CHAPTER 11

47 3 0
                                    

CHAPTER  11

-RAZE-

HALOS madapa ako sa pag-akyat ng hagdan at pagbukas ng pinto.
"Raze ano daw nangyari sa ate mo?!" tanong ni Riza na nakasunod lang sa akin.

"Dunno," tipid kong sagot nang buksan ang pinto ng bahay namin. Maayos naman ang lahat. At tahimik din.
"Ate?" naguguluhan kong tanong. Napansin kong may kung ano sa kusina kaya doon kami dumiretso. Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw si Ate Irish.

"Weeeelcomeee!"  tili nito at nagtatalon. Pumalakpak pa na animo'y may nakakatawa. Nakasuot siya ng pink na blouse at pink na short. Pink lahat. Ugh. Ang saket sa mata. Naka-piggy tail din ito at may suot na head band na bunny style.

"Ate anong ibig sabihin nito?" tanong ko nang makita kong may mga lobo na nagkalat sa kusina. Mayamaya pa ay nagpasabog pa ito ng sunod-sunod na confetti.

"Birthday ni Toshino, ee. Kaya pinauwi kita nang maaga! And oh, thanks at sinama mo si Riza!" pumapalakpak na sagot nito kaya lalo lang akong napangiwi nang mapagtantong ang tukmol na aso niya lang pala ang may birthday.

Ampotek, pinauwi niya ako para lang sa aso n’ya?! Hindi ko tuloy man lang naihatid si Dana pauwi.  Teka? Si Dana? Ihahatid ko? What? Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace-sign naman siya.

"And double celebration na rin! Sa wakas kasi binata ka na at nagmukhang tao! Waaaaaahh! Congrats kapatid!" Pinanlakihan ko s’ya ng mata kaya humagalpak naman ng tawa si Riza.

***

-DANA-

"PFFFTT!" Naibuga ni Alcoriza ang iniinom na Slurpee nang sabihin ko ang mga nangyari kanina tungkol sa transformation ni Raze. Wow. Just wow.

"Seriously? Eh, ano crush mo na?" natatawa niyang tanong kaya bumilis na naman ang heartbeat ko.

"Nope. It's a deal. Walang mafo -fall. Pawang pagpapanggap lang lahat," giit ko at nginitian siya. Nakatambay kami rito sa 7/11 na 24/7 namang bukas. So kahit gabi na, gora lang. Nilaklak ko ang natitirang laman ng Slurpee ko at tumingin sa labas ng convenience store.

"Nasaan na ba ang baklang Archdave na iyon? Sabi nya susunod siya?" Palinga-linga pa ako para matingnan kung sumunod ba ang bakla.

"Hayaan mo na at may raket iyon ngayon. Alam mo naman ang bakla, kumikita na ng pera," litanya ni Alcoriza.

"Eh, bakit ba rumaraket pa sya? Sa pagkakaalam ko mayaman naman sila at ipapamana pa nga ni tito ang company sa kanya. Bakit kailangan pa niyang um-extra?" I asked her out of the blue because Im just wondering.

"Dana, you know that Archie is not into business or company or whatever you call that. Alam natin pareho ang hilig ng baklang yon," sagot naman ni Riz kaya kaya napatango na lang ako. sabagay, may point naman siya. Pero wala namang magagawa si Archdave kapag nasunod ni tito ang gusto niya para sa kanyang unico hijo o hija?

"By the way, alam mo na ba?" naguluhan ako sa tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay na alam naman niya ang ibig sabihin.

"Sabi ko nga, hindi mo alam. Sa Saturday may laro sina Sage, manonood ka?" tanong ni 'Riz dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"T-talaga?"

"Yah. And you wouldn't believe me. Kasali si Raze doon." Sa sinabi niya ay napaubo ako ng paulit-ulit.

***

-ARCHDAVE-

"HELLO! Goodevening, Ma'am!" bati ko sa costumer ng salon with matching pabebe wave para bongga.

"What's good in the evening?" taas-kilay na tanong noong babae habang nakatingin sa akin.

"Of course you are! Madam!"  Kumindat pa ako kahit deep inside gusto ko na siyang i-kame-hame wave! Ang Madam Baby na ito! Talo pa si Seniora Santibanez kung umasta. Kaloka. Mukha namang paa na may uod na may nana. Pwe!

"Ayoko ng serbisyo niyo. I'll go na," mataray na puna niya at nagwalk out palabas. Mygad?! Pumasok lang ba siya rito para mambuwisit. Shemay! Nahiya naman ang kalyo ko sa paa. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Pasado alas-onse na ng gabi and still gising pa rin ako. Nakarinig ako ng mababagal na yabag sa pinto ng salon. Napalingon ako at nakita ko ang nakakatakot na si Nieca.Teka! Paano nalaman ng bruhang  to na nandito ako?

"Hellooo sweetifieee!"

"Uwaaaahhh!" Agad akong nagtatakbo papunta sa fire exit ng salon. Jusko! Ayoko pang magahasa ng ‘di oras.

-DANA-


"KASALI  nga si Raze sa football team nina Sage," paglilinaw ni Alcoriza. Hindi lang ako makapaniwala. Kagabi ko pa ito nalaman pero ang weird lang pakinggan. Ang nerd na si Raze? marunong sa sports? Akala ko tanging libro lang niya ang nakakaintindi sa kanya.

"See? Kaya nga dapat manood ka. Kasi andoon ang boyfriend mo," sambit ni Alcoriza dahilan para lumapad ang ngisi ko. Humanda ka Sage. Wala ka ng caring na girlfriend. Ipapakita ko sa’yo kung anong sinayang mo.

PUPUNGAS-PUNGAS kong hinagilap ang phone ko nang magbeep ito. Nasaan na ba ‘yun? Hindi ko makita.  Saktong pag-ilaw ng screen ay tiningnan ko kung sino ang bastos na nang-istorbo ng tulog ko. Maganda na sana ang panaginip ko eh, nagkabalikan na daw kami ni Sage. Tss.

Two messages received.

From: unknown number.

Hi?

hey!

manonood ka bukas?

gising ka pa?

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang mga mensahe. May new number ba si Sage? Whoa, as if naman tatanungin niya ako kung pupunta ba ako sa game nila. Kung ganoon sino 'to? Magrereply na sana ako nang mag-ring ang phone ko. No choice kundi sagutin ang caller.

"Tss. Hello?" naiirita kong sambit pero wala namang sumasagot sa kabilang linya. Prank caller siguro ang gagong ito. Ibaba ko na sana nang may magsalita.

"Si Raze to..."

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

***

"HOY bruha! Gising na ano ba?!"

"Bakla! Male-late na tayo! Sige ka matatalo si Raze bebeloves mo!" Pumikit ako at tinalukbong ang makapal na kumot. Pwede ba? Puyat ako!

"5 minutes more..." Husky pa ang boses ko.

"Anong 5 minutes ka diyan? Bumangon ka na kundi kakaladkarin ka namin papasok ng banyo!" Rinig ko ang nanggagalaiting boses ni Alcoriza. Kasabay noon ang pagkalat ng liwanag sa buong kwarto ko. Nakakasilaw. Napatakip ako sa mukha.

"Ugh! I'm lack of sleep! Please!" pagmamakaawa ko pero pinanlisikan lang nila ako ng mata.

"Anong puyat? Tell me, anong ginawa mo kagabi?!" bulalas ni 'Riz dahilan para mapatingin ako sa kanya at mapakamot sa gulo-gulo kong buhok.

"K-kausap si Raze. She gasped in astonishment at napapalakpak naman ang bruhang si Archdave.

"Iyon naman pala, ehh. Hooo todo na 'to! Kaya kumilos ka na diyan at maligo nang makita mo na ang taong pinagpupuyatan mo!"

"What the-----aaaaaa!!!" At walang ano-ano'y kinaladkad nila ako papasok ng banyo.

***

My Nerd in Shining GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon