CHAPTER 20
AYAW pa ring tanggapin ng sistema ko ang sakit. Bumuntong hininga ako at sumandal sa gilid ng kotse na nakapark malapit sa coffee shop. Katabi ko si Raze, pareho pa rin kaming basa ng ulan at ginaw na ginaw.
"May mas lalala pa ba sa nararamdaman ko ngayon?" tanong ko sa kawalan. Hirap akong huminga at pilit suminghot-singhot. Hindi siya sumagot kaya napatingala ako.
"Sabihin mo nga, mahirap ba akong mahalin?" Tumawa ako ng pilit at pinahid ang luha ko. Nakita kong tumitig siya sa akin. Nagkatitigan na naman kami.
"Hindi..." Pakiramdam ko, nag-bunjee jump ako. Bumulusok pababa at bumulusok pataas. Bumilis ang tibok ng puso nang mapansin kong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napaiyak ako sa ‘di ko malamang dahilan. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Unti-unti akong kumawala. He wiped my tears and look me in the eyes."L-let's get over this," sambit ko at napalunok ng paulit-ulit.
***
-RIZA-Nabitawan ko ang dala kong payong at kusang nangilid ang luha ko. Alam kong hindi nagsisinungaling ang mata ko. They're kissing. I saw Raze and Dana kissing under the f*ck up rain. Napaatras ako at mayamaya'y agad akong napatakbo palayo sa kanila. Bakit ngayon pang desidido na akong aminin lahat sa kanya? Bakit ngayon pa?
Lumakas ang kabog ng puso ko hanggang sa ang malakas nitong pagtibok ay nauwi sa kirot. Mas lumakas ang paghibki ko. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin habang umiiyak at nagtatatakbo.
Ang tanging alam ko lang ay makatakas sa senaryong nakikita ko. Gusto kong takasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil alam ko, sa simula pa lang, walang-wala at talo ako. Alam kong si Dana ang mas gusto niya kaysa sa akin. Napapikit na lamang ako at hinayaang tumulo ang mga luha.
***
-DANA-
"BRUHA! Nag-alala ako sayo grabe ka! Alam mo bang gusto na kitang kutusan ngayon din?! Saan ka bang lupalop galing at basang-basa ka? At---oww. You're with Raze all the time?" nanlalaki ang matang bungad sa akin ni Alcoriza pagdating pa lang sa tapat ng bahay ko.
"Y-yeah," tipid kong sagot at umiwas ng tingin. I'm sure, she'll gonna make a presscon and a shitty interview sa akin mayamaya lang. Expected na ang bagay na iyon. I should ready myself for this.
"Sabi ko sa’yo, eh! OA ka lang talaga!" pang-asar na sambit noong lalaking may gray na buhok. Inirapan ito ni Alcoriza. Teka, sino naman ito?
"Aba! Malay ko ba! Sorry lang ha?!"
"B-boyfriend mo?" nakangiwi kong tanong kay 'Riz.
"Hindi!" halos sabay nilang bulyaw sa akin kaya nagpeace-sign ako. Lumayo ako sa kanila dahil grabe silang mag-asaran. As if there will be having a World War 3 between the two of them. I admit, they're both cute.
"Raze?" tanong ko nang ‘di ko siya makita sa likuran ko. Bumuntong hininga ako at napahawak na lang sa labi ko.
***
3 DAYS LATER...
Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa harap ko si Sage na magdodoorbell pa sana. Gulat akong napatingin sa kanya.
"U-uhm...Hey?" alinlangan niyang sambit kaya ngumiti ako ng tipid.
"Yow! What brought you here?" tanong ko at umupo sa may sidewalk katabi niya. Tahimik ang gabi ngayon. Hindi tulad noong isang araw na sobrang lakas ng ulan.
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...