CHAPTER 9

44 4 0
                                    

CHAPTER  9

"OY  'Riz anong sagot sa number 8?" Sinilip-silip ko ang papel niya pero ayaw niyang ipakita.

"This is a homework and you should mind your own business," litanya niya at inilagay ang headphone sa ulo. Napairap na lamang ako. minsan na nga lang ako mangopya dahil minsan na lang kami magkapareho ng worksheet sa minor subjects, ang damot pa.

"Riz pwede ba tigilan mo yang ghetto- gangsta-slang mo?" puna ko sa accent niya kaya nagpeace sign siya.

"Grabe ka bruha! Iyang mga gangster na galawan at accent mo dati ay nagbabalik na naman, ang sakit sa bangs!" reklamo ni Archdave with matching face expressions pa kaya sinapak naman siya ni Alcoriza.

"Gaga, ako ba nagreklamo sa mga language ng baklang gaya mo?" pambabara naman nito kay Archdave. Napailing na lamang ako.

"Huhuhu! I can't find the value of X. Wala naman akong ex eh!" himutok niya habang nagso-solve. Napatingin si 'Riz sa kanya.

"Well, let's ask Dana to find the value of her EX!" bulalas niya.

"Yay! Korek ka d’yan girl!" At agad nag-apir ang dalawa. Sinamaan ko na lang sila ng tingin.

"So anong pinaplano mo Dana kung ayaw pumayag ni Raze the Nerd?" usisa sa akin ni Alcoriza. Bumuntong hininga ako atsaka ngumisi.

"I'm not that weak para sumuko."

"You mean, hindi mo titigilan ang nerd na iyon hangga't di pumapayag?" nanlalaki ang matang tanong ni Archdave sa akin.

"Exactly, nakangisi kong tugon. Wala pa sa vocabulary ko ngayon ang sukuan siya. Goodluck na lang sa’kin.

"Ugh. You're absurd and unbelievable!" sambit ni Alcoriza.

"I know. By the way, tingin niyo bagay sa’kin ang nerdy glasses?" tanong ko dahilan para magkatinginan sila at mapangiwi.




-RAZE-

PAGPASOK ko ng bahay ay naabutan ko si Ate Irish na hawak ang isang papel. Isang papel? Potek! Nabasa niya iyong contract! Sa sobrang taranta ko ay hinablot ko ito sa kanya.

"Kanino iyan kapatid?" Malapad ang ngisi niya at tinuro-turo ang hawak kong papel.

"Wala! K-kay Dana ito. Naiwan ata niya kahapon," sagot ko saka isinilid sa bulsa. Akala ko ba naibalik ko na ito noong isang araw pa? Marami atang copies ang babaeng iyon at nag-iwan pa rito. Hay, talaga naman!

"Weh? Are you kidding me? C'mon Raze, I know, I'm cute and childish but hell, alam kong para sayo iyan!" Nakataas ang kilay niya at nakapamewang pa. Sh*t. Patay. Napalunok ako ng paulit ulit. Tumalikod na ako para umakyat sa kwarto nang bigla na naman siyang magsalita.

"Humihingi siya ng favor sa’yo, right? Why don't you just give it? Iyan ba ang dahilan kung bakit andito siya kahapon?" Nilingon ko siya saka umiling-iling.

"Pwede ba ate, huwag ka nang makialam? Kapag ginawa ko iyon parang tinotolerate ko lang ang pagiging martyr niya sa lalaking iyon. Please lang."  Tumalikod na ulit ako nang mapansin kong ‘di na siya umimik.

I'm sorry, Dana. I just can't. That's my final and irrevocable answer.

"Raze maliit na favor lang naman."

Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang boses niya. Aish! Napatingin ako sa mga shopping bags sa sulok ng kuwarto ko. Bumuntong-hininga ako at napapikit.

***

-DANA-

SUOT ang isang simple at cheap na skirt plus rubber shoes at shoulder bag, taas noo akong naglakad sa hallway bitbit ang mga libro ko. Feeling ko mayroon akong invisible red carpet sa hallway habang rumarampa.

Inayos ko ang pagbitbit sa mga libro.  Hindi naman sa nag-e-effort akong mag-aral. Parte ito ng pagiging nerd-in-disguise ko. At saka ayoko lang talagang iwan ang libro ko sa bahay. Mas bet ko ito kapag bitbit ko. Lakas kasi maka-mere geek. And oh, bago ko makalimutan, kasabay ko ngayon si Alcoriza.

Natigil ang paglalakad ko kaya pinigil ko rin si 'Riz sa paglalakad nang makita kong makakasalubong namin si Sage. Kumakabog na naman ang dibdib ko. I held my breathe. He never stop making me feel this way. Mahal na mahal ko pa rin talaga siya.

"H-hi , Sage," bati ko at hinihintay ang reaksyon niya pero wala. Walang emosyon niya akong nilagpasan. Sinundan ko na lang siya ng tingin.

"It seems that he didn't like your presence anymore," nakangiwing sambit ni Alcoriza. So ganoon na lang? Ganoon lang ba kadaling kalimutan iyong mga memories namin? Kung tingnan niya ako parang wala kaming pinagsamahan ng dalawang taon! Sabihin niya nga sa'kin, pinagtiyagaan lang ba niya ako? Pinagtiyagaan hangga't walang nahahanap na iba?
My heart hurts like hell.

Napakislot kami nang marinig naming nagsisigaw si Archdave mula sa likod. Patakbo niya kaming in-approach.

"Hoy mga bruha! You should see this!" nakangiwi niyang sambit at hinila niya kami pabalik.

"Don't tell me hinahabol ka na naman ni---" Napatda ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang commotion ng mga estudyante sa may bulletin board.

Hinatak ulit ako ni Archdave hanggang sa hinawi niya ang mga nagkukumpulan. And to my surprise, tumambad sa harapan ko ang bulletin board na tadtad ng mga stolen photos.

The day back when I kissed Raze.

Napanganga na lang ako sa sobrang gulat. Nakita kong tumalikod na si Sage at umalis sa kumpulan ng mga estudyante. Naglakad lang siya papalayo na parang walang pakialam sa nalaman.

"S-Sage, sandali. I can e-explain." Tumigil siya at tinuro-turo ko naman ang polaroids. Alam kong maraming tao ang nanonood sa kagagahan ko, pero wala akong paki. Baka sakaling balikan niya ako. Baka bumalik sa dati ang lahat. Baka sakali. Lumingon siya saka tinitigan ako sa mata. Naiiyak na naman ako.

"I was there when you kissed him. And I am here too, when I see these." Sabay turo niya sa mga photos na nakadikit sa board. Napatungo ako.

"Pinamukha mo lang sa akin na tama ang desisyon kong hiwalayan ka." Ngumiti siya ng mapait at may pagkadismaya. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sa sulok ng mata ko, kitang kita ko ang mga nakakainsultong tingin ng lahat.

"Sage!" Narinig kong bati ni JhunaMae sabay tingin sa akin.

"Let's go," sambit ni Sage at agad naglakad palayo.

"Dana let's go. Mag-i-start na ang klase ko, 10 minutes before time," sambit ni 'Riz atsaka tiningnan ang wristwatch niya. Hindi ako natinag.

"Kayo ba ang nagpakalat nitong mga polaroids?" I glance at them dahilan para magkatinginan sila.

"Huy bakla, kung ako ‘yun, eh di sana ini- announce ko pa yan through megaphone at tatayo pa ako sa rooftop sabay pole dancing!" litanya ni Archdave habang nakataas ang kilay.

"Nope. I'm just in shock na hinalikan mo ang nerd na ‘yun. Like what the hell Dana, we know your tastes." Ngumiwi si Alcoriza. Sa isang iglap ay nakarinig kami ng mababagal na palakpak kaya napatingin kami sa likod. Sabay-sabay para may thrill. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang tatlong salot sa buhay ko.

"Kumusta na Dana?" nang-iinsultong tanong ni Neva at pinasadahan ang itsura ko. Humagalpak siya ng tawa nang dumako ang tingin niya sa bulletin board. Shocks. Hindi na ba sila nadala? Baka gusto niyang madoblehan ang mga galos at pasa niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinugod siya ng malutong at mainit init na sampal.

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon