CHAPTER 12

42 3 0
                                    

CHAPTER 12

HINDI magkamayaw ang mga taong nanonood sa field. Sobrang dami na to the point punong-puno na ang mga bleachers. Buong estudyante ata ng university ay present rito.

"Dito! Bilis!" Turo ni Alcoriza at hinila kami ni Archdave sa bakanteng bench. Umakyat ako at tumayo.

"Yay! Spotted ko na agad si Papa Sage! Oh my! Ang hot niya! Waah!" tili ni Archdave. Pasalamat siya at wala ngayon ang sweetiefie n’ya, the one and only Nieca.

Iginala ko ang paningin ko at hinanap agad si Raze. At ayun nga ang nerd. Wala siyang suot na salamin ngayon at palagay ko mas naging cool sya, I mean, what the heck am I saying?

"Shet! Ang gwapo talaga ni Raze!" rinig kong tili ng isang babaeng nasa tabi ko.
Hala bakit kasi ngayon niya lang pinakita ang kagwapuhan niya? Shocks!

"Hoy! Mga gaga! Taken na ‘yun! Umuwi na kayo chupii!" Napalingon ako kay Archdave na inaaway na pala iyong dalawang babae. Mukhang mapapaiyak na eh. Napailing-iling na lang ako. Okey, fine. Sa inyo na si Raze. Kapag natapos na ang deal na 'to. Kapag bumalik na sa akin si Sage.

"Uwaaaaahh! Hooooo! Go Raze! Go! Go go!" Halos mapaos na ako kaka-cheer dito. Kulang na lang bumuo ako ng cheering squad na ako lang ang member. Napakagat-labi ako nang maka-score ang other team.

"Go Raze!" cheer ko pa pero kay Sage ako nakatingin. Ano ba 'tong ginagawa ko? Argh.

"Go Sage!" Napalingon ako sa mga nakatayo sa bench ‘di kalayuan sa amin. Si JhunaMae. Sigaw ng sigaw at pilit iwinawagayway ang towel na hawak niya. Napaka-supportive niya. Nakita kong lumingon si Sage sa kanya at ngumiti. Ang sakit, bhe. Doble-doble. Dapat ako iyon, eh. Dapat ako iyong nginitian niya.

Napalunok na lang ako at pilit na ngumiti. Ipinokus ko na lang ang tingin ko kay Raze. Wow lang. Ang galing pala nya sa football lalo na ang mga fierce look niya sa opponent team.

"SAGE!!!"

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang sigawan sa field. Nagkakagulo na ang lahat.

"Dana! Tara na!"

"W-wait! si S-Sage!" Iwinakli ko ang kamay ni Alcoriza at hinablot ang tubig at towel.

Patakbo akong lumapit sa mga nagkakagulong estudyante at teachers sa field. Nanlaki ang mata ko at tinamaan ako ng matinding kaba nang makita ko si Sage na namimilipit sa sakit.

"Oh my God, Sage!"

"You okay?"

"No," nakangiwing sagot niya habang hawak-hawak ang binti niya.

"He broke his ankle!" todo tilian ang iba.

"S-Sage---" Lalapitan ko na sana nang biglang may bumangga sa akin na babae at dinaluhan  si Sage. Si JhunaMae pala. Napahigpit ang kapit ko sa bottled water. Kitang-kita ko kung paano niya punasan ng pawis ang ex ko. Kita ko mismo sa mata ni JhunaMae ang pag-aalala. Kaya ba siya ang pinili ni Sage?

Suminghap -singhap ako at tumalikod. Hinanap ng mata ko si Raze.

"Excuse me. Nakita mo ba si Raze?"

"Papunta sa locker room."


***


TAHIMIK lang ako habang nakasunod sa pawisang si Raze. Napakamot na lang ako sa kilay ko. Wala ba siyang balak na kausapin man lang ako? Mayamaya ay tumigil siya sa tapat ng locker at kinuha mula roon ang towel nya.

Isinara niya ang locker niya at napatitig sa akin. Pawisan pa rin siya at hinihingal.

"May fracture ang ex mo. Ba't wala ka dun?" Ngumiti lang ako nang mapakla.
"Hindi naman niya ako kailangan doon, eh. At isa pa, ikaw ang boyfriend ko ngayon." Ngumisi ako sa kanya pero tiningnan lang niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Mayamaya pa ay umubo siya at suminghot-singhot. Teka, may sakit ba ang gagong ‘to?

"Are you freakin' sick?" Ngumiwi ako at sinubukan siyang hipuin pero lumayo siya.

"Okay lang ako," giit ni Raze. Patuloy pa rin siya sa pag-ubo. Mataas rin ang pride ng isang to ah. Namumutla na rin siya at nanginginig.

"You're sick," sambit ko ulit.

"Kaya ko naman. Umuwi ka na. Hindi kita maihahatid ngayon." Binigyan niya ako ng worried look kaya napa-cross arm ako.

"Then ako ang maghahatid sa’yo, mataray kong sambit.

"Dana---" Sasagot pa sana siya pero inunahan ko na.

"I'm your girlfriend anyway." Hindi na siya nakapalag nang hilahin ko siya palabas ng locker room.

***

"WAAAAAHHH! Anyare sa’yo kapatid!? Sorna, ‘di ko napanood ang game mo! May nangyari ba!?" bungad ni Ate Irish habang bitbit ang cute na cute niyang aso. Nagpatuloy naman si Raze sa pag-akyat papunta sa kwarto niya.

"H-he's on fever," sambit ko na lamang. Magpapaalam na sana ako para umalis pero bigla siyang nagsalita.

"Awts, so sad. May pupuntahan kasi kami ng Toshino ko. Pwede bang ikaw na muna ang mag-alaga sa kapatid ko?" nagpapaawa niyang wika at sinabayan pa ng cute na pout niya. Nanlaki ang mata ko at napanganga na lamang.

"A-Ano kasi..." Napakamot ako sa batok ko. Ugh.

"Puhleeease?" Sh*t. Her charming eyes and pouts, I can't resist.

"Fine," nasabi ko na lamang kaya napapalakpak siya. At niyakap-yakap pa ako.

"Yey! Thank you,  Danny! Kumuha ka na lang ng gamot doon sa cabinet ha? Thankies! Me and my Toshino will go naa!" mala-Dora style siyang nagtatalon palabas ng bahay at naiwan akong nakatulala. She's a damn childish.

Kinuha ko muna ang phone ko at dinial ang number ni Alcoriza.

***

-ALCORIZA-

"OH? Bruha, nasaan ka na? Kanina ka pa namin inaantay para sa group study natin. Maganda ka lang pero wala kang karapatang magpa-VIP," nakangiwi kong sambit. Baka kasi pumunta pa 'to sa hospital kung saan naroon si Sage. Baka magbakbakan lang sila ng original girl noon. Amputspa naman. Dapat kasi tigilan na niya ang mokong na iyon, eh.

"Sorry I can't make it." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba!

"Why? Don't tell me pupuntahan mo si---"

"May lagnat si Raze."

Naitikom ko na lang ang bibig ko at mayamaya ay napangisi. Okay. Sabi ko nga, isa siyang tapat at concern na girlfriend sa fake boyfie niya.

"Okey, fine. Goodluck na lang nurse, Dana." Pinatay ko agad ang phone ko pagkatapos.

"Ano daw?" tanong ni Archdave na kanina pa nakikinig sa usapan namin.

"May sakit ang boyfriend niya so shut na lang tayo," mataray kong sambit.

"Hayy, ang sweet naman ng baklang iyon. Sana may mag-aalaga rin sa akin kapag nagkasakit aketch!" pagdadrama niya. Ngumiwi ako and then I give him a mysterious smirk.

"Then gawin mong girlfriend si Nieca. I'm sure, you'll be the best couple."
Humagalpak ako ng tawa. Siya naman, parang ‘di makapaniwala sa narinig. Yah, I now I'm awesome. I'm giving away some shits of suggestion. Pero malay mo, magwork rin naman di’ba?

"What the fudge, Pixie Dust! Gusto mo ipatapon kita sa Bermuda Triangle? Kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo." Pinanlakihan niya ako ng mata pero ‘di pa rin ako natinag sa kakatawa.

"Go on, now. I can survive later. Basta pakatatag na lang kayo ni Nieca sweetifie mo," pang-aasar ko pa kaya mas lalo lang siyang ngumiwi.


***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon