano ko. Pero bago pa ako makababa ay nakarinig ako ng tunog ng nabaling sanga. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang mahuhulog na ako.Uwaaaaahhh! MALAPIT NA ANG KATAPUSAN KO!
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatili habang inaantay ang tuluyang pagkabali ng sanga at pat na rin siguro ng katawan ko.
TEKA!? Omo. Palagay ko, nasa heaven na ako. Huhuhu! Hindi ko kasi naramdaman ang impact ng pagbagsak ko!
"Miss, okey ka lang?" Naimulat ko ang mata ko at nagkatitigan kami.
"IKAW?!"
"Aaaaaahhh!"
***
-ARCHDAVE-
SUMILIP ako sa pinto ng room at pa-tip toe na lumapit sa locker ko. Mabuti na ang nag-iingat. Kailangan kong protektahan ang kagandahan ko. Baka mayamaya nandiyan lang bruhang si Nieca, myghad. Gusto ko pang mabuhay na virgin, mga bes. Pagbukas ko ng locker ko, may nahagip agad ang radar ko. Kung hindi ako nagkakamali, hikbi iyon ng isang babae.
Napahawak ako sa dibdib ko. Oh my. Minumulto na ba ang alindog ko? Huhuhu! Balita ko kasi may nagpaparamdam ditech!
Nanginginig ang kamay na sumilip ako sa hanay ng mga lockers at natutop ko ang bibig ko nang makita si Nieca bruhilda sa sulok. Teka, anong ginagawa nito? Oh sh*t. Gumagawa ba siya ng ritwal para gayumahin ako? Sareeh. Assuming feels here. Nakatulala ito at umiiyak habang hawak ang cellphone niya.
"N-Nieca?" tanong ko with matching taas pa ng bagong ahit kong eyebrow. Tiningnan lang niya ako with her teary eyes na dati ay gusting-gusto kong tusukin ng fishball stick. How poor Nieca. Ngumuso ako at binigyan siya ng worried look. And because I'm beautiful este a good friend, kakalimutan ko muna ang mental issue ng babaeng ito.
Tinabihan ko siya sa sulok na mas lalo naman niyang ikinaiyak. Okay? Dapat pala dumikit ako araw-araw sa bruhang ito, para everyday din siyang iiyak.
"Tell me what's the problem?" usisa ko habang siya naman tuloy parin ang pagsinghot.
"Na-bankcrupt ang company ni d-daddy. Hindi ko na alam kung saan kami pupulutin," pahikbing sagot niya kaya ngumiwi ako. hindi ako magaling mag-advice o mag-isip ng itutulong pero ready naman ako makinig.
This brat needs my comfort.PAGKATAPOS kong maging isang unan na basaan ng luha at uhog ng bruhang si Nieca, umuwi agad ako sa home-along-the beach naming bahay. Ngumiwi pa ako dahil basing-basa talaga ng kebarlulu ang nagmamaganda kong violet scarf.
It sucks 'ya know?Dumiretso ako sa opisina ng popsie ko dahil may hininging favor si Nieca sa akin.Yes naman, of course. Gugulatin ko si Popsie dahil may nakuha na akong kaalyado ng company namin. This is so good to be true. Sa ganoong paraan ko lang matutulungan si Nieca, in a way as friend of her. May kabaitan pa namang natitira sa katawan ko ‘noh.
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...