CHAPTER 17

39 3 0
                                    

CHAPTER 17

NAKA-PAMBAHAY lang akong pumasok sa store. Nagsimula na akong kumuha ng mga canned softdrinks, chips at snacks at inilagay ito sa pushcart na nasa tabi ko. Matapos kong magbayad sa counter ay naglakad na ako papalabas. ‘Di pa ako nakakalayo nang may tumawag ng pangalan ko mula sa likod.

"M-Miss Dana." Dali-dali akong lumingon at.nakita ko si Riza na nakatayo di kalayuan sa akin.

"Riza!" bati ko at ngumisi. Hindi kami close but since friend niya si Raze, dapat lang na kaibiganin ko rin siya.

"Puwede ba kitang makausap?" tanong niya sabay ayos ng eyeglasses niya.

***

"M-MAY gusto sana akong sabihin sayo..." alinlangan siyang nagsalita at hindi makatingin sa akin.

"Spill it out," tipid kong sabi at inilapag sa mesa ang isang tasa ng kape. Dahil masyadong maingay sa convenience store, dito sa malapit na coffee shop namin napiling mag-usap. Mas comfortable, at tahimik. Nakakapagtaka dahil gusto niya akong makausap ng sarilinan. Well, kung ang topic ay ang kagandahan ko, why not? One on one talaga ‘yon.

Mga ilang minuto pa siyang tahimik at ‘di mapakali. Parang nag-aalinlangan siyang sabihin kung ano man ang bagay na ‘yon. Damn. Nasasayang ang oras ko. I glared at her and glance at my watch.

"You're wasting my golden time.You only have 5 minutes more to---"

"Layuan mo si Raze." Napanganga ako sa pagkabigla. I dont know where on this Earth she gets the urge to tell me what to do.  I  laugh sarcastically.

"Say what?" I brushed my hair with my left hand and smirk. "C'mon Riza, anong ibig---"

"Gusto ko s’ya, Miss Dana kaya pakiusap, layuan mo na siya. Ayoko lang siyang masaktan ng dahil sayo!" I'm doomed. Nakanganga na lang ako at ‘di ko alam kung anong sasabihin. Napapikit siya at parang naiiyak.

"S-sorry...I'm fuckin' selfish." Suminghot siya at nakita kong namumula na ang mata niya. "Pero mula nang dumating ka sa buhay niya, nabalewala na ako. Mula nang nakilala ka niya wala na akong ibang narinig sa kanya tuwing magkasama kami kundi pangalan mo. Sobrang nasasaktan ako dahil doon kaya please, layuan mo na lang s’ya."

"So, you like him? Go and tell Raze. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo," pokerface kong sambit. Wala eh. Wala talagang pinipiling oras ang sarcasm powers ko.

"Itigil niyo na iyong deal. Alam kong may masasaktan sa inyong dalawa pagkatapos. At palagay ko, si Raze ‘yon. I care for him so please..." Tuluyang tumulo ang luha niya. Hindi pa rin ako makagalaw.

Layuan.

Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko pagkatapos? Doon rin naman papunta ‘yon, eh.

"Kung may care ka sa feelings niya, huwag mo na siyang idamay pa. Sana malaman mo ‘yong totoo, na dapat hindi ka gumamit ng iba para sa pansarili mong kaligayahan." Tumayo na siya at pinahid ang luha sa pisngi. Ghad. She's weak and unbelievable.

"Thank you sa time mo. Mauna na ako." Nagmamadali siyang lumabas ng shop. Naiwan akong hindi makapaniwala sa narinig.

***

"LAYUAN mo si Raze. Gusto ko s’ya. Ayoko lang siyang masaktan ng dahil sa’yo!"

Pinukpok ko ng paulit-ulit ang ulo ko pero nag-e-echo pa sa utak ko ang mga sinabi ni Riza. Gusto niya si Raze at layuan ko daw.

Haha! Paki ko ba? E’di sila na. Feeling ko lang ayaw tanggapin ng sistema ko. Feeling ko lang. Aish! Bwisit. Sino bang nagpauso ng feelings? Ayoko nito. Nakakabawas sa pagiging awesome ko. Nagpagulong-gulong ako sa malambot kong kama.

Alas-otso na ng umaga pero heto ako, natatamad pumasok. Pinatay ko rin ang phone ko. Umiiwas sa call and text ni Raze? Siguro. It's a great step para layuan ko siya. Mayamaya ay naramdaman ko ang mga yabag na palapit sa kwarto ko. Tinalukbong ko ang kumot ko at pilit na pumikit. Sh*t. They're here.  Bumukas ang pinto at nagvibrate ang tenga ko nang sumigaw si Archdave.

"Bakla! Bumangon ka na d’yan! Late na ang kagandahan natin! Baka rumampa tayo niyan sa Guidance office! Sige ka!" Hinatak-hatak ni Alcoriza ang kumot ko. I glared at her.

" Shut your yups and let me continue my sleep." Pumikit ako pero si Archdave naman, hinampas ako ng unan.

"Grrr..." Pinanlisikan ko siya ng mata kaya namutla ang bakla.

"Anyare sa’yo, Sis? Are you sick?" nag-aalalang tanong ni 'Riz.

"N-no. Hindi ko lang feel pumasok. Pakisabi kay Raze, huwag na niya akong hintayin ngayon," boring kong sagot.

"Okay bakla. Pagaling ka sa love-nat mo. Babush!" Ngumisi siya kaya pahabol ko siyang binato ng unan bago pa niya isarado ang pinto. Ugh. Sana, sana talaga magkatagpo ang landas nila ng Nieca sweetifie niya. 

Pagkaalis nila ay binuksan ko agad ang phone ko. Ang daming missed calls galing kay Raze. Wala man lang galing kay Sage. Nasapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan rin naman ako, noh. I want Sage to come back at thankful ako kasi tinutulungan ako ni Raze. Ayoko lang talagang makasakit. Sh*t. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ‘to.

Naguguluhan nga kasi ako sa nararamdaman ko. Amfutspa naman. Who invented feelings?! I shall kill you to death! Eh bakit kasi tuwing kasama ko si Raze, bumibilis din ang tibok ng puso ko? Anong ibig sabihin noon?
Okay, mas matimbang lang si Sage ng ilang grams sa puso ko. Ugh. What the heck am I saying? Di ko ma-gets ang takbo ng isip ko, eh. Love ba ito or assuming lang akong sadya? Love ba ‘yun o attracted lang ako?  How do I know? Damn it Dana Maxwell, this is not you!

"I'm so...so dead." Napabuga ako ng hangin at pabagsak na humiga ulit sa kama. 

***

TINGIN sa kaliwa. Lingon sa kanan. Gosh. I look like a guilty criminal roaming around. Napabuga ako ng hangin sabay sign of cross na sana hindi ko makasalubong ang gagong si Raze sa hallway.  Hindi pa ako nakakapasok ng room ay may humatak sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Raze. Sobrang seryoso ng tingin niya. Naiilang ako kaya iniwas ko ang tingin ko at tumitig sa sahig.

"Iniiwasan mo ba ako?" Napanganga ako sa naging tanong niya. He tilted my chin using her right hand at pinilit na magkatitigan kami. Ako naman, pilit pinofocus ang tingin ko sa ibang bagay, not on his eyes. Alam kong madidistract na naman ako.

"N-no. Busy lang ang schedule ko nitong mga nakaraang araw," pagsisinungaling ko. Oh hell, here comes this weird feeling. Agad akong lumayo sa kanya at alinlangang ngumisi.

"Sige. Bye, may klase pa kami eh." Agad akong nagtatakbo palayo sa kanya. Phew! What a stupid move Dana!

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon