-RIZA-
NAPANGITI ako nang makita silang dalawa na masayang sumasayaw at magkayakap. Kitang-kita ko sa mga mata nilang dalawa kung gaano sila kasabik makita ang isat isa. Kita ko mula rito sa sulok, ang nangingislap na mga mata ni Raze habang nakatitig lamang kay Dana. Ang mga ngiti niyang kahit kailan ay hindi ko nakita noong kami lagi ang magkasama. Masayang-masaya siya. Dapat maging masaya na rin ako, para sa kanilang dalawa, para sa kanya. Masakit, oo. Pero kailangan ko ring magpaubaya. Sapat na ang tatlong taon ng pagiging panakip-butas ko, ng pamimilit kong makisiksik sa puso niyang may iba na naman talagang laman at sa wakas ay dumating na rin ang babaeng totoo niyang mahal. Ngunit hindi ako iyon.
"I know you can do this, Riza. Kahit hindi na para sa akin. Kahit para kay Raze na lang. ayaw mo naman sigurong nasasaktan siya diba? I believe that you are more deserving to be with him. Sige na, puntahan mo na."
"Salamat, Miss Dana. Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Pangako, iingatan ko siya para sayo. At makakarating tong pinapabigay mo."
Naalala ko pa ang araw kung paano ako kinumbinsi ni Dana na aminin ang nararamdaman ko para kay Raze. Pagkatapos ng pag-uusap naming noon sa coffee shop ay dumiretso ako sa bahay nila. Naabutan ko siyang nakatunganga at walang kaemo-emosyon. And yeah, nangyari na ang nangyari. I confessed. But I got rejected. Hindi ako sumuko, kahit parang tanga akong naghahabol sa kanya araw-araw noong mga panahong umalis na si Dana at tuluyang lumayo.
Ako yung naroon para sa kanya, hindi nawala sa tabi niya. Pinili kong mag-stay kahit minsan nararamdaman kong pinagtatabuyan niya ako. I did everything para ako naman ang mahalin niya, para mapalitan si Dana sa puso niya. Pero narealize kong kahit anong sakripisyo ang gawin ko, wala siyang balak magmahal ng iba. He's always been into her for years. Sobrang talo ako.
Pero hindi ako nagsisising sinunod ko ang pabor ni Dana noon. Hindi ko pinagsisisihang inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Sa loob ng ilang taon, wala akong ibang ginawa kundi ang iparamdam na kamahal-mahal siya. Inayos ko siya, binuo ko ulit. Para sa pagbabalik ng totoong mahal niya ay handa na siyang ibigay ang lahat, walang labis at walang kulang.
Narinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan ng lahat matapos lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks. I saw them kissed each other, passionately. I smiled. Tumingala ako sa langit. Naghahanap ng makulay na fireworks na magpapalimot sa akin ng sakit. Wala na akong pakialam sa magulo at maingay na paligid. Tanging tibok lang puso ko ang naririnig ko.
Huminga ako ng malalim, inihakbang ang mga paa paatras, palayo sa masiglang paligid. Oras na para harapin ang katotohanan. Palalayain ko na ang taong kailanman ay hindi naging sa akin. At palalayain ko na rin ang sarili ko sa kwentong hindi naman talaga ako ang bida.
***
BINABASA MO ANG
My Nerd in Shining Glasses
Teen FictionDana Maxwell is a typical legendary brat who cannot move on to her ex because she loves the guy so much. She experienced many heartaches and anxieties because of what happened. In order to get back her past boyfriend, she planned to use the innoncen...